Prologue

410 22 2
                                    

Rain's POV

"Anak, mag-iingat ka roon ha, ibang-iba ang Maynila kaysa rito sa probinsiya."

Saad ni mama habang tinutulungan akong mag-impake ng mga gamit ko. Napangiti ako sa sinabi ni mama at tiningnan siya habang tinutupi ko ang isang damit.

"Opo ma, parati akong mag-iingat doon, kayo rin po rito ha." 

Medyo mangiyak-ngiyak kong sabi kasi first time kong malayo kay mama pati na rin sa mga kapatid ko. Wala ang mga kapatid ko sa bahay kasi nasa iskwelahan pa sila ngayon.

Oo nga pala, magpapakilala muna ako. Ako si Rain Larsson, 18 years old, at kaka-graduate ko lang ng senior high school last year. Hindi na ako nag-kolehiyo kasi nag-trabaho ako agad bilang cashier sa isang mall sa bayan para mapag-aral ang apat kong nakakabatang kapatid, kasi kulang ang kita ni mama sa pagbebenta ng mga gulay sa palengke.

Ngunit nag resign na rin ako kasi nakatanggap kami ni mama ng tawag galing kay tiya Helena nung isang araw, kapatid ni mama. Naghahanap ng kapalit na maid na nag resign sa pamilyang pinagta-trabahuhan ni tiya. Kaya ako nag-iimpake ngayon.

At kung tinatanong niyo kung bakit ako at ang mama ko lang ang nagta-trabaho, ang papa ko ay namatay dahil nadisgrasiya sa motor noong nakaraang dalawang taon.

Dumating na ang mga kapatid ko nang matapos akong makapag-bihis, kasi ngayon na punta ko patungo Maynila. Kaya labis nalang ang iyak nila nang malaman nila na aalis ako, nasa school pa kasi sila nang tumawag si tiya.

Tiningnan ko sila isa-isa at niyakap.

"Huwag bigyan ng sakit sa ulo si mama ha, magpakabit kayo at huwag pabayaan ang pag-aaral niyo."

Naiiyak na sabi ko, pero napangiti nang marinig ang mga sagot nila.

"Opo ate! Pagbubutihin ko po sa school!"

"I'm a good girl kaya ate, hindi kagaya ni kuya."

Napatingin lang ang dalawa kong kambal na kapatid na lalaki, sina Cloud at Sky sabay yakap sa akin.

"Don't worry ate, aalagaan ko si mama at mga kapatid ko." 

Sabi ni Sky sabay hikbi.

"A-ako rin ate." 

Sunod naman ni Cloud na grabe na rin iyak, kaya niyakap ko sila ng mahigpit. 15 years old na itong dalawa at grade 11 pareho. Mas matangkad na nga sa akin e. Ang ibang kapatid ko naman ay kambal din na grade 5, sina Artemis at Apollo na 10 years old na ngayon. 

Kahit sa batang edad, mapapansin talaga ang katangkaran naming magkakapatid, kumpara sa mga batang ka-edaran namin dito sa probinsiya.

Swedish kasi si papa tsaka half American naman si mama. Kaya hindi maipagkakaila ang dugong banyaga naming magkakapatid, dahil sa kulay asul na mga mata, na hindi namana ni Sky at Artemis.

Sa aming magkakapatid, si Artemis at si Sky lang ang nagmana kay mama na kulay brown ang mga pares na mata. Pero except sa mata, nakuha naman nila ang ilong, height, blonde hair, at ang maputing kutis ni papa. Though, maputi rin naman si mama, and she's tall din. Tama na nga sa nga introduction introduction na 'yan.

"Ma, alis na po ako."

Sabi ko sabay yakap kay mama ng mahigpit.

Tinapik ni mama likod ko sabay sabi, "Oh siya anak, tama na ang drama at kanina pa 'yan nag hihintay 'yung driver ng sasakyan mo papuntang bus terminal."

Nasa labas na ako at umangkas na sa habal-habal na motor na sasakyan ko at muling tiningnan sina mama at ang mga kapatid ko na umiiyak pa rin. Nag smile at nag wave ako ng kamay at tuluyan na ngang umandar ang sinasakyan ko.

'Sana hindi ko pagsisisihan ito.'

Biglang sumagi sa isip ko. But why?

Isinantabi ko nalang and ignored it. This is for my family, and gagawin ko ang lahat para sa kanila.

The Sin of Beauty Where stories live. Discover now