10

3 0 0
                                    

Pag katapos naming kumain ay napag desisyunan na rin naming umakyat sa kanya kanyang classroom. Para na rin makapag bigay pwesto sa mga estudyanteng kaka pasok at kakain pa lamang sa canteen. Ako na ang nag aya kay Tri dahil medyo hindi nako nagiging kumportable sa ingay sa canteen. 

"Mamaya nalang ulit, Isla!" Masiglang ani saakin nito.

"Sige!'' Sagot ko naman at tipid na ngumiti. 

Pumasok na rin ako saaming classroom at may namataan akong malaking bulto ng binata sa bandang likuran na naka yuko sakanyang lamesa kahilera kung saan ako nakaupo. 

May iilang nakaupo na sa rin sa harapan. 

Diretso akong nag lakad patungo saaking upuan. 

Hindi ko alam kung kaka pasok lang ba nito o sadyang hindi ko lang siya napansin kanina. 

Ipinag kibit balikat ko na lamang ito at umub-ob na rin sa sariling lamesa. 

Nakaramdam kasi ako ng antok kanina sa canteen dahil na rin siguro sa ilang araw na akong kulang sa tulog. 

At hindi ko na rin ine-expect na ma-kukumpleto pa ang tulog ko dahil sa school at trabaho ko. 

Nang maramdaman ko na ang antok ay napa igtad ako nang marinig ko ang isang matinis na boses. 

"Eli!" Napa angat ako ng ulo at tumambad saakin si Monic na mukhang gulat na gulat ang mukha ngunit may ngiti sa labi. Nasa gilid niya naman ang mga kaibigan niya na normal lang mga expression ng mukha. 

Sinundan ko nang tingin ang kanilang tinitignan at nakitang naka bangon na ang lalaking namataan ko kanina pag pasok sa room. 

Napa awang ang aking bibig nang matignan ito. 

He's handsome. 

Really handsome.

Straight out of a fairytale book. 

He looks like a leading man with his manly features. Messy black hair, thick brows, hooded eyes, long lashes, pointed nose and pinkish lips. Mas nadepina pa ang kanyang facial features dahil naka sideview siya saakin. Bumaba ang tingin ko sakanyang katawan at agad na nag iwas ng tingin.

What the hell, Isla!

Why am I checking him out?

Napa lunok ako at ibinaling na lamang ang tingin sa harapan. 

"Anong ginagawa mo dito? Hindi naman dito ang class mo!" Si monic ito kung hindi ako nag kakamali. 

"I transferred." Matigas at maikling tugon naman ng kausap nito. 

Mukhang sanay na ang ibang mga kaklase dahil hindi naman nila binibigyan pansin gaano ang mga nag uusap.

Except sa mga babaeng naka tingin din sa likuran at sabay sabay na nag hahagikhikan. 

"Shet! Ang swerte natin!"

"Oo nga, first time tong mag kakasama ang mga mag kakaibigan na yan sa iisang class!"

"Hinding hindi na ako tatamarin pumasok nito!" Rinig kong usapin ng mga kaklaseng babae sa harap kasabay nang paulit ulit na pag sulyap nila sa pwesto nila Monic. 

"Omg!! We already had our groupings earlier!" 

"Kailangan natin mag tanggal ng isa." Si Gia naman ang narinig kong nag salita.

Sandali...

Hindi ba sila ang kagrupo ko? 

Awtomatikong napa lingon ako sa gawi nila at bahagya akong napa talon nang mag tama ang mga mata namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rise and FallWhere stories live. Discover now