Chapter 12

770 49 0
                                    

"Paano mo nalaman na nandoon ako?" I asked him in the middle of the silence. Tuluyan nang kinain ang dilim ang buong paligid. Hindi na rin kami nakahanap pa ng masasakyan pauwi sa loob ng higit sampung minutong paghihintay. Isang hindi magandang bagay kapag sa probinsya ka nakatira, madalang ang dumadaang mga sasakyan lalo na kapag madilim na.

Masukal ang gilid ng kalsada at wala masyadong mga street lights. Kung meron man, napakadalang. Kaya hindi na rin ako nag-inarte nang sabihin niya sa aking sasabayan niya ako sa paglalakad pauwi.

There's a long silence between us again. I furtively roam my gaze around him. He's wearing a black jacket outside his t-shirt. Nakasuot lang din ng shorts at nakarubber shoes. Para siyang magjo-jogging sa porma niya ngayon.

"Napadaan lang." maikling tugon niya. Hindi naman na ako nag-usyuso pa.

Si Jacques talaga iyong tipo ng tao na hindi mo makakausap ng tuloy-tuloy. Ikaw pa mismo ang magsisimula ng topic kung gusto mong magkausap kayo. I wonder how he manage to capture Ezperanza's heart. Napasagot niya iyon ng paganiyan ganiyan lang?

"Siyanga pala, pakisabi na lang kina Twelve na hindi ako galit sa kanila ha? Busy lang talaga ako ngayon kaya hindi na ako nakakatambay sa bilyaran. Pakisabi huwag nilang ipahalata na masyado nila akong nami-miss." napahalakhak ako sa sariling sinabi.

This is the first time that I haven't talked with them for more than two weeks. Hindi ako sanay na hindi sila kasama at alam ko naman na ganoon din sila. Kaya nga noon, sa tuwing may mga outing kami, kahit sinasabi kong hindi ako makakapunta dahil walang budget, sila ang gumagawa ng paraan para makasama ako.

I love my friends. Nawawala stress ko sa tuwing kasama ko sila. Kontento na ako sa mga tawanan at pang-aasar namin sa isa't-isa. Kahit iyon lang nawawala na ang lungkot ko. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. I treasure my friends the most, kahit madalas nila akong pagtulungan, they are still the most genuine one.

"Akala nila galit ka, you never showed again after that day. Gusto ka nilang puntahan, nahihiya lang siguro." Jacques told me.

I was a little bit awed. I feel like he's words are comforting me. Para bang sinasabi niya na huwag akong mag-alala dahil kahit papaano ay hinahanap pa rin ako ng anim na siraulo kong kaibigan.

I laughed along with the cold waves of wind, still a little bit awed.

"Hindi ako galit! Nagtatrabaho na kasi ako ngayon sa palengke. Saka napagisip-isip ko na bawasan na muna ang kakatambay. Gusto ko ring bawasan ang pasanin ni Tita Christine, parang nagiging palamunin na lang niya kami ni Papa." tumawa ako para pigilan ang kahihiyan na namumutawi sa loob ko. "Malaki na ako kaya hindi pwede na palaging papetiks-petiks na lang. Kailangan ko ring kumita para yumaman kaagad ako."

Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako at takang napatingin sa kaniya.

"B-bakit?" nagtatakang tanong ko rito. Bigla akong napaisip kung anong mali sa mga sinabi ko. Sabi ko lang naman gusto kong yumaman. Ako lang ba ang nag-iisang taong ganoon ang pangarap sa buhay?

Sobrang tagal ng titig niya na pakiramdam ko ay ginagalugad na niya ang buong kaluluwa ko.

"Do you have a dream?" seryosong tanong niya sa akin.

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. His question is quite surprising. It is unusual for a person to ask someone's dream. Totoo naman, sino bang tao ang magtatanong sa'yo tungkol sa pangarap mo sa buhay? Okay lang siguro kung magulang mo o kamag-anak. Normal na sa kanila ang magtanong tungkol sa mga ganitong bagay.

Pero sa mga ganitong kakilala, sobrang unusual. Ang awkward din masyado ng tanong niya. I'm surprised that we're not shouting with each other at this moment. Sa tuwing nag-uusap kasi kami, palaging sigawan.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon