The Forbidden Castle

2 0 0
                                    

A forbidden castle where 7 cursed vampires live for century.

Seven cursed vampires that is forced to live in a mortal world.

A vampires who has mission to fulfil before everything goes back in place.

Sacrifice, Love, Fate....

***

Aurora Ciana, a girl that is always prone in sickness. A girl who almost grew up in the hospital because of her weak heart and her weak body. A girl that never get a chance to enjoy her life like others.

"Miss Aurora?" Agad akong napabalikwas ng bangon. "Gising napo. Nandito na po tayo."

Tumango ako kay Mang Kanor. Ang family driver namin na naghatid sa akin sa bahay ng Lola ko. Nauna na ito dahil kailangan pa niyang ibaba ang mga gamit ko. Sumilip pa muna ako sa labas at napaawang ang labi nang makitang madilim na pala ang langit.

Ganon ba talaga kalayo ang lugar na ito?

Sa pagkakatanda ko kasi ay bumiyahe kami bago pa sumikat ang araw. Bumaling tuloy ako kay Mang Kanor. Siguradong pagod ito sa haba ng biyahe namin.

Lumabas na ako ng sasakyan at sa unang pagkakataon na pagtapak ko sa lugar na ito ay bigla nalang tumaas ang balahibo ko.

Napayakap pa ako sa sarili ng salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin. Hindi naman ganito ka-hangin kanina. Nagtataka kong iginala ang paningin sa paligid. Bigla nalang kasing humangin ng malakas.

Puro matatayog na puno lang naman ang makikita. Walang gaanong ilaw sa paligid kaya medyo madilim. Tanging ilaw lang sa bahay ni Lola ang nagsisilbing liwanag sa paligid pero overall. Wala talaga.

"Apo!"

Agad kong tiningnan si Lola na nakatayo sa entrance ng bahay niya at kumakaway pa sa akin. Ngumiti ako dito saka kumaway na rin pabalik.

Akmang lalapit na ako dito nang may bigla nalang umagaw ng atensyon ko. Bumaling ako sa bandang kaliwa at ipinaling ang ulo para tingnan ng maayos. Merong bulto ng isang tao ang nakatayo sa gilid ng puno at para bang pinapanood kami.

Humakbang ako palapit dito at napaatras pa nang makitang nagtago ito. Kunot noo ko iyong pinagmasdan. Hindi ko rin naman gaanong maaninag dahil nga madilim.

"Ihja, anong tinitingnan mo dyan?" Gulat akong tumingin kay Lola.

Bigla nalang kasi siyang sumulpot sa tabi ko habang hinahanap iyong tinitingnan ko sa malayo. Napalunok pa ako ng hawakan ako nito sa braso. Unti-unting humihigpit ang hawak nito kaya napadaing na ako.

"L-lola...m-masakit n-na po.." Daing ko pa pero parang bang hindi niya naririnig.

Nandon pa rin ang tingin niya. Hindi niya pa ata namamalayan na nasasaktan na ako sa hawak niya. Para siyang bingi.

"Lola...masakit po." Daing ko pa ulit dahil bumabaon na ang kuko nito sa braso ko.

Pilit ko ring inaalis ang pagkakapit nito sa akin pero mas lalong sumasakit. Mas lalo niya kasing hinihigpitan ang kapit niya.

Sa wakas ay bumitaw din ito. Napahawak ako sa braso ko. Nagdurugo na ito dahil sa kapit niya. Malamig siyang tumingin sa akin saka tumalikod.

"Pumasok kana." Malamig na aniya pa.

Nakangiwi akong sumunod dito. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng sugat na dulot ng kuko nito. Sobrang sakit.

Ngayon ko lang makakasama si Lola. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinapunta nila Mama dito. Gayong napakalayo ng lugar na ito sa hospital. Paano nalang kung merong mangyari sa akin? Edi hindi na ako aabutan sa hospital?

Mamatay na ako.

Hindi ko na nakita si Lola pagkatapos nun at kasambahay nalang niya ang umasikaso sa akin. Kasalukuyang pinapanood ko ang kasambahay ni Lola na gumagamot sa akin.

"Matagal na po ba kayo dito?" Tanong ko sa kaniya.

Sa tantsa ko ay nasa edad 50+ ito. Medyo maputi na ang buhok nito. Bumaling siya sa akin at tinitigan pa ako kay umiwas rin agad ako ng tingin.

"Mahigit isang dekada na rin." Umawang ang labi ko sa sagot nito. "Mabait ang Lola mo. Hindi siya tulad ng iniisip mo. At kung nagawa ka man niyang saktan. Siguradong may dahilan iyon." Dagdag nito.

Bumaling ako sa malayo at hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa bintana kung ko nakita ang matatayog na puno. Naalala ko tuloy iyong nakita ko kanina. Iyong ba ang dahilan ni Lola kung bakit niya ito nagawa?

Pero ano namang koneksyon nun sa akin?

Iyon ba ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon?

Kumunot pa ang noo ko nang muli kong makita ang bulto ng taong nakita ko. Alam kong iisa lang iyon. Alam kong iisang tao lang iyong nakikita ko ngayon at kanina.

Isa pa yan, bakit ba kanina niya pa ako pinapanood? Bakit hindi siya nagpapakita?

"Huwag na huwag mo ipapakitang mahina ka. Lalo na sa kanila. At huwag na huwag ka ring lalabas o tutungo sa kakahuyan dahil doon mo makikita ang panganib na hindi mo aakalain. Nagmamasid lang sila..."

Napalunok ako sa sinabi nito kasabay ng pagtaas ng balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit ang weirdo ng mga tao dito. Napatayo na agad ako at hinanap si Mang Kanor.

Sa pagkakaalam ko ay bukas pa ang biyahe nito pabalik ng Maynila. Kailangan ko itong makita dahil sasama ako sa kaniya pabalik ng Maynila. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito at sa mga tao sa paligid ko. Siya lang ang pwede kong mapagkatiwalaan ngayon.

"Mamatay na siya!" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Lola.

Huminto ako sa isang silid. Merong konting puwang sa pinto kay sumilip ako. Hindi ko alam kung sino ang kaaway niya. Hindi ko rin kasi makita.

"Mabubuhay siya! Iyon ang pangako mo sa anak mo! Dudugtungan mo ang buhay ng apo mo! Grazilda!" Natigilan ako.

Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Mang Kanor. Pero mas natigilan ako sa sinabi nito. Iyon ba? Iyon ba ang dahilan kung bakit ako pinadala ni Mama dito?

Alam kong mahina ako. Alam kong mahina na ang puso ko. At alam mamatay na ako.

"Isang buwan. Isang buwan ang taning ng doktor sa apo mo." Napalunok ako.

Kusang bumagsak ang luha ko sa narinig ko sa kanila. Hindi ko alam na isang buwan na lang ang meron ako para mabuhay. I always wanted to live pero laging ipinagkakait ng mundo sa akin iyon.

"Matagal na dapat siya patay. Hindi dapat siya nabuhay, Kanor..."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE FORBIDDEN CASTLEWhere stories live. Discover now