4

7 0 0
                                    

Hindi ko na nagawang lingunin pa ulit ang grupo. Sinunod ko nalang ang turo nila at tuloy tuloy na nag lakad, hanggang sa hindi ko na namalayan ay nasa harap nako ng admission office.

Malalim akong napa buntong hininga.

My heart is pounding so loud and fast right now. Kailangan ko pang huminga nang malalim ng paulit ulit para maikalma ito. Calm down, Isla..

Another deep breath..

Muli na akong nag lakad at pumasok sa opisina.


Hindi rin naman ako nag tagal sa admissions dahil kakaunti lang ang estudyante sa loob, halos puro new student kagaya ko. Mabilis ko lang din namang nakuha ang Registration card ko. Dito kasi naka indicate yung schedule ng klase ko at mga subject na kinuha ko.

Laking pasasalamat ko dahil maaga ang uwian ko, kaya may chance pa akong mag trabaho pagkatapos ng klase.

Pagkatapos tignan ang regcard ay ipinasok ko na rin ito saaking bag, balak kong dumaan sa bayan para makapamili kahit papano ng kailangan ko sa pag pasok. Kaya naman agad na rin akong sumakay ng tric para makauwi rin agad. Baka hanapin pa ako ni Auntie at sumama ang timpla niya kung makita niyang wala pa ako sa bahay.

Hindi rin naman nag tagal nang makasakay ako ng tric, hindi rin naman kalayuan ang bayan kaya nakarating din ako agad.

Dahil siguro ay bandang tanghali na kung kaya't wala na rin gaanong tao, may iilan nalang ding bukas na gulayan, siguro sa bandang dulo pa ang bilihan ng mga karne. Next time ay pupunta ako rito saaking libreng oras para makalibot, para aakuin ko na rin ang pamamalengke para makatulong kay Auntie.

Iginala ko ang aking mga mata, minememorya ang mga nakikita para kahit papaano ay paunti unti akong mapamilyar sa paligid.

Sa kakalibot ko ay nakarating na rin ako sa bandang school supplies. Hindi rin naman crowded dito kaya naka hinga ako nang maluwag. May iilang bumibili kaya naman agad na rin akong pumunta sa lugar kung saan nandun ang mga kakailanganin ko.

Papel..ballpen..itong binder nalang siguro ang kukunin ko para wala na ako masyadong dadalhin sa school.

"Paki sabi sa Mama at Papa mo na maraming salamat ha? Nako, buti naman at tuloy tuloy ang tulong niyo sa mga kasamahan natin." Napatingin ako sa nag salita, sa tingin ko ay ito ang may ari sa pwesto na ito. Kung di ako nagkakamali ay kasing edad niya siguro si Auntie. May kausap siyang binata. Napa baling naman ang tingin ko doon, matangkad ito at may kagandahan ang katawan.

Agad akong napa iwas ng tingin nang mapagtanto ang sinabi.

Maganda ang katawan? Really, Isla? Sa dinami rami ng pwede mong mapuna ayun pa talaga. Napa iling ako sa sariling naiisip at bahagyang napa iling iling pa.

"Mukhang bago ka rito, ija?" Napatalon ako nang may mag salita saaking gilid.

Ang may ari pala.

"Ah, o-opo. Kakarating ko lang ho rito." Ani ko.

"Sabi ko na nga ba! Dahil panigurado kung matagal ka na rito ay malabong hindi ka mapansin." Ngumiti ito saakin na siya namang sinuklian ko rin nang nahihiyang ngiti.

"Ako nga pala si Thelma, ikaw anong pangalan mo?"

"Isla ho."

"Ah! Ikaw ba yung pamangkin ni Ivy?"

"Opo, ako nga po." Mukhang kahit saan ako mag punta ay kilala talaga ang Auntie sa bayan na ito.

"Nako! Nasa lahi niyo talaga ang magaganda. Nakita ko na rin ang mama mo noon, si Ina diba?" Para bang may humaplos sa puso ko nang marinig ang pangalan ni mama.

"Opo, siya po ang mama ko."

"Nako! Kuhang kuha mo ang maamo at maganda niyang mukha. Di gaya ng Tita mo, na para bang isang kilo parati ng kolorete ang linalagay sa mukha." Ani nito na bahagyang nakapag pangiwi sakin kaya wala na akong nasabi.

"Mauna na ho ako, Aling thelma." Isang baritonong boses ang nakabasag sa bahagyang katahimikan saamin. Napa angat ako nang tingin at tumambad saakin ang lalaking nakita kanina.

Gwapo nga ito pero hindi ko naman na itinigal ang titig ko sakanya, baka mamaya isipin pa nito eh napaka weird kong tao.

Mabilisan akong nag iwas ng tingin nang biglang tumingin ito sa gawi ko.

I gulped.

I feel like I'm being judged..or baka ganun lang talaga ang mga mata niya? Matalim at parang nakaka higop ng kaluluwa.

"Ay, osya! Sige, Elias! Sige na at mauna ka na, mukhang hindi mo dala ang sasakyan mo ano?"

"Oho, sayang ho kasi sa gasolina."

"Ikaw talagang bata ka! Para naman kayong hindi maranya niyan!" Tawa nang ginang na bahagyang may mahinang hampas pa sa braso ng binata. Nakita ko namang ngumisi lang ang kausap ni Aling Thelma at tumuloy nang umalis.

Ako naman ay natapos na rin sa aking pamimili kaya naman inabot ko na kay Aling Thelma ang mga nakuha. Hindi rin natapos ang pakikipag kwentuhan sakin nang ginang, nakikinig lang naman ako at tumatango pag kailangan.

"Salamat ho, Aling Thelma." Bati ko.

"Nako, wala iyon ija! Bumalik ka lang pag may kailangan ka pa ha!" Sigaw nito saakin, tipid akong ngumiti at agad na ring pumara ng Tric.

Kailangan ko nang makauwi, masyado akong nadala sa mga kwento ni Aling Thelma kung kaya't medyo natagalan din ako.





"Oh, andito ka na pala! Saan ka naman gumala?" Bungad sakin ni Tita pagka pasok ko.

"Ah--hindi ho ako gumala auntie nag punta po kasi ako sa San Agustin at nag enroll."

"Nag enroll ka lang halos abutan ka na nang dilim?" Taas kilay nitong ani saakin. Pumameywang ito at inismiran ako.

Napalunok naman ako at dali daling binuksan ang mga plastic na dala,

"B-bumili pa ho kasi ako ng--"

"Shh! Shh! Sige na sige na! Dami mong sinasabi. Mag handa ka na at mag t-trabaho ka pa." She said, dismisisng me. Hindi na ako sumagot kung kaya't tumango na lamang ako at agad nang tumakbo saaking kwarto para makapag handa.

Rise and FallWhere stories live. Discover now