Napadaing na ang mga ito dahil sa ginawa ko. I just blew hot boiling water on them which made them scream in pain. Now the right hand of Atlas is now standing beside him holding his stomach as if he's in pain.

“Now I'll give you a last chance, trade me that paper and I'll give this to you despite what you did.”

He just scoffed mockingly.

Bigla na lang akong umangat sa ere. Naramdaman ko ang isang enerhiya na nakapulupot sa leeg ko.

“Well, not so fast. Seems like I'm gonna kill you on my own.” He playfully said.

Natawa ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang mapahagikhik kahit na sinasakal na niya ako. It doesn't affect me instead I form a cannonball that is made of water on my hand.

Hindi ako nagdalawang isip na ihagis iyon sa kaniya ngunit ang isa niyang kasamahan ay sinangga lang ito gamit ang apoy niyang kapangyarihan.

I'm running out of time kaya kailangan ko ng tapusin ito. Nang hindi niya ako pinakawalan ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko. I concentrate and just for a second ay naging tubig ang katawan ko na nagpabagsak sa'kin sa lupa dahil nawalan ng epekto ang kapangyarihan niya sa'kin.

Sa pagtayo ko ay nakita ko ang panlalaki ng mata nila.

“Paano niya iyan nagagawa sir Atlas?” tanong no'ng isang lalaki.

“Beat me, I don't know either,” pagsusungit niya.

Hindi ko na sila pinakinggan pa at muli na lang lumapit sa kanila I grab the paper habang ipinasok ko sila sa bubbles na ginawa ko. Wala silang nagawa doon.

Even that fire guy ay hindi niya nagamit ang kapangyarihan niya nang maipasok ko na siya sa malaking bula. Napangiti ako nang mahawakan ko na ang envelope.

“As I promised,” isinabit ko sa kamay niya ang flash drive na dala ko. And without further ado ay mabilis akong nagteleport na may ngiti sa labi.

Mission success.


●∘◦❀◦∘●

Luna's Point of View

Malalim na ang gabi at nandito na naman ako sa labas. Hindi kasi ako makatulog dahil sa mga nangyari. Galit pa rin ako kay Olivia. Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng malaking puno habang sinasanay ang bago kong kapangyarihan nang may marinig akong kaluskos kung kaya't mabilis akong napatayo.

Kaagad kong isinuot ang aking mask at tsaka sombrero. Nang hindi ko na marinig ang kaluskos ay naisipan ko na lang na umalis na sa lugar na iyon. Ayoko munang makipag-away kung sakali man.  

Papaliko na sana ako sa may corridor nang mabangga ako sa isang matigas na bagay. Napagtanto ko na isang tao pala ito. Nahulog niya ang dala-dala niyang envelope na pinulot ko kaagad. But then napahinto ako nang makita ang logo na nakatatak dito.

Marahas niya itong hinablot sa'kin kaya napatingala ako sa kaniya. Umawang ang labi ko sa aking nakita. Napahakbang pa ako ng isang beses paatras nang masilayan ko na ang kaniyang itsura.

Mabilis niya akong nilagpasan ngunit hinawakan ko kaagad ang braso niya. He then twist my hand and pinned me on the wall. Kumawala ang mahinang ungol sa bibig ko dahil sa pagkakabigla ko sa ginawa niya.

Leave me alone.” Malamig ang boses niya nang marinig ko iyon.

Naramdaman ko naman na binitawan na niya ako at sa pagtalikod ko pa sa kaniya ay hinawakan ko kaagad siya.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now