Chapter 1: New Normal

4 1 0
                                    

New Normal

"PA! Ihahatid moba ko?" Tanong ko sa aking tatay habang nagsusuot ng sapatos.

"Oo, dalian mo at isasabay ko na ang pamamalengke." Tugon ni Papa.

Unang araw ng klase matapos ang mahigit na dalawang taon na online class, na ngayon ay hybrid learning.

I am currently 2nd year college student at Maroon Crest University, pursuing a Bachelor of Science in Information Technology. The course that I really don't want to pursue.

Matapos akong ihatid ni Papa sa tulay kung saan kami magkikita ng kaibigan kong si Aria ay naghintay pa ako. Napag-usapan kasi namin kagabi na sabay kaming papasok.

Ang klase namin ay mag-uumpisa ng 7:30 ng umaga, ngunit alas syete na ay wala pa sila. Filipino time nga naman.

Malayo pa kasi ang university namin mula sa amin, 30 minutes away kung magco-commute, pero kung ihahatid kami ng tatay ni Aria gamit ang tricycle ay masmapapaaga kami ng sampung minuto.

"Ryx!" rinig kong sigaw ni Aria. Agad naman akong lumapit kung saan nila pinarada yung tricycle sabay mano sa tatay niya.

"Bwisit ka! Ang tagal niyo." Reklamo ko pagkasakay na pagkasakay ko.

"Sorry, alam mo naman...Yung CR naming, lagi akong tinatawag.

"Sayang no? 'di natin kasama si Cres." sabi ko.

"Oo nga eh. Hindi kasi siya nag enroll agad... hays"

Si Aria at Cresillia ay kaibigan ko na simula pa nung Grade 10 na hanggang ngayon ay 'di ko alam kung paano ko sila nagging kaibigan.

Bago pa man kami makarating sa university ay matrami pa kaming napag usapan gaya no'ng mga bagay bago pa magkaroon ng pandemic at habang pandedmic. Reminiscing the times na wala pa kaming mga problema.

Nakarating kami sa university na may limang minute pa bago mag umpisa ang klase.

"Oi, napapa-cr ako. Hanap tayo CR" sabi ko kay Aria.

"'Yan kase, tularan mo ako. CR bago maglakbay." sabi nito at tinawanan ako.

"Hala! Paano tayo nakakahanap ng CR kung ganito kalawak yung paghahanapan natin?" sabi ni Aria.

Napalingon ako at oo nga, napakalawak pala talaga ng HCV.

Ilang beses lang ako nakapunta dito no'ng enrolment at hindi nagawang maglibot.

"'Yun oh, magtatanong ako sa guard." sabi ko at agad na nilapitan yung guard.

Nakakalito ang direction ng lugar, kaya naisipan na lang namin na mag stay malapit sa classroom namin. Hindi man kami mag ka-klase ay magklapit naman ang classroom namin sa unang subject.

Pagpatak ng 7:30 ay pumasok na kami sa classroom namin.

Nakayuko akong pumasok ng classroom at hindi maiwasang mailang sa mga nakatingin.

Awkward, dahil alam kong hindi pa nila ako nakikita. Maging sa mga online meetings kase ay hindi ako nag o-open cam. So, surprise! This is me! Pero alam kong di pa din nila ako makikilala dahil sa facemask na requires sa university dahil sa protocol na sinusunod.

"Ayan si Eryxandra oh!" rinig kong pabulong ng isa kong kaklase. Lumingon ako at kinilala kung sino 'yon. Si Juliana, dati kong schoolmate no'ng elementary.

Kumaway lang ako sa kaniya at umupo sa napakaraming bakanteng upuan sa harap.

Okay, wala akong ka-close.

No'ng online class kase ay wala din ako nakaka-chat sa kanila. Meron mang mga group works ngunit 'yun na 'yon. No more than groupmates. It's hard to befriend with someone I don't even see personally. Well, that's not applicable to anyone.

It's You, Out of the BlueWhere stories live. Discover now