Ha? Sino bang author ang mga idol nila at kung makapag-title naman ng kwento wagas na wagas at masyadong naiiba. Wala akong masabi.

"You have my word," hinawakan naman ni Rome ang kamay ko. "I'm not going to ask Julie to treat me well. Hahayaan ko lang siya hanggang sa magustuhan niya rin ako."

"Well," napatango silang apat. "Sige pagbibigyan ka namin sa hiling mo Rome."

Hindi talaga ako makapaniwala. Pumayag sila! For the first time doon ako hindi naasar kay Rome. Kailangan ko lang matutunang magustuhan si Rome for real at babawiin na nila Mama ang kasal namin.

****

Buwesit talaga ang isang iyun! May kasunduan na kaming huwag na muna siyang maglalapit sa ibang babae habang nasa gitna pa kami sa situation namin ngayon. Siya pa mismo ang nag-set ng rules na iyun peru siya naman ang lumalabag. Paano kami magkakasundo nito? Asar! Napadiin tuloy ang pagtusok ko sa pagkain ko.

"May lihim ka bang galit diyan sa pagkain mo?"

"On diet ka ba ngayon Julie?"

"Asar! Bakit ba kasi hindi niya magawang gumawa ng bagay na hindi pinapaiinit ang ulo ko? Kapag lumapit siya sa akin itutusok ko talaga itong tinidor sa mga mata niya."

"I smell something sushi."

"Uy Maria bakit something sushi? Hindi ba fishy iyun?"

"Ano ba ang sushi? Hindi ba isda?"

"Wow! Ang galing mo talaga pahiram ng utak mo."

"Patay talaga sa akin yang Rome na iyan mamaya - ouch!" Napangiwi tuloy ako nang bigla bang hilahin ng dalawa ang buhok ko. "Ano bang problema ninyong dalawa?"

"Anong problema namin?" Tumango ako kay Maria. "Ikaw ano problema mo?" Kumunot lang tuloy ang noo ko sa balik tanong ni Maria sa akin.

"Hay naku! Yung totoo Julie may gusto ka ba kay Rome Montague?" Inilapit ni Kim ang mukha niya sa akin. "Sagutin mo ako kung ayaw mong maubos ang spaghetti mo."

"Sinong nagseselos?" Natutop ko naman agad ang bibig ko. Yikes, bakit iyun ang nasabi ko."I mean wala akong sinabi." Sa lahat yung salitang selos pa talaga. Eww, bakit iyun ang na sabi ko?

"Weey, 'di nga?"

"Oo nga, ang kulit mo naman Kim eh."

"Aha!" Itinaas ni Maria ang baso niya. "Nauuhaw ka sa atensyon ni Rome dahil nakikipagharutan siya ngayon sa mga tsikens doon." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Ano daw? "Of course not!" Tanggi ko agad.

"Sinungaling!" Inagaw ni Kim ang plato ng spaghetti ko. "Huwag mo na kaming linlangin dahil alam na namin ang likaw ng iyung bituka. Alam naming may hidden feelings ka na naman diyang itinatago sa likod ng puso mo kaya ka nagagalit kay Rome."

"Oo nga, 'di ka naman nagagalit kay Rome kapag wala naman siyang ginawang pang-aasar sayo. Nagagalit ka lang kapag lumalapit siya sayo at kinakausap ka. Peru ngayon nagagalit ka dahil may kausap siyang mga tsikens."

"E kasi naman ang lalaking iyun!" Wala naman sigurong masama kong sasabihin ko kina Maria at Kim ang status namin ni Rome ngayon. I sighed, "Fine sasabihin ko na."

"Anong sasabihin mo?" Pinandilitan ko ng mata si Kim. "Kanina ka pa ba dito o kakarating mo lang? Syempre sasabihin ko yung gusto ninyong malaman."

"Ah, oo," she snapped her fingers bago hinawakan ang ulo ni Maria. "Maria pahiram muna ng utak mo may hindi ako naalala."

"Baliw!" Tinampal lang ni Maria ang kamay ni Kim. "Makinig ka muna."

At nung nanahimik na silang dalawa ay ikinuwento ko na sa kanila ang nangyari sa amin ni Rome kagabi. Pati na rin iyung naging kasunduan namin. Pagkatapos kong mag-kwento ay napangaga ang dalawa at napakurap.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ