"Pero..."



"Handa akong makipag-kompitensya. Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon, Flair."





CHARLOTTE





"Balak mo na bang ilipat ang lahat ng business ni kuya dito sa Pilipinas?"




Tumingin ako kay Tita Stuart. Tumango ako sa kanya. Ito naman ang gusto ni Daddy, sabi niya ilipat ko na ang business rito sa pilipinas para hindi na ako malayo pa kay Flair.




"You’re father will be proud of you, Charlotte." Niyakap ko si Tita Stuart. "Malaki ka na ngang talaga." Natawa naman ako.




"Mamu!" Niyakap niya si Tita Stuart at lumayo rin. "How are you, my dear cousin?" Nagkibit balikat ako.



"Ayos lang naman ako."



"Balak ko pa namang lumipat sa Pierce University this sem. Ayaw lang ako payagan ni Mommy."



"Kasi pilya ka. Baka mamaya si Charlotte ang mamoblema kapag doon ka lumipat." Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Tita Kim na halatang kararating lang.



"Hala si Mommy."



"Manang mana ka kasi sa Mamu mo." Ngumuso naman si Celestine.


"Hirap sa inyong mag ina, palagi akong nadadamay." Natawa naman ako. Si Tita Stuart, mukha siyang strict pero under naman siya kay Tita Kim.



"Mommy, behave kaya ako. Payagan niyo na po kasi ako. Hindi naman ako magiging pasaway kay Charlotte eh."



"Talagang hindi. Sa tanda mong ’yan magiging pasaway ka pa kay Charlotte. Aba, mahiya ka naman sa balat mo. Hindi pa rin ako papayag na doon ka sa Pierce mag aral." Masungit na saad ni Tita Kim. "Iyon ngang anak ni Tita Aira mo pinaglaruan mo lang, akala mo ba nakalimutan ko na ’yon? Baguhin mo ang kapilyahan mo bago kita pasamahin sa pinsan mo." Dugsong pa niya.


"Si Mommy..." Mas humaba ang nguso niya.


Kamukha niya si Tita Stuart pero nakuha niya ang mga mata ni Tita Kim. Yes, they're both girl. Siya ’yong sinasabi ni Daddy sa akin na half sister niyang bisexual.


"Wala pa po sigurong nakakatapat ’yang si Celestine kaya hindi nagbabago," saad ko.



"Sana nga’y may makatapat na ’yang si Celestine, kung sino man ang makakapagpatino d’yan sa babaeng ’yan bibigyan ko ng award." Natawa ako.


Sumuko na rin si Celestine. Hindi naman kasi siya mananalo kay Tita Kim, si Tita Stuart nga nanahimik na lamang doon sa kabilang tabi habang naiiling.



Hapon na rin noong makarating ako sa bahay. Malaki ’yong bahay ako lang mag isa at isang maid lang. Hindi ko naman basta bastang maiibenta ito dahil nga maraming memories sa lugar na ito. Balak ko na lang din sanang ipa-renovate.



"Good evening, anak. Kumain ka na? Ipaghahanda kita." Umiling naman ako.


"Hindi na po. Magpahinga na lang po kayo, kumain na po kasi ako kina Tita Stuart kanina." Tumango naman siya.



"Sige, sa kusina lang ako tawagin mo ako kapag may kailangan ka." Umalis na rin siya.



Bumuntong hininga naman ako. Umupo ako sa sopa bago tiningnan ang cellphone ko, ando’n ang mensahe ni Peach na gusto na niyang pumasok. Isa pa ang babaeng ’to, kahit kailan ang tigas tigas talaga ng kanyang ulo. Nabaril na’t lahat gusto niya pa ring mag-stay sa apartment niya. Ayaw naman niya rito dahil baka raw madamay ako.



"Nanay Ceding?"


"Bakit, anak?"



"Pupuntahan ko po muna si Peach. Baka doon po muna ako matulog, wala po kasi siyang kasama. Basta po magl-lock na lang po kayo ng pintuan."



"Hindi ba p’wedeng ipagpabukas na?" Umiling ako. "Oh, siya sige. Mag iingat ka ha?" Tumango naman ako. Niyakap ko siya't umalis na rin.



Nagmaneho ako patungo sa apartment ni Peach. May lalaki akong nakita sa tapat ng unit niya kaya naman nilapitan ko kaagad.



"Sino ka?"


"Ikaw, sino ka?" Tumaas ang kilay ko.


"Kapatid ako ng nakatira d’yan." Natigilan siya.


"I-ikaw ba si Charlotte Grace Reyes?" Ngumiwi ako. "Ako nga pala si Augustus, ipinadala po ako ni Boss Rhegis para bantayan po ang kapatid niyo." Tumango naman ako.



"Hindi ka ba nangangalay d’yan?" Umiling naman siya.



"Sa kabila lang ang unit ko, Miss. Tinitingnan ko lang ang mga cctv cameras dito sa area para na rin sa safety ng kapatid mo." Tumango naman ako.



"Salamat. Bumalik ka na rin sa unit mo pagkatapos."


"Yes, Ma'am."



Nang makaalis na siya ay kumatok ako sa pintuan ng unit ni Peach. Sa ikalawang katok ko ay saka lamang bumukas ang pintuan. Papungat pungat pa ang magaling na babae pero nanlaki ang mata noong makita niya ako.



"Chary!" Bago niya ako niyakap. "Kailan ka pa nakauwi?" Pinitik ko ang kanyang noo.



"Talaga ngang nagha-halucinate ka nang gabing ’yon."


"I miss you so much."

_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Onde histórias criam vida. Descubra agora