Nandito na rin si Sally at hinahawakan ako sa braso para hilahin papaalis.

“Miss Abi, tama na po. Pasensya na po ma'am, lahat ng sinabi ni Miss Abi ay pawang kasinungalingan lamang po.” Mahinahon na ani ni Sally.

“Hindi Sally, don't say that! Dad wanted the other thing, sabihin mo sa kanya na ako ang pumatay, dali!” I teasingly said.

Galit ang namumuno sa pagkatao ko sa mga oras na 'to. Gusto kong ipakita sa kaniya kung paano niya napalaki ang kauna unahang babae na anak niya.

“Aba't talaga—”

Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni ama nang bigla na lang kaming magteleport sa mismong kwarto ko. Galit kong tiningnan si Sally at padabog na hinawi ang kamay niya na nakapulupot sa katawan ko.

Inawat niya kasi ako kanina.

“Miss Abi, you need to calm down!”

“I am calm, Sally.” I sarcastically said.

“MISS ABIGAIL!” Sininghalan na niya ako kaya padabog akong naupo sa kama at saka bumuntong hininga.

Napapikit ako nang dahil sa inis. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha ko habang pumipikit ako.

Ewan, pero bigla kong naalala ang mom at dad ko noon. Bigla ko silang na miss. Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko nang maalala ang ganitong eksena namin noon.

Ganitong-ganito 'yung dad ko noon kapag nalaman niyang may pinatay na naman ako ng walang pahintulot sa kaniya.

“Miss Abi,”

Nagmulat ako nang marinig ko ang malambing na boses ni Sally.

“Why is Dad always like that? Wag mong sabihin na para sa ikabubuti ko Sally kasi nasasaktan lang ako sa mga pinaggagawa niya.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tumalikod lang siya at kumuha ng tubig sa mini ref ng kwarto ko. Pagbalik niya ay tapos ko nang punasan ang luha ko na kumawala kanina.

Inilahad niya sa 'kin 'yung tubig na ininom ko naman kaagad.

“Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang ama niyo, Miss Abi. Sa tingin ko'y nagmana lang siguro siya sa iyong lola.” malumanay niyang sagot sa akin.

“Now, rest Miss Abi. May pasok pa kayo bukas. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mom at dad mo." Dugtong niya pa.

Tumango na lang ako. Pagkatapos non ay lumabas na siya. Muli akong napabuntong hininga.

Bigla ko tuloy naisip ang nangyari kanina sa dorm. Bakit doon siya pumunta sa dorm namin? Maybe hindi rin para sa 'kin 'yung binigay niya. Should I background check my roommates? Ang weird lang kasi. Naalala ko na nakakita si Olivia ng dugo sa labas ng doorknob, is that the sign then?

Naispan kong tumayo tsaka nagtungo sa wardrobe ko. May napansin kasi akong kahon doon na palagi kong binabalewala dahil wala akong oras para tingnan ito.

Kinuha ko ito at naupo muli sa kama. Nang buksan ko ito ay may iilang gamit akong nakita ngunit naagaw ang atensyon ko sa isang mini notebook.

I took it out but then I feel disappointed when I saw that it is locked. May lock siya kahit na maliit na notebook lang ito.

“Kainis naman!” usal ko.

Bigla na lang bumukas ang pinto kung kaya't nataranta ako't mabilis na tinukluban ng kumot ang box na binuksan ko.

“Luna," tumingin pa siya sa tinukluban ko ng kumot kanina.

“What are you doing here, Kuya?” Pag-agaw ko ng atensyon sa kaniya.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now