Chapter VIII - Glance

32 3 21
                                    

Chapter VII (Last Chapter)
Timeline: August 2025 (Present)



Malapit na ako sa bahay namin. Kapag medyo mausok na, alam kong nasa kanto na ako ng street namin dahil maraming ihawan dito tuwing gabi.


Medyo maraming tao. Mausok, pero mabango dahil sa pagkain. Bigla tuloy akong nagcrave sa balut! Hahahaha! Iba't-ibang mukha na ang nakikita ko. Iba't-ibang ingay dahil din marami ang kumakain sa labas. Unhealthy man, pero masarap! Pero hinay-hinay lang sa pagkain ng street foods ha? Masama 'yan sa katawan.


Ni-park ko muna ang motor ko sa labas ng dati naming tindahan na ginawang bodega. I can see na bukas na bukas ang mga ilaw namin. Alam kong may ginagawa sila. Hindi na muna ako pumasok dahil pupuntahan ko pa si Lola Talya na nagpacheck-up sa akin kanina. Yes, siya ang nagtitinda ng balut.


Palagi akong bumibili ng balut at penoy sa kanya magmula noong magtinda 'yan dito sa may street namin. Ibang klase rin kasi ang mga balut niya. Napakasarap! Hahahaha!


Kinuha ko muna ang white coat ko sa storage compartment ng motor ko. Sinuot ko naman ito atsaka ko inilagay ang Stethoscope ko. Kaya ko ginagawa ito ay para makilala ako ni Lola Talya. Kasi naman e ganito raw lagi ang suot ko at sa tuwing makikita niya ako ay alam niya raw na ako 'yon. "Doctora Ganda!" pa nga ang tawag niya sa akin e.


Sobrang bait ni Lola Talya. Sa kasamaang palad ay wala siyang pamilya. Inabanduna siya ng kaniyang mga anak magmula noong mamatay ang asawa niya. Kaya ngayon ay nasa pangangalaga siya ng kaniyang pamangkin. Mabuti na lamang at mabait 'yon. Kaya labis na lang ang pagmamahal ko kay Lola Talya dahil hindi lang suki ang tingin niya sa akin. Tinuring na rin niya akong apo.


Alam din niya na kaya lagi akong bumibili ng balut ay dahil paborito 'yon ng true love ko. Masaya akong i-kinwento sa kanya ang story namin ni Aries. Noon kasi e after mag-aral ni Aries ay didiretso 'yan sa balut vendor para bumili. Kahit na hindi ako mahilig sa balut at nakahiligan ko na 'yon dahil sa kanya.


Timeline: January 2017


"Lovey, tikman mo kasi!" Umiling naman ako dahil ayokong kainin ang sisiw ng balut.


"Akin na lang 'yung yellow. Please?" Pagmamakaawa ko para lang hindi ko makain 'yung sisiw. "E favorite ko rin po 'yon, Lovey." Mahinahon na sabi niya. Nagpout pa ito atsaka dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niyang may hawak na yellow part nung sisiw, "Pero ito, sa'yo na po. Para hindi ka na sad." Malungkot na sabi niya habang isinusubo niya sa akin ang parte ng balut na 'yon.


Hinawakan ko naman ang kamay niya at unti-unti kong inilapit ito sa bibig niya. "Sa'yo na, Lovey. Lagi mo na lang akong pinagbibigyan e. Ayan, kainin mo na." Saad ko atsaka dahan-dahang ipinakain sa kanya 'yon. Nginitian ko naman siya, "Sarap?"

The Hidden Remedy (COMPLETED)Where stories live. Discover now