Chapter 35

840 40 12
                                    

"Gabing-gabi na, Madelaine. Mabuti naisipan mo pang umuwi?" sarkastikong anas sa akin ni Twelve matapos nila akong madatnan kanina sa ganoong kalagayan.

Nakaupo ako ngayon sa sofa sa harap nila. Nasa tabi ko naman si Diego. Everyone's glaring at him as if they're blaming him for me, coming home so late and drunk.

Nakapikit lamang ako habang hinihilot-hilot ang sentido.

"Nagpaalam ako kaninang aalis. Ano bang ikinagagalit niyo?" iritadong tugon ko.

I could feel Jacques' stare at me. Hindi naalis ang tingin niya sa akin simula nang dumating kami kanina. There are a lot of empty bottles of wine in front of me, so it means nag-inuman nga sila.

"Madelaine," tawag sa akin ni Sison. Tamad akong nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Nag-aalala lang kami sa'yo. Hindi ka nagsabi kung saan ka pupunta. Wala ring paraan para makontak ka namin. Sana nagsabi ka para alam namin kung saan ka pupuntahan."

Suminghal lang ako.

"Eh mukha namang nagkakasiyahan kayo rito eh," bulong ko. Na mukhang mas lalong hindi nila nagustuhan.

"Bakit ka ba naglasing? Iinom ka rin naman pala sana hindi na ka lang lumabas," singit ni Nico. 

Nakita ko pa ang masamang tingin na ipinukol nila kay Diego. Napabuntong-hininga ako at hindi na sumagot. Sobrang naiirita talaga ako ngayon. Pinipigilan ko lang sarili ko kasi ayaw ko silang sigawan.

"So you were with Diego the whole time?" seryosong boses ni Jacques ang narinig kong nagsalita. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"And so? You have no say on who I want to be with. Ikaw dapat ang tinatanong ko. Ano bang ginagawa mo rito?!"

"Madelaine, your tone," paninita sa akin ni Twelve. 

Frustrated akong lumingon sa kaniya.

"What?! Ako na naman?! Siya na naman kakampihan niyo?!"

"Mad, calm down. Huwag kang sumigaw," anas ni Diego sa aking tabi.

But it's too late for me to calm down. Masyado na akong frustrated ngayong araw. They should just let me sleep upstairs instead of pestering my life.

"Ang hirap kasi sa inyo palagi niyo akong tinuturing na bata. Konting galaw ko, pinapansin niyo. Konting galaw, may nasasabi kayo! Lahat na lang pinapakialaman niyo, nawawalan na ako ng sariling desisyon!" 

I appreciate their care for me. Magkakaibigan kami at alam kong normal iyon. Mas dapat akong magtaka kapag hindi na nila ako pinapakialaman. But… it somehow feels too suffocating. 

"Gusto ko lang namang magsaya kanina," naiiyak kong anas. "Tapos pagdating ko sermon na naman aabutin ko sa inyo. Hindi ko naman kayo kaano-ano. Kung makaasta kayo parang ang laki ng ambag niyo sa buhay ko!"

Those words…

Saka ko lang narealize kung kailan nasabi ko na. Kung kailan narinig na nilang lahat. I immediately regretted it, I didn't mean to say it. 

Natahimik kaming lahat pagkatapos niyon. But the thing that bothered me the most was how their cold eyes sent chills on my body. Nandoon ang matinding takot na lumukob sa buong sistema ko. This is not the first time that we fought but I guess, this is the worst.

Twelve stood up from his seat, I immediately followed him with my eyes.

"Sorry sa pangingialam. Hindi na mauulit."

The fact that he managed to give me that kind of tone bothers me a lot. Alam ko namang may limitasyon ang pagpapasensiya nila sa akin. And I guess, I've reached the limit.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Where stories live. Discover now