48. Clash of Black and White

61K 2.2K 252
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 48- Clash of Black and White

I met his dark raven eyes. They're hypnotizing. Sa pagkakalutang niya sa ere habang nakatitig saakin ay tila napagsino ko ang katauhang ikinubli niya sa loob ng maraming buwan.

He's a dark fallen angel.

Ang lalaking kaharap ko ngayon ay isang nakakatakot na katawan na sinapian na ng dilim. Naroon ang matipunong katawan nito, ang gwapong mukha na halos laman ng isip ko oras-oras pero hindi ko masilip sa mga mata nito ang mga titig ng Laurent na nagpa-ibig saakin. His mysterious and hypnotizing stare that's almost a living spell that kept me fallen.

Napaatras ako nang bumaba ito ng bahagya para matitigan ako ng malapitan. Nakahilig pakaliwa ang ulo nito at pinapasadahan ang buo kong katawan na tila anumang oras ay tatangayin niya para i-alay sa kampon ng dilim.

"Laurent! Please come back!" I screamed in pain knowing that he would not recognize me instantly.

Hindi ito umimik. Nagpatuloy sa pagpagaspas ang mga pakpak nito habang nakatitig parin saakin. Then, I saw him crossed his arms as his wings started to fold and covered his body all over. Nagsimulang labasan ang buong katawan nito ng itim na enerhiya habang nananatiling nakalutang sa ere. His body now covered by his dark evil wings rotated slowly.

Naglakad ako palapit sa lalaki. I was keeping my guard. Just in case. "I'll help you overcome this, Laurent. Just please come back!"

Tears blurred my eyes. I can't lose him.

Napangisi ang lalaki. Mabilis na nakabuo ng itim na bola ang mga kamay nito at mabilis na itinapon iyon sa gawi ko.

Nasangga iyon ng mga bisig kong nababalot ng malakas na enerhiya. Tumasik ang dalawang energy ball sa magkabilang panig at sumabog iyon. Malakas.

Naulit ang pagpapaulan ni Laurent ng itim na bola sa gawi ko. Maraming beses pero hindi ako tinamaan. Hanggang sa hindi ko inasahan ang mabilis na pagbaba nito kasabay ng paghampas ng malaking enerhiya sa sikmura ko. Halos maduwal ako sa atakeng iyon.

Nanghina ako at tumilapon. Muling sumugod si Laurent gamit ang kanyang mga kamao. Sinangga ko iyon. Sadyang malakas ang lalaki. Tumilapon ako.

Tatangkain ko sanang bumangon nang bigla kong maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko pinipiga ng isang malakas na pwersa ang puso ko. Bumagsak ang mga tuhod ko sa lupa.

A dark force is keeping my magical powers weak. I lost my grip. Pinagpawisan ako at nanginig.

Laurent was so much stronger! I couldn't stop him from turning into the dark side.

Muling lumipad ang itim na anghel. Sa mabilis na iglap, habang umiikot ay bumukadkad ang mga pakpak nito at nagpakawala ng mga itim na balahibong naging parang itim na punyal ang dulo. His feathers spread like liquid that was spattered randomly. Those pointed feathers with his command aimed at us. Tatamaan kami ng malakutsilyo niyang balahibo.

"Lara!" Alvis shouted at bigla kong naramdaman ang pagyakap nito saakin. Bumaba ang mga hibla ng kidlat at hinila kami pataas.

Alvis' lightning transmission saved me. Nailipat ako agad ni Alvis sa kabilang dulo ng hukay at nakailag kami sa atake ni Laurent. Pero huli na nang mapansin kong sinundan kami ng mga pinakawalang matutulis na itim na balahibo ng huli.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon