48. Clash of Black and White

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa likod mo!" sigaw ko kay Alvis. Napapikit ako at napayuko sa takot na baka tamaan ng mga mala-punyal na balahibong 'yon.

Nang imulat ko ang aking paningin ay nakaramdam ako ng init. Nababalot na pala kami ng mga puting pakpak ni Alvis habang nakayakap siya saakin. His wings were white and covered by lightning thread which difused the black feathery spear that attacked us. Nalusaw ang mga pinakawalang balahibo ni Laurent.

The dark energy implanted by Laurent inside my chest made me weak.

I met Alvis' gaze. His eyes determined. Tipid nitong sabi, "Hide."

Naghubad ng damit na napunit dahil sa biglaang pagtubo ng mga pakpak niya. Nilingon pa ako nito bago bumukadkad ang pakpak niyang nababalutan ng kuryente.

"Alvis, Laurent is still in that body. Let's help him!"

He half-smiled. "I'll try not to kill him." He flapped his wing and flew towards Laurent.

"White wings... Hmmm." Laurent's voice was deep as he faced Alvis. His arms crossed.

Nagkubli ako sa matataas na talahib ilang metro mula sa pinangyarihan ng pagsabog. Dinig ko ang malakas na pagtawa ni Laurent na animo'y nawawala sa matinong pag-iisip. Siguro nga'y sinakop na ng dilim ang katawan at kaluluwa nito dahil iba na ang tono nito. Pero nandoon parin si Laurent.

"Sana'y matagal mo nang nilabas ang nagtatagong kasamaan sa katawan mo. Pinaasa mo lang si Lara! Sinaktan mo siya." Ramdam ko ang galit sa tono ni Alvis. Lalong lumaki ang mga hibla ng kidlat sa katawan nito.

Tumawa lang uli si Laurent. Isang malalim na pagtawa na tila galing sa ilalim ng lupa. "Hindi ako ang dapat mong pagsabihan niyan. Wala na ang kaibigan niyong minahal ng babaeng Hearthopia dahil tuluyan ko na siyang nilamon ng buhay!"

Pinilit kong tumayo. Nanginig ang mga tuhod ko at lalong nanghina. Ano itong kapangyarihang nasa katawan ko?

"The more you struggle to fight that, Lara, the more it consumes your energh. You'll die struggling! This body does not need your help. This is what he is!" Nasundan pa iyon ng isang malutong na halakhak mula kay Laurent.

"Don't struggle, Lara. Do not try to harm yourself by fighting that void in your chest. That's what a tenebris can do," pakiusap ni Alvis.

Hindi na nagpapigil pa si Alvis. Agad nitong ginamit ang ligtning transmission technique kaya mabilis pa sa kidlat itong nakarating sa likuran ni Laurent. Hindi nakita ng huli ang pag-atake ni Alvis. Gamit ang dalawang kamaong magkalapat ay bumuwelo si Alvis saka mabilis at malakas na hinampas ang mga kamaong nababalot ng kuryente.

Parang isang pabagsak na kometa ang kinalabasan ni Laurent na malakas na sumalpok sa lupa. Gumawa iyon ng isang malakas pagyanig.

"Lighning rocket!" Narinig kong sigaw Alvis habang nakapwesto ang mga kamay nitong parang may hawak na isang bazooka. A thread of lightning gathered on both of his hands at tila isang hugis bazooka ang nabuo ng mga hibla ng kuryente. Ilang minuto pa ay isang malakas na ligtning rocket ang pinakawalan ni Alvis patungo sa kinabagsakan ni Laurent. Sumabog ang lupa pagkatapos na halos abutin ang kinalalagyan ko.

N-napakalakas na ni Alvis ngayon... Napakalakas na niya pagkatapos niyang tanggapin ang gift of Gemini. Sana mailigtas niya si Laurent.

Nanatiling nakalutang si Alvis sa ere habang hinihintay ang pag-angat ni Laurent mula sa pagkakahukay. Tantiya ko'y hindi na ito makakabawi pa dahil sa sobrang lakas ng atakeng ginawa ni Alvis. Nag-alala ako sa kalagayan niya. Nag-alala akong baka may mapahamak sa kanilang dalawa dahil sa labanan.

Katahimikan. Tanging ang sipol ng hangin na lang ang naririnig. Maliwanag parin ang paligid habang nakatirik ang araw.

Isang malakas na pagguho ng lupa mula sa ilalim ang narinig. Kasunod no'n ay ang paglabas na naman ng kamay ni Manya mula sa ilalim. Pinatamaan 'yon ng nakakakuryenteng bola ni Alvis. Nadurog ang kamay ni Manya pero nakakagulat ang mga sumunod na nangyari. Manya's arms regenerated into multiple demon arms. Halos sabay-sabay na umatake ang higit sa sampung sanga-sangang itim na braso patungo kay Alvis. The arms randomly travelled and unpredictably attacked Alvis from different corners.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon