1. First Day

342 24 12
                                    

Rain's POV

"Rain, ang laki mo na!"

Bati ni tiya Helena sabay yakap ng mahigpit sa akin rito sa labas ng gate. Wala naman masyadong nagbago sa akin nung last na pagkikita namin ni tiya. Nung namatay si papa, pero well, ganyan talaga mga relatives natin. Kaya nag-smile lang ako tsaka nagbalik ng yakap.

"Ang ganda-ganda mo na ah, may boyfriend ka na ba?"

Mapang-asar na tanong ni tiya with her signature marites smile and raised eyebrows. Ganiyan talaga itong si tiya, happy-go-lucky slash marites, pero she doesn't have bad intentions naman.

"Wala tiya, alam mo naman na hindi ako tunay na babae, tiya."

Sagot ko nalang sa kaniya na medyo naiilang, pero isinantabi ko lang ito at ngumiti. At tama ang narinig niyo, I'm not a cisgender girl; I'm a proud trans. Actually, marami namang nangliligaw sa akin sa probinsiya at sa bayan, but I rejected all of them. Kasi kahit gaano man ako ka-ganda at ka-sexy, I know they'll find a real girl at the end. They are just fascinated by my beauty, magsasawa rin 'yan sila. Kaya wala akong planong mag-boyfriend, tatanda siguro akong dalaga nito.

Naputol pag iisip ko nang hinawakan ni tiya ang kamay ko while squeezing it softly, tsaka nagsalita.

"Aba'y itong batang to talaga, mas maganda at mas sexy ka naman sa mga tunay na babae diyan. Have some confidence in your beauty. Ay tama ba English ko?"

Napatawa ako rito tsaka sinagot si tiya na oo.

Tumawa lang din si tiya tsaka may tinawag.

"Diego? Punta ka na rito, narito na ang pamangkin ko at ihatid mo na kami sa mansyon."

Tawag ni tiya gamit cellphone niya. And yeah, after pala makapasok namin ng gate, may daanan pa para makarating ka sa mismong mansyon. Kaya hindi ko mapigilang mapanganga dahil sa yaman ng pamilyang pagta-trabahuhan ko.

Nagchikahan lang kami ni tiya ng ilang minuto while naghihintay sa maghahatid sa amin sa mansyon nang biglang may itim na kotse ang huminto sa harapan namin.

Nagbukas ang kotse at iniluwa nito ang isang makisig na lalaki. Pinagmasdan ko siya, and I think he's in his twenties na. He's tall, like parang tagabalikat niya lang ako. Moreno, and quite muscular too.

He is the definition of tall, dark, and handsome na sinasabi ng ilang classmates ko while describing their type sa mga lalaki. Iniangat ko ang tingin ko sa mga mata niya, at kita kong nakatingin rin pala siya sa akin, and kita ko ang pagkamangha sa loob ng mga brown niyang mata. Nakaawang pa nga bibig niya e.

'Ganda ko talaga.'

Arogante kong sabi sa isip ko while flipping my hair. Siyempre, sa isip ko lang din ginawa.

"Ehem, tama na pagtitigan mga bata."

Dinig kong boses ni tiya na may panunukso ang tono, kaya medyo napahiya ako at nag-iwas ng tingin. Ilang segundo lang ang nakalipas at ipinakilala kami ni tiya sa isa't-isa.

"Diego, ito ang pamangkin ko na papalit kay Mary, si Rain. Pamangkin, ito naman si Diego, driver dito sa mansyon."

Tiningnan ko siya ulit tsaka inilahad ang kamay ko.

"Hi Diego, I'm Rain."

He stared at me for a second, pati sa kamay ko tsaka nakipag-shake hands din. Medyo pinisil pa nga niya kamay ko.

"Nice meeting you, Rain, ganda mo naman."

Pilyong sabi nito tsaka ngumisi.

'For sure, babaero ito.'

The Sin of Beauty Where stories live. Discover now