Chapter 13: The Bite

1.1K 63 11
                                    

Chapter 14: The Bite


Things happened between fast and slow. It is something I couldn't understand, and I don't know whom to ask to help me understand. Why is this happening to me? Is this because of Lucien's bite?


"How are you feeling?" nilingon ko si kuyang pinipigaan ang malinis na face towel sa basin. Marahan niya iyong inilapat sa braso ko at pinunasan 'yon. He was gently cleaning my arms. I can hear the clock ticking and the voices outside; they were like arguing. Mayamaya ay narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto, nang lingunin ko 'yon ay nakita ko si Nana Marty na may dala-dalang tila first aid kit.


"I-I think, I'm okay now." sagot ko sa hindi maayos na boses, pakiramdam ko namamaos ako kaya napatikhim ako pagkatapos.


"Sinasabi ko na nga ba't mangyayari ito, hindi ko maintindihan si Lucien kung bakit hinahayaan lamang niya ito. Palaisipan pa rin kung kailan ang susunod na iklipse." Nana Marty started talking while my brother remained quiet. Lumingon si Nana Marty kay kuya bago napailing at naupo sa paanan ko at ipinatong sa harapan niya ang kita. She opened it and took something; it was a small bottle, may mga kung ano-ano ito sa loob na hindi ko alam, para iyong kahoy at bulaklak.


"Ipainom mo ito sa kaniya pagkatapos mo siyang punasan hijo, makakatulog ito para bumalik ulit ang lakas niya." Kuya Trevor gradually accepted the bottle and placed it beside him as he continued what he was doing.


"What's happening to me, Nana Marty?" Hindi nakatiis ay tanong ko.


"Maybe it's some kind of effect from Lucien's bite, baby. Right? Nana Marty?" kuya asked curiously to Nana Marty. Seryoso namang tumango si Nana Marty tanda ng pagsangayon.


"May kontratang nabuo sa inyo ni Lucien ng sandaling kagatin ka niya. Bumuo iyon ng isang bond na nagbubuklod sa inyong dalawa. Iyon ang nagpapalakas at siya ring nagpapahina sa 'yo. Isa iyong mahiwagang katotohanan na hindi pa rin naipapaliwanag ng maayos hanggang ngayon, isa 'yong parte ng kahiwagaan ng mga bampira sa kung paano nila natatagpuan ang mate nila, na kahit hindi niyo mahal ang isa't isa, sa oras na mabuo ang bond sa pagitan niyong dalawa. Hinding hindi pwedeng ma-violate ang patakaran ng bond, hindi pwedeng masaktan ang mate ng isang bampira sa kahit anong paraan lalo na ang emosyonal, sa oras na may ibang babaeng ma-link kay Lucien, parang lasong sa buong katawan mo ang bond at ikaw ay paparusahan." hindi ko maintindihan.


"Bakit ako lang?"


"Nabasa ko 'yan sa isang libro na ipinahiram sa akin ni Calum noong nasa kulungan ako. It's a blood contract; whomever the blood source suffers the most; it's like a master-slave relationship, an unjust vampire reality." paliwanag pa ni kuya at nahinto na rin sa kaniyang ginagawa. Nakatitig lamang ito sa braso ko kaya napasulyap ako roon, noon ko lamang nakita ang mga marka na tila may mahigpit na tali ang pumulupot doon.


"In other words, as the blood source of your master, you will feel pain—unbearable pain—when you experience jealousy or anything else that will harm the bond that binds you together. It is called the chains of agony; instead of a bond, it is more like a curse. You also cannot fall in love with anyone as long as you are within the contract, as long as you are the recognized blood source and his mate. You will only be free of that pain when the underlying causes are rectified, the contract between you is completely broken, or he lets you go." hindi ako makapaniwalang ang dami na niyang alam. Mukhang pinagaaralan niya ang mundong 'to lalo na ang mga bampira.

Blood Ransom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon