Dear Diary 2

0 0 0
                                    

Alas onse na malapit mga alas dose. Nakakapagod ang araw ko. Kakatapos na namin mag defense sa Entrepreneurship. Tas tapos na din ang exam. Malapit na din ang graduation day which is sa July 12, 2023 na. Nakaka excite at takot in the same time.

Ready na ba talaga ako for new chapter and page of my life? For sure ang gagawin nalang namin sa school, pasa requirements, bayarin, practice for the DAY.

Plano ko gumawa ng maraming crochet flowers for teacher and friends "Thank you for the memories and experience that worth a pile of diamond."

Di perfect ang senior life ko sa highschool ang daming ganap. Nalulungkot talaga ako sa mga tao na plastik ang tingin sa akin kahit di naman ako plastik naging plastik nalang kasi they give no choice po. Dami din inggit or insecure dahil nalalamangan sila sa loob ng room which is di ko tinotolerate sarili ko na maging ganon, be proud nalang and never compete but complete the grades I deserved. Ang ending nakipag habulan kami ng grade kung sino mataas at mababa dahil nga ugali ko din yung padalos dalos na di iniisip kung ano pinapasok ko. Manalo o matalo basta naka try ako. Update: lamang kami which happy ako no winner takes the spotlight, mas okay na siguro kung ganon.

Minsan ayaw ko talaga sa group works kung puwede lang pero di puwede dahil nga HUMSS ang kinuha ko dapat makipag socialize ako lalo na sa mga kaklase ko. Hinahabol ko nga yung subject tas binibitbit ko pa mga walang pakealam ko na kaklase, na di ako takot burahin name nila sa grupo ko. Hanggang sa makiusap nalang sila sa akin o sa teacher pero alam naman nila na di ako katulad ng ibang lider na mabait, na pa upo upo ka lang dyan sa upuan na tila bang may sariling mundo na kahit tingnan mo lang yung name mo mismo sa papel ay di mo pa magawa. Simpleng gawain nalang di mo magawa.

Sorry kung maging isa sa rason na ako sa mababang mong grade na pasang awa pa and reality hurt and hit you please at sana naman matuto kana mag mato mato, huwag na mag laro ng laro laro, try for more, try to engage and help your groupmates especially your leader. Dahil halos lahat kayo ay pabaya at walang paki alam kayo mismo ang nag hudyot sa sarili niyo na bumagsak at mas lalong bumaba..

Good thing for me, kaya ko naman mag isa, gabay lang ng Guro at Google ay chooks na. Naisip ko din mga pangarap niyo pero sa mga pinapakita niyo wala akong nakikitang maganda di katulad ng iba na kahit mahina ang utak tas nag tatrabaho pa para makapag aral ay nag tyatyaga upang makatapos ang mga katulad nilang mga pangarap ay matutulungan ko pa kahit kaunti. Pero sayo?! Di na talaga.

Sa Senior life ko lang 'to na experience, dati kasi excited ata tayong lahat mag aral kaya palagi nag tutulungan at damayan tas kaunti pa ang problema na tinatamasa natin noon kasi di pa tayo mulat masyado sa problema ng mundo. Siguro nga isa ito sa dahilan na di kayo makahanap ng inspirasyon upang mag patuloy at naging pabaya, nawisyo sa masamang bisyo at mas lalong naging toxic ang lahat. Sana no toxic na.

Kasi if may toxic, may topic na di maganda about everything and we should not tolerate this kind of thing.

Which is the one who speaks louder? Action? or Word?

For me lang talaga Word and Action should be balance kasi sometimes nalilito talaga ako sa action niyo, dunno kung dalisay or may halong kemikal. Minsan naman ganun talaga ugali mo yung mahinhin at mabait ka talaga pero iba ang na cocope ng presence mo sa akin. O yung close na open na turing mo sa akin ay basura pala lahat. Di ko kasi ma differentiate mas gusto kong magpapaka totoo ka tas normal lang ako sayo, as usual parin ang turing ko sa iyo. Kahit may asim na.

Syempre I could not make everyone happy instead the least I can do is to be happy. You are just a dusty little head in the shelf that I will not try to clean because it was you. No one could depicted what you are thinking?

Minsan nababasa mo din ugali ko. I think good for you? For you advantage, I guess?

Parang negative naman isip ko this midnight pero oks lang at least na ilabas ko hinanakit ko for the day.

Di kasi ako maka tulog sa kaka overthink, sakit na ata eto? Epekto ng socmed, cp, surroundings or environment.

Lumalala pa yung ubo ko this past few days which is alam ko na kasi bawat taon nakakasakit ako like lagnat, sipon, ubo, and nothing more worst. Kakatapos lang ng sipon ko na nagdusa din ako ng ilang araw kakasinghot tas ngayon ubo na makati sa lalamunan at walang tigil na pag-ubo ay sobra talaga. Hindi din kasi ako umiinom ng gamot tubig atsaka vicks lang ang katapat nito.

Tas super makulit talaga ako, kumakain pa din ng mga bawal kaya lumalala kasi nga naman tao lang din ako lumalabag sa bawal kahit ang ending ako pa din ang magdudusa.

Plano ko talaga ay maka hanap ng side line sa facebook, yung mga bot-bot! May registration fee na 150 legit kaya iyon? Wala pa naman kasi ako pera pero bayarin ko muna mga dapat bayarin like sa na rent ko na toga sa kaklase ko worth 350 pesos like the heck no money pa ako. Ayaw ko din naman humingi sa kamag anak ko na kinukupkop ako kasi sobrang dami na ng kuda, you know mga bagay na ayaw ko marinig. Tas walang wala yung parents ko sa abroad ano pa ba magagawa ko sa 'wala' di ba?

Whatever, basta malalampasan ko ito. Bukas may blessing na darating at ihuhug ko ito para di masayang. Thank you Lord for the LOVE!

I know na, kakayanin ko 'to like usual lang, kaunting tiyaga nalang makakaraos din ako. Sana naman kasi Sunshine " Ingatan mo din yung foods intake mo, Ubos na nga pera sa pagkain tao dumadagdag pa timbang mo chariz I love my body! I love my self na madami na na inlove sa akin at nag confess and sa ending Na reject kasi naman di pa ako handa. Di pa ako nakatapos ng school, di ko pa nabibili mga bagay bagay na gusto ko atsaka ayoko ng stress. Good for me talaga if I love myself first than anything else tas dadating din ang panahon na naka ayon sa plano ng diyos para sa akin kung saan bukal na bukal sa loob ko na tanggapin ang biyaya ng maykapal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Online DiaryWhere stories live. Discover now