Ang tagal naman ni Hailey.



Inilibot ko na lang ’yong mata ko sa loob ng café, maraming estudyante rito. Mula sa iba't ibang department. May nakikita rin akong group of students na mukhang junior pa lang. Mabuti naman pinapayagang pumasok sa college area ang mga junior. Dati kasi bawal kami sa college area maliban na lang kung member ka ng council students.




"Mapaparami siguro ang kain ko!" Inilapag ni Hailey ’yong tray sa harapan namin. Sa dami ng binili niyang pagkain baka hindi namin ito maubos.



"Kaya mong ubusin ’yan?" Ngumiti siya.


"Uubusin na’tin." Pagtatama niya. Napailing na lang ako. Ibang klase rin ang babae na ’to.


Iniabot niya ’yong plato sa akin at isang pares ng kutsara't tinidor. Sa dami niyang inorder na pagkain baka pumutok ang t’yan namin.


"Damihan mo ah. Sayang ang pera ko kapag hindi na’tin naubos ito," saad niya na ikinangiwi ko. Loka loka rin talaga ang babae na ’to, oorder ng marami bago maninisi kapag nasayang.



"Nagtext si Shea sa akin." Sandaling natigilan siya pero agad ding ipinagpatuloy ang pagkain. "Hinahanap ka niya." Tumingin siya sa akin habang nanguya nang malunok niya ay saka lamang nito ibinuka ang kanyang labi.



"Ano’ng sabi mo?"


"Hindi ako nagreply, wala naman akong load." Napailing naman siya.


"Daig mo pa ang palaging kinakawawa. Taga pagmanang palaging walang pera slash may ari ng isang restaurant. Na-bankrupt ka na ba?" Inismiran ko siya’t nanahimik na lang at kumain.



Kapag talaga siya ang magsasalita palagi nauungkat ang nakaraan. Mabuti na lang at hindi niya nababanggit ang tungkol sa dating relasyon ko noon. Nang matapos naming kumain ay agad na napasandal ako, busog na busog talaga ako. Gusto ko tuloy matulog.


Nang humupa ang kabusugan ay lumabas na kami sa culinary café. Si Hailey ang nagbayad kasi siya ang nag aya sa aming dalawa. Malapit na kami sa department ko noong makasalubong namin si Shea. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa amin.



"P’wede ko bang kausapin itong kaibigan mo?" Ngumiti ako’t tumango tango sa kanya.



"Iuwi mo na rin." Tinalikuran ko na sila.


"H-hoy!"


"Ingat kayo!" Kumaway ako.



Bumalik na ako sa department ko. Nakinig sa professor na nagpapaliwag doon sa unahan, pagkatapos ng klase pumunta na lang ako sa restaurant. Ako ang nagma-manage nitong restaurant, bumibisita lang si ate para i-check ang stocks.


Graduate na si Ate at nagpapatayo na siya ng sarili niyang business. Si Dad naman inaasikaso niya rin ’yong business niya sa Paris at katulad ng dati kaligtasan pa rin naman ni Peach ang inaalala namin. Habang tumatagal kasi mas nanganganib ang buhay niya.



"Ma'am, may tawag po sa telepono."


"Ah, sige." Pumunta ako sa telephone area at agad na sinagot ang tawag. "Hello?"



"Flair?"



"Ako nga. Venice?" She sighed. Peach’s fiance.



"Pwede bang pumunta ka muna rito sa apartment ni Peach? Makikisuyo na rin ako ng mga panlinis sa sugat." Mariin akong pumikit. Nangyari na naman ang hindi dapat na mangyari. "Wala kasi akong mahanap na gamot rito sa apartment niya eh."



"Oo. Papunta na ako." She ended the call. Mabilis na nagpaalam din ako sa staffs, dumaan na rin ako sa pharmacy para bumili ng dapat na bilhin.




Sabi ni Dad may isang angkan ang gustong agawin sa mga Rouge ang yaman nito. Alam ni Peach na nasa bingit siya palagi ng kapahamakan pero hindi ko naman ang dahilan ni Peach kung bakit ayaw na ayaw niyang manatili sa bahay ni Venice.


Ayaw niya raw sa babaeng maldita na ’yon, pero kabaliktaran naman ’yong nangyayari e. Siya pa nga itong mataray ang pakikitungo kay Venice. Tahimik lang si Venice pero hindi ko rin alam kung ano ang pakikitungo na ginagawa niya pagdating kay Peach.




Nagmaneho ako patungo sa apartment ni Peach pero habang papalapit ako sa lugar may nakakaramdam ako ng kaba. Wala naman sigurong nangyari kay Peach, wala naman sigurong mangyayari. Tinapakan ko ang accelerate ng kotse ko.


Nilakihan ko na rin ang hakbang ko para lang makarating kaagad sa unit ni Peach.  Nang makatapat ako ay agad na pinindot ko ang code, alam ko ang code ng unit niya dahil na rin minsan dito ako natutulog.  Actually hindi lang ako, minsan nags-sleep over din kami.




Nangingibabaw ang pagaalala ko kay Peach ngayon dahil nga lumala na ’yong sitwasyon. Tumunog ang pintuan, ibig sabihin bumukas na ’yong pintuan. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang marinig ko ang boses ni Venice.




"Hindi ko alam ang gagawin sa kapatid mo." Rinig kong reklamo ng isa. "She's so stubborn. Kung p’wede ko lang siyang ikulong sa bahay ko matagal ko nang ginawa." Sino ang kasama niya?



"Then do it. Kung sa tingin mo ’yon lang ang reason para tumino si Peach." Natigilan ako. That voice. Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi maaari. Kailan pa siya nakabalik?







Kailan pa nakabalik si Charlotte?






_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||حيث تعيش القصص. اكتشف الآن