"Iyun na nga,"

"Julie hindi ko alam na burara ka pala?" May kinuha si Maria na isang card sa bag niya at inabot iyun sa akin. Pagkatingin ko ay coupon iyun ng isang store ng mga walistingting. "Discounted na iyan. Para naman hindi ka na magkalat sa kwarto mo."

"Wow!" Binilisan ni Kim na ubosin ang spaghetti sa plato niya. "Grabeh! Wala akong ma-say my friend." Inising lagok ang juice ni Maria pagkatapos ay tumili ng bongga. Napatingin tuloy ang mga tao sa canteen sa amin. Nagtakip na lang kami ng tainga ni Maria. "Eeyy! Bakit ang swerte mo Julie? Isipin mo nalang kapag hindi ka nakipagbati kay Rome ay maikakasal kayo. Kaya dapat mag-away lang kayo palagi para matuloy ang kasal ninyo."

"At tiyaka Julie may nararamdam akong esperitu sa katauhan ninyong dalawa. Mga espiritu ng mga sinaunang tao."

"Malay mo naman reincarnation ka pala ni Juliet at si Rome naman ay kay Romeo at tiyaka baka kayo na ang makakapagtuloy sa naputol nilang pag-iibigan?" Pinagsalikop ni Kim ang dalawang kamay at feel na feel ang kilig moment na nararamdaman niya. "Diba ang bongga? Kung nabubuhay si Shakespeare ngayon tiyak akong igagawa niya ng book two ang Romeo and Juliet at gagawin iyung Rome and Julie Pinoy Edition!"

"At baka hindi na lason ang gagamitin ninyo kundi ang makabagong baril." Ginawang baril ni Maria ang kamay saka ako ang pabirong tinira. "Bang! Bang! Bang!"

"Ano ka ba Maria huwag ka ngang nega. Anong baril at lason? Pwede ba mag-isip ka naman ng happy ending hindi iyung patayan na naman. Umay na ako sa mga tragic love story ha. Tama ng namatay si Jack sa Titanic. Huwag na nating dagdagan pa."

"Manahimik na nga kayong dalawa diyan at kung saan-saan pa iyan napupunta iyang mga utak ninyo." Iniwat ko na sila. "Grabeh kayo mag-isip. At tiyaka hindi ko type iyang hambug na iyan noh. Kaya nga ako makikipagkasundo sa kanya for real."

"Hindi ka ba na tutukso sa kagwapohan ni Rome?"

"Hi Kim and Maria," bigla namang lumapit si Rome sa amin. "I heard my name may tumawag ba sa akin?" Feeling mo lang iyun.

"Baka puso lang iyun ni Julie," pinandilatan ko ng mata si Kim. "Isinisigaw ang pagmamahal niya sayo."

"Wow!" Nakangiting bumaling naman sa akin si Rome. "Bakit kinikilig ako?"

"Naiihi ka lang," bara ko sa kanya. "Huwag kang mag-assume."

"Hello Rome may balak ka bang magpakamatay gamit ng baril o lason?"

"Huh?"

"Huwag kang mag-alala Rome nagbibiro lang itong si Maria. Alam mo na? Na sobrahan sa good neurons kaya may abnormality."

"O-Okay,"

"Mag-uusap ba kayo ni Julie?"

"OO sana,"

"Sige maiwan ka na muna namin ni Maria." Hinila na ni Kim patayo si Maria. "Halika na." Nagtataka namang nagpahila lang si Maria sa kanya. "Saan tayo pupunta?"

"Sa planeta mo may nabalitaan akong may libreng lugaw ngayon."

"Bakit 'di ko alam iyun?"

"Hindi ka na informed kaya halika na!"

Inakupa naman ni Rome yung iniwang silya ni Kim na katabi ko lang. He's smiling at me as if may nakakaaliw sa mukha ko. Anyare sa isang ito?

"Ano bang kailangan mo?"

"Susunduin daw tayo ni Dad at Papa mamaya?"

"Teka kailan pa naging dalawa ang papa mo?"

"Kasi fiancé kita at kahit na wala pa namang sure kong maikakasal tayo ay kailangan ko paring umakto as one. How lucky you are Julieta."

"Hindi ko talaga alam kung bakit maraming nagkakagusto sayo at iniisip na sobrang bait mo."

"Kasi layo ka ng layo sa akin. Paano mo ako makikilala kung hindi mo naman ako binibigyan ng pagkakataong makilala mo ako."

"Naiinis kasi talaga ako sayo. Kahit anong gawin mo umiinit ang ulo ko."

"Well, it's not my problem anymore. Kapag hindi mo magawang magustuhan ako sa loob ng isang taon wala ka ng ibang choice kundi pakasalan ako."

"Bakit feeling ko you're not against to it?" Tumaas yung isang kilay ko sa kanya.

"Feeling mo lang iyun." Ginulo niya ang buhok ko. "You're cute Julieta."

"Thanks, but I don't care. Sige na umalis ka na sa harap ko."

"Pinapalayas mo na ba ako?"

"Hindi ba obvious? Gusto mo ilagay ko pa sa manila paper?"

"Bakit sa manila paper?"

"Wala akong budget pakialam mo ba?!"

"Seryosong tanong Julieta."

"Ano?"

"May na fe-feel ka bang study of Physics sa ating dalawa?"

"Ano namang klaseng tanong iyan? Anong kinalaman sa Physics sa ating dalawa?"

"Never heard about the Law of Attraction?" Kinuha ko ang textbook ko sa Physics at sinampal ko yun sa mukha niya. "Ouch!" Napangiwi si Rome. "Bakit mo ginawa iyun?"

"Actually hindi pa tayo nakakarating sa topic na iyan." Napansin ko namang ngumiwi si Rome. Ano naman kayang nangyayari sa isang ito? "Lagi ka kasing naga-advance study."

"Alam mo Julieta?"

"What?"

"Aalis na ako at mukhang ako ang mababaliw sayo."

"Bakit naman?"

Peru imbes na sagutin ako lumayas lang siya sa harap ko. Anyare sa isang iyun?

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Where stories live. Discover now