Inabutan ko siya ng tubig kasi kanina ko pa napapansin na hinihimas niya ang dibdib niya. Mukhang hindi pa siya nakarekober sa nakita niya kanina.

"Tubig oh, uminom ka muna. Parang hihimatayin ka na diyan e." 

Kaagad naman niya itong kinuha at agarang ininom. Papasok na kami sa silid-aralan namin ngayon. Nang nasa pintuan na kami ay nakasalubong namin si Mirra. Sinipat ko ang itsura niya. Ganun din ang reaksyon ni Olivia. 

"Oh, wag ka na mahiya Mirra. Tingnan mo, may kaparehas ka na. Nagrambulan ba kayong dalawa ni Olivia at puro benda ang mga katawan ninyo?" Natatawang sabi ni Shamil. 

Nakabenda rin kasi sa ulo si Mirra. Buti na nga lang at maayos na 'yong sa'kin kaya natanggal ko na no'ng nakaraang araw lang. 

"Anong nangyari sa'yo Ms. Pres?" Tanong ni Olivia. 

Napansin ko na tumingin muna siya sa'kin at inilihis niya kaagad ang tingin kay Olivia. Palagi kong napapansin ang ganong galawan niya. Para bang kilala na niya ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.

"Gianna," kinalabit naman ako ni Shamil kaya napalingon ako sa kaniya. 

"Bakit?" 

"Nakita mo na ba?" Halos pabulong niyang tanong sa'kin. 

Tinutukoy niya siguro iyong nasa field. Pero hindi ako sigurado kaya tinanong ko na lang siya. 

"Ang alin ba?" 

She gesture na lumapit daw ako sa kaniya kaya ginawa ko naman and then she whispered into my ear.

"Patay na raw si Stella, 'yong pinsan ni Darcey." Kaagad akong napalayo sa kaniya. 

Mahina siyang tumawa habang tinatakpan ang bibig niya para hindi siya makagawa ng tunog. She's really weird. Mukhang masaya pa siya na may namatay. 'Yong paraan din ng pagsabi niya sa'kin na patay na si Stella ay para bang sabik na sabik siyang makita kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinasabi niya. 

"Ah, oo, nakita na namin ito kanina, nandoon sa field. Ba't ka tumatawa?" Hindi ko na napigilang tanungin siya. 

Napansin ko naman na umalis na si Olivia sa tabi ko at kinausap niya si Mirra. Mukhang close na close rin silang dalawa ni Mirra na ngayon ko lang napagtanto. 

Ngumiti naman siya sa'kin, "Deserve kasi," sagot niya na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. 

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka siya ang pumaslang sa mga ito. Napaka weirdo niya talaga kasi sa paraan na hindi ko maintindihan. Pero pumasok din kaagad sa isipan ko si Kuya Roy. Doon nanlaki ang mata ko nang mapagtanto.

"Bakit Gianna? Nagulat ka ba kasi tinatawanan ko 'yong namatay na tao?" Nakangiti pang tanong ni Shamil sa'kin. 

Umiling naman ako, "Hindi naman. Teka lang huh, may tatawagan muna ako." 

Pagpapaalam ko sa kaniya kahit na hindi naman talaga kailangan ng ganun. Ayoko lang talagang maging bastos sa kaniya. Muka pa naman siyang may saltik sa ulo e.

Tumango naman siya, "Go ahead, it's nice talking to you then." Nginitian ko lang siya ng bahagya sa sinabi niya at tsaka lumabas ako ng silid. 

Naglakad lang ako sa pinakamalapit na bench ng hallway. Hindi naman masiyadong marami ang mga estudyante sa labas kaya minabuti ko na lang na dito ko na kakausapin si Kuya Roy. 

Tinatawag ko na siyang Kuya ngayon sapagkat naalala ko na ang nakaraan ni Luna sa lalaki na 'yon. Para na talaga niyang kapatid iyon at iyon din minsan ang nagliligtas sa kaniya para hindi mapagalitan si Luna sa kaniyang totoong Kuya. Medyo may pagkamatigasin din pala kasi 'tong si Luna e kaya ganun na lamang kung mag-alala ang mga taong nakapalibot sa kanya.

The Rare OnesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu