Chapter 20: Defeat

953 50 2
                                    

Chapter 20: Defeat


Maghihintay ako sa 'yo, Agatha.
Since that night, I have always heard a voice in my dreams. A voice that keeps on chanting the same phrase all over again. Maghihintay ako sa 'yo, Agatha.


I cannot recognize the voice; it was a bit distorted and vague. Hindi ko alam kung kanino o sino 'yon. From Agatha's memories, the men that I could see were Lucien and Grim. Hindi ko mapunto kung sino sa kanilang dalawa. Who was waiting for Agatha?


I woke up feeling cold. Wala akong lagnat, pero sobra-sobrang nilalamig ako. A series of memories I had last night flashed back in my mind as my hand automatically reached for my neck, but it was... fine. No soreness, no wounds. Was that... a dream? A very bad dream!


Akala ko'y totoo nang nakaabot dito si Trevor! I should have known that he couldn't find me that fast! Malawak ang Blizmoor, hindi niya ako basta-basta mahahanap sa dami ng village rito. Lumingon ako sa bintana at nakitang nakabukas iyon. It must really be a dream, dahil sa panaginip ko ay isinara ko 'yan.


Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagsimula nang mag-asikaso. Maaaring nasa labas na si Erina, kaya naman naligo na rin ako kahit lamig na lamig ako. Habang naliligo ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagka-hilo. Kaagad akong napakapit sa dingding at naisandal ang noo ko roon bago mariing napapikit. I don't know how many seconds that feeling lasts until I'm finally okay. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Simula lamang nang pumunta kami rito sa Blizmoor ay padagdag nang padagdag itong mga 'to. Hindi kaya ay hindi ako sanay sa hangin ng lugar na ito?


Gusto kong batukan ang sarili sa mga naiisip na katangahan. Tulad ng panlalamig at hindi ko na lamang iyon pinansin. Binilisan ko nang maligo at nagpalit na rin ng simpleng itim na cargo pants at gray shirt. Pinaresan ko iyon ng sinuot ko kahapon na boots at pinuyod ulit ang buhok. I noticed the ring I was wearing. Gusto ko sana iyong hubarin ngunit may parte sa akin na hindi 'yon magawa kaya hinayaan ko na lang na suot iyon, I looked at Calcifer first but it is nowhere to be found kaya lumabas na ako, baka nasa kusina ito kasama si Grim.


Nang makapunta roon ay hindi ako nagkamali. Calcifer was resting on the table while Grim was cooking breakfast. Naroroon din si Erina at naghihintay matapos si Grim.


"Hindi mo pa ba ginigising si Agatha, m'lord?" narinig kong tanong nito, habang papalapit ako.


"Mahimbing ang tulog niya, hintayin mo na lang." nakita ko ang pag-iling ni Erina sa sinabi ni Grim.


"Masyado kang mabait sa kaniya, nakalimutan mo na ba ang idinulot niya sa 'yo?" nahinto ako sa narinig. Ano?


"She did nothing to me, Erina. What are you talking about?" Grim continued cooking.


"The tale of you, m'lord, has traveled throughout the four kingdoms. Hindi nakakapagtaka na nalaman ko 'yon. Huwag mo nang ikaila, si Agatha ang dahilan kung bakit ka napa-" Grim looked at her with his blazing golden eyes. Her words enraged him. At this time, I suddenly thought, they seem to have known each other for so long. How?


"I don't want to hear you talking about that matter again, Erina. And for the second time, she did nothing. That Agatha sleeping in that room is not the Agatha here. They're different, totally different." Ngayon ko lamang nakitang magalit ng ganyan si Grim ng walang kalaban.

Blood Ransom (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora