"Eto naman 'di mabiro," ngumuso siya.

"Sige na, una na ako." Pagpapaalam niya. 

"Mag-ingat ka," pahabol kong sabi and she just hummed at tuluyan na ngang lumabas ng dorm. 

Matapos kong kumain ay umalis na rin ako. Nasa gate na ako at magtataxi lang ako ngayon kasi ayoko ng abalahin pa si Sally. Hindi ko sinagot ang mga text at tawag nila. Gusto kong isipin ng pamilya ko ngayon na galit ako sa gagawin naming meet-up sa magiging asawa ko raw. 

Ba't ba ako pinipilit e sa ayaw ko nga mag-asawa e! Kapag 'yan natuloy, tsk, tatakbuhan ko talaga 'yang magiging asawa ko. Bahala sila.

Pumara na ako ng taxi at bumyahe na nga papunta sa main mansion.

–––

*Main Mansion*

"Oh, apo! Napaaga ka ata?" Sinalubong ako ng yakap ni lolo na hindi ko naman tinanggihan.

Ngumiti ako sa kaniya, "Sabi kasi ni Sally na dito raw gaganapin ang meet-up," paliwanag ko.

Nakita ko naman na nalungkot ang mukha ni lolo. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya.

"Bakit Lo?" nakangiti ko pang tanong sa kanya.

"Gusto mo ba talaga ang arranged marriage na'to o hindi? Kasi kapag hindi, I'll do anything to stop it, apo." Malambing na sabi ni Lolo. 

Napayuko naman ako at nagdalawang-isip. Ayokong abalahin si Lolo. Baka kasi mas lalo pang gugulo kapag naisali ko si Lolo at baka ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway ng pamilya nila. Sasagot na sana ako nang biglang lumabas ang bruhang Lola ni Luna na pinaglihi sa demonyo sa sama ng ugali. 

"I won't let you, Johann. It's our granddaughter's future. I cannot let you ruin it again!"

Walang emosyon ko namang tinitigan si Lola sa kaniyang sinabi. Kakababa lang niya sa hagdan, suot niya ang talaga namang mamahaling damit. Napaka-elegante niyang tingnan ngunit mababakas din naman sa pagmumukha niya ang pagkamataray. 

Humalikipkip siya at sinipat ako mula paa hanggang ulo. 

"Iyan ba ang isusuot mo sa meet-up ng mapapangasawa mo? Aba't mag-ayos ka doon, Luna. Nagmumukha kang manang, tsaka tanggalin mo 'yang salamin mo sa mata! Daig mo pa ang isang matanda sa itsura mo." Ang sabi ni Lola na ikinainis ko. 

"Wala akong balak—" hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin nang hinila na ako ni Lolo. 

"Tara na apo. Ako ng bahala sa kaniya Amanda." Sabi ni Lolo.

"Aba'y dapat lang!" Mataray na sagot ni Lola. 

Nang tuluyan kaming makaakyat ni Lolo sa itaas ay doon ko inirapan si Lola. Tsk! Napaka demanding naman! Nakakainis talaga 'yong matandang 'yon! 

Pumasok kami sa isang kwarto at doon na muling nagsalita si Lolo.

"Pagpasensyahan mo na ang Lola mo, apo. Hindi lang talaga tugma ang gusto naming dalawa. She's stubborn but I love her stubbornness." 

Nag-isang linya ang labi ko dahil hindi ko masiyadong nagustuhan ang sinabi ni Lolo. I feel cringe about this love thing kasi hindi ko pa naman naranasan na seryosohin talaga ng isang lalaki. 

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto. Doon ko napansin ang isang napakalaking frame picture sa malaking kwarto na ito. Umawang ang bibig ko sa aking nakita. Natakpan ko pa ang sariling bibig para hindi ako mahalata ni Lolo habang may kinukuha siya na kung ano sa isang closet. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now