Chapter I - Don't Say Goodbye

96 5 20
                                    

Chapter I
Timeline: March 2017 (Past)


"Okay ka pa ba, girl? Para kang lantay gulay ka na r'yan?" Inayos ko naman ang sarili ko after sabihin 'yon ni Milan— ang kaibigan ko. Magkausap kami ngayon through video chat dahil busy siya sa course niya and nasa Batangas siya now— ang hometown niya.


"Okay lang naman ako. Ano ka ba?" Pagsisinungaling ko. "Ikaw ba? Kumusta ka?" Umiling-iling naman siya atsaka ngumiti.


"Huwag ka nang magsinungaling, Myst. Sa akin ka pa magsisinungaling e halos 6 years na kitang nakakasama." Hindi ko naman na napigilan ang pagtulo ng luha ko, "May problema ka ba? Sa studies mo ba? Kaya mo pa? Kayo ni Aries? Okay lang kayo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin, "Kung malapit lang ako." Ani Milan.


"Hindi ko na alam, Mil. Parang habang umuusad ako, mas napapagod ako." Sagot ko sa kanya, "Pakiramdam ko, nasa race ako e. 21 na ako pero ito, mahirap pa rin. Ano ba 'yan!? Hahaha!" Agad kong pinunasan ang luha ko at sinabayan ko ng peke kong tawa.


"Myst, hindi racing ang buhay ha? Lahat may kanya-kanyang time. Ang sabi ko 'di ba tutulungan kita? Kaya kita kinakausap ngayon. Ano pa? Ilabas mo lahat." Kalmadong sabi ni Milan na para bang nakikipag-usap sa 11 years old na batang ako. Ang soft na parang ayaw niyang makadagdag lalo sa bigat na nararamdaman ko.


Rei Milan Hillary, 22, 6 years ko ng kaibigan. Pa-graduate na rin siya sa course na BSTM—Bachelor of Science in Tourism Management dahil pinangarap niya maging Flight Attendant. Natutuwa ako kasi kahit anong busy schedule meron siya, nandiyan pa rin siya para alalayan ako. Para tulungan ako sa mga bagay na nahihirapan ako. Isa siya sa mga human diary ko at nakakakilala sa pag-uugali ko.


"Hindi ko na talaga alam, Milan. Ang sakit-sakit na. Pakiramdam ko mag-isa ako. Pakiramdam ko lahat na lang pinapahirapan ako. Pakiramdam ko hindi ko deserve ang buhay na 'to. Ang cruel ng world sa akin." Sambit ko habang hinahabol ang paghinga ko. Mabuti na lamang at may laman na tubig ang tumbler ko na nakalagay sa study table ko.


"Ang sabi ni Daddy? Protect your heart. Inaalagaan ba 'yan ni Aries ngayon?" Bigla akong napatigil dahil iniisip ko ang isasagot ko. Ayokong madismaya sila kay Aries pero hindi ko rin naman kayang kimkimin 'tong nararamdaman ko.


Pero wala naman masama kung magsasabi lang ako, "To be honest, hindi na kami okay. Lalo na siya. Ang mental health niya. Subsob pa siya sa pag-aaral. Tapos ginaganiyan na naman siya ng pamilya niya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya kayang tulungan. Pakiramdam ko ang useless ko. Nakakaiyak lalo kapag hin—" I suddenly stopped talking when Milan cutted me off, "No, ang nararamdaman mo sa kanya ang sabihin mo sa akin ngayon, Myst. Ano?" Milan.


"Nahihirapan na ako. Pero hindi ako napapagod. Ewan ko? Ano bang pinagkaiba non? Anyway, kapag magkaaway kami, saktong lubog siya." Huminga naman muna ako nang malalim bago ko ituloy, "Ending, ililigtas ko siya from that then makakalimutan ko na may hindi kami pagkakaintindihan, so naiipon ko 'yung bigat. Hindi niya rin ako pinapakinggan at siya lang hinahayaan ko magsalita. Pero okay pa rin naman siya."

The Hidden Remedy (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu