Chapter 42

913 30 6
                                    

It wasn't included in my plan, pero kalaunan sumangayon na rin ako sa kaniya na sumama pabalik ng Quezon. Just by merely mentioning that place brings me a lot of memories I've always wanted to forget. Dati pa man, gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na iyon and I have no plan of coming back, pero heto ako ngayon, tinatahak ang daan pabalik sa probinsyang iyon.

"I don't want to sleep in our house," basag ko sa mahabang katahimikan. Sumulyap siya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa daan. He's driving silently but I can feel him giving me glances every minute.

"Hindi kita dadalhin doon."

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako nagtanong sa kaniya kung saan niya ako dadalhin.

"I think I should call Twelve and the others. Magagalit sila sa akin kapag nalaman na sinama kita ng hindi nagpapaalam sa kanila," aniya.

I agreed with him silently. Madaling araw na ngayon. I don't know kung natutulog na ba ang mga loko or maybe they're still up drinking liquors.

"Ako na bahala, ite-text ko na lang si Sison," I chose to message Sison kasi alam kong siya yung hindi magagalit sa akin ng agaran. Kapag kasi si Twelve ang minessage ko, paniguradong pagagalitan na naman ako niyon.

I put down my phone in my lap. After a minute, tumunog ng malakas ang ringtone ng phone ko. Napapitlag ako sa gulat. Pangalan ni Sison ang nakalagay doon.

"Who is it?" Tanong ni Jacques. Pinakita ko naman sa kaniya ang caller ID.

Kabado kong sinagot ang tawag.

"Nasaan ka?! Bakit hindi ka nagpapaalam?!" boses ni Twelve ang narinig ko sa kabilang linya.

"Batang 'to gabing-gabi na kung saan saan ka pa pumupunta, umuwi ka!"

"Akin na nga, kakasabi ko lang na nakaalis na sila eh," boses naman ni Sison ang narinig ko.

Nailayo ko ang cellphone sa tenga nang muling sumigaw si Twelve.

"Hindi pwede! Hoy Madelaine umuwi ka na habang 'di pa mainit ulo ko. Naku talagang sinasabi ko sa'yo tatamaan ka sa akin."

Hindi pa mainit ulo niya sa lagay na 'yan?

"A-ano ba, Twelve. Umayos ka nga. Malayo na kami kaya hindi na makakabalik kaagad dyan. Hindi naman kami magtatagal do'n. Manahimik ka na lang dyan at magbagong-buhay para magka love life ka naman!"

"Aba loko 'to ah! Wala akong pakialam kung malayo na kayo! Ibigay mo cellphone kay Jacques, kakausapin ko 'yang loko na 'yan!"

Nakatingin sa akin si Jacques at sinenyas na ilapit sa kaniya ang phone.

"Twelve," malumanay na aniya.

"Oh ano?! Walanjo ka kung saan saan mo dinadala si Madelaine. 'Wag mong sabihing magtatanan na kayo?!"

Nasapo ko ang noo nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Kahit kailan talaga, sakit siya sa ulo.

"That's not it, Twelve. We'll just go home to the province. Hindi rin naman kami magtatagal."

"Paano kami makakasiguradong magiging ligtas si Madelaine habang kasama ka? Baka kung ano mangyari dyan!"

"I won't let anything bad happen to her, I promise."

Sa pagkakataong iyon hindi kaagad nakakapag salita si Twelve. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Promise promise ka riyan, ayusin mo ha."

Muli ko namang ibinalik sa tenga ang phone.

"Sige na, sa susunod na lang ulit. Matulog na kayo riyan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon