“Let her go bitch!” Ani Elleanor

Sinugod niya si Stella ngunit inunahan ko na siya. Minanipula ko ang hangin at inihampas ko iyon kay Stella. Tumilapon siya kasama si Olivia na nabitawan niya sa ginawa ko. Gulat ang makikita sa mata nila Ellesse at Elleanor nang saglit ko silang matingnan. Tumakbo ako kay Stella nang patayo na siya and I hit her with a flying kick. Tumama iyon sa panga niya.

Sila Ellesse at Elleanor naman ay kaagad na tinulungan si Olivia na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

“Anong karapatan mong saktan ang taong wala namang ginawang masama sa'yo.” Mariin kong saad sa kaniya habang sinasakal siya ngayon sa lupa.

Nanlaki ang mata niya. You…” bulalas niya na para bang nakakita siya ng multo.

“Bakit? Natakot ka na ba ngayon na wala ka nang kakampi?” I said mockingly to her.

“L-Luna…” usal niya.

Napangisi ako nang makilala niya ako. Hindi pa rin nawawala ang init ng bugso ng galit ko sa aking katawan. At alam ko na nag-iinit na rin ang katawan ko pero hindi ko iyon ininda. Para bang may kung anong apoy ang nagliliyab sa kailaliman ko na nagpapadagdag sa lakas ko.

Mas hinigpitan ko pa ang pagsakal ko sa kaniya.

“Yes, it's me. Why? Hindi mo inakala na mabubuhay ako? Hindi mo inakala na may kapangyarihan ako?” Humalakhak ako at nakita ko ang takot sa mata niya kaya bigla akong nasiyahan.

“That's right, matakot ka. Walang hiya ka!”

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagsakal ko sa kaniya. Nag-aapoy ako sa galit ngayon, nagawa niyang gawin ang bagay na ginawa niya noon sa'kin kay Olivia. Ang tanging sandalan ni Luna, ang nag-iisa niyang kaibigan na tinanggap siya ng buo kahit na wala siyang kapangyarihan.

I kill to protect those people na hind deserve na masaktan. And her, killing people just for fun? It ain't right. I know killing is bad but killing those unworthy humans can help society lessen the crime. Para wala ng mga inosente pa ang madadawit.

“Argh! L-let m-me go! It hurts.” She mumbled as she struggled to breathe.

“I can kill you right, n—argh!”

Just before I finish my sentence ay bigla na lang may tumama sa ulo ko. Doon nandilim ang paningin ko at bumagsak ako sa tabi ni Stella.

At hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.


●∘◦❀◦∘●

Elleanor's Point of View

Nang aatakihin ko na sana si Stella ay naunahan ako ni Gianna. Umawang ang labi ko sa aking nasaksihan. Isang kakaibang ihip ng hangin ang bumalot sa paligid. Mainit ito na para bang nakiki simpatya kay Gianna. Isa sa ikinagulat ko ay ibang-iba ang itsura niya ng matanggal ang kaniyang salamin sa mata.

Para siyang anghel na ibinaba sa kalangitan. A fallen angel dahil na rin sa aura niya na kakaiba sa lahat. No wonder, mas lalong lumakas ang kutob ko na baka nasa kaniya nga ang bagay na hinahanap ng lahat ng gangster at mafia. Ang bagay na 'yon ang magpapabagsak sa nangungunang organisasyon na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat kung sino ang namumuno nito.

Ang organisasyong walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng mga inosenteng tao ngunit malakas ang kapit nila sa gobyerno kaya hindi sila basta-basta natitinag. At wala pa rin nakukuha na matibay na ebidensya para mapabagsak sila.

Si Gianna, nasa kaniya ang bagay na inaasam-asam ng nakakarami.

“Oh, my G! Did you see that Lea?” gulat na tanong ni Ellesse sa tabi ko. Katatapos lang niyang talian ang dalawang kasamahan ni Stella na sina Daniella at Cath.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon