Chapter 2

1.1K 59 18
                                    

I was fixing my hair using my fingers when a pair of black shoes stopped in front of me. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin, I know who he is. Not that I know every details of his being. It's just that, everytime he's not looking, everytime I have chances, I was silently staring at him and watching his every moves.

Alam ko ang disenyo ng sapatos niya, alam ko ang ayos ng buhok niya. Alam ko kung saan siya may taling. Alam ko rin na may butas ang kaliwang tenga niya dahil sa piercing na tinanggal na niya ngayon.

"Alam ko na sasabihin mo. Paniguradong manunumbat ka dahil hindi ako nakinig sa'yo noon. Oo na, tama ka na. Hindi ko naman alam na may girlfriend na iyon." masyadong mabait sa paningin ko si Vincent kaya hindi ko inakala na isa rin pala siyang isa't kalahating gago. Naihilamos ko ang palad sa mukha. "Ang bilis ko talaga maloko." tumawa ako sa sarili.

I waited for him to speak. Paniguradong susumbatan niya ako, pakialamero siya eh. Hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako pinapakialaman.

Silence enveloped the atmosphere. Lumipas ang ilang minuto na nakatayo lamang siya sa harap ko. Hindi rin ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang umupo siya sa harap ko. He's not totally sitting on the floor though. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa mga tuhod.

Weird.

But the moment our eyes met, I felt my heart ached because of how it beats.

"B-bakit ganiyan ka makatingin?" I stuttered. Kaya nga iniiwasan kong magkasama kaming dalawa, I don't like how my heart reacts everytime he's around. Nagsimula lang naman ito noong araw na naglaban kami sa bilyar. He defeated me. Kasunod noon, pakiramdam ko natalo na rin niya ang lahat sa akin.

"You deserve more. Huwag kang iiyak para sa mga lalaking kagaya niya." he told me seriously.

Mabilis akong umiwas ng tingin.

"I'm not crying." pagkakaila ko.

Nagulat ako nang maramdaman ang daliri niya sa pisngi ko. "So what's this?" aniya habang nakatingin sa hinlalaki niyang nabasa dahil sa luha.

Mabilis kong tinabig ang kamay niya palayo.

"Hindi ko lang kasi mapigilan. A-akala ko seryoso siya sa akin, iyon pala kagaya rin siya ng iba."

"You just have to choose wise. Maraming lalaki riyan. Pero marami ring gago. Huwag kang bibigay kaagad at magpapaloko. Know your worth, Madelaine. Hindi ka second choice lang, at... hindi ka dapat ginagawang kabit." he sounds hesitant kung babanggitin ba niya ang huling salita.

Even though I know he's right, meron pa ring parte sa akin ang tumututol. How can I choose wise kung hindi ko makikilala at masusubukan? At the end of the day, even if they continued on hurting me, at least I've learned my lessons. Ibig sabihin, hindi siya karapat-dapat sa akin kaya hindi na ulit ako sa kaniya titingin.

I heaved a deep sigh and fix myself.

"Sige, salamat sa advice. Mauuna na ako." mabilis kong paalam saka tumayo. I was shocked when he immediately grabbed my hand that made me halt from walking. "B-bakit?" kinakabahang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumayo at pinantayan ako. There's still a serious expression plastered on his face.

"Gamutin natin iyang mga galos mo." aniya sa akin.

Taranta ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya.

"H-huwag na, mabilis naman ito gagaling. Kahit hindi na gamutin ayos lang." I laughed awkwardly because he remained staring.

"Mas mabilis iyang gagaling kung gagamutin kaagad." mariing aniya.

Tumaas naman ang kilay ko at pinagmukhang matapang ang sarili, not letting him notice that I'm starting to feel something through his acts.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Where stories live. Discover now