6

3 0 0
                                    


"Importante na lagi tayong nakamasid sa paligid, minsan kasi sa sobrang dami ng tao hindi na natin namamalayan yung ibang customers.." Ani nito, tapos na naming libutin ang buong beerhouse, unti unti na ring dumadami ang tao lalo na't palalim na rin nang palalim ang gabi. 

Hindi naman mahirap ang ang aking trabaho, mapisikal man atleast hindi ito masyadong technical. 

"Kaya mo naman na mag simula ngayon no? Wag ka mag alala, nandito lang naman ako." Napa tango naman ako rito.

"Oo, kaya ko naman mag serve, mas mabuti nato para magamay ko agad." Sagot ko.

"Good, osya. Andito lang ako pwede ka nang magsimula kumilos." Agad naman itong umalis upang lapitan ang ibang table, may nakita akong kakapasok lang kaya naman nang maka upo ang mga ito ay agad na akong lumapit. 

"Good evening po, ano po ang sainyo?" Malumanay at may ngiti kong ani. 

Napa tingin naman ang mga ito saakin nang sabay sabay, bahagyang nawala ang ngiti ko nang mapansin ang mga mata nilang pinadaanan ako mula ulo hanggang paa. 

"Bago ka lang rito, neng?"

"Ah..opo.."

"Kaya pala, imposibleng di namin mapansin ang kagaya mong serbadora dito." Ngisi nito. Nakaramdam man nang pagka ilang ay tipid na lamang akong ngumiti at ibinalik ang mga mata ko sa hawak kong ballpen at papel, buti naman at nag sabi na rin ang mga ito nang kanilang order. 

Inulit ko ang kanilang order at dumiretso na sa counter upang ibigay ang order nila. 

"Ang bilis mo maka pick up ah." Napa tingin ako saaking gilid at nandun si Tri na nakatayo, nginitian ko naman ito.

"Swerte ako dahil wala pa gaanong tao." 

"Ah oo, usually mas madaming tao sa weekdays, may mga college students din kasi na dumadayo rito." 

"Pwede?"

"Oo naman, legal naman na ang mga iyon. Oo nga pala, mag aaral ka rin ba?"

"Oo mag aaral ako, nag enroll ako kanina sa San Agustin!" Medyo excited kong ani, bahagyang nanlaki ang mga mata nito at hinarap na ako nang tuluyan.

"Doon din ako! May schedule ka na ba? Anong course mo? Baka parehas tayo.."

"Business Ad ang kinuha ko."

"Sakto! Ako rin eh!" Sagot nito saakin. "Anong dash mo?"

"Uh..dash 2 ako!" Sagot ko naman. 

"Mag kaklase tayo!"

"Talaga?" Kung ganun, hindi ako gaano mahihirapan mag hanap ng kasama? Dahil kahit papano ay may kakilala na ako. 

"Table 7!" Napa balikwas ako nang marinig ang kitchen staff. 

"Pag usapan natin mamaya!" Sabi ni Tri at kinuha na rin ang mga order ng kanyang table. Tinanguan ko naman ito at ngumiti. 

"Salamat po." Ani ko at dinampot na ang tray na naglalaman ng mga beer. Pinuntahan ko na rin ang aking table at walang palpak ko namang naibigay ang kanilang order.

So far...so good. 

Hindi man madami ngunit hindi rin naman unti ang mga tao ngayon sa beerhouse. Tuloy tuloy lang din ang kilos at kung minsan ay nakakapag pahinga ako nang mga limang minuto..sagad na yun. Sa pagkaka alam ko ay hanggang alas una lang naman ang shift ko rito. Sa mga susunod na araw ay mas maaga na dapat ang pasok ko para makumpleto ko ang walong oras. Hindi na masama..kahit papano ay makakatulog pa rin ako bago ako pumasok sa school. 

Mabilis lang din ang oras at hindi ko na namalayan na end of shift ko na. 

Nang masilip ang oras ay timing namang nakaramdam ako ng antok at pagod. Hay salamat..sa tingin ko naman ay naging maayos at smooth ang unang pasok ko. 

"Isla sabay na tayo." Si Tri na nag aayos na rin ng kanyang gamit.

"Sige, tara." Ani ko naman. 

Laking pasasalamat ko dahil mahinahon at mahaba ang pasensya sa pag turo si Tri. Magaan din ang loob ko sakanya dahil na rin siguro na magka parehas lamang kami ng edad at hindi rin naman siya mahirap makapag pagaanan ng loob. 

"Wag mo kalimutang mag luto ng agahan pagka gising mo, mag iiwan ako ng pera sa taas ng ref at mamalengke ka pag gising mo." Si Tita Ivy nang makalapit ito saamin. 

"Sige po, Tita." Sagot ko. Mas okay na ito, at least hindi ako masyadong mag aalala na nakakabigat sakanila. Kaya ang gawaing bahay at pag aambag ay wala lang saakin. 

Natapos na si Tri kung kaya't sabay na rin kaming umalis. Nag tricycle lamang kami, nauna niya akong pinadaanan sa driver at umalis na rin siya agad. 

Nang makarating sa bahay ay agad na rin akong dumiretso saaking kwarto, nag hilamos, at nahiga. Kailangan kong magkaroon nang maraming lakas dahil sa susunod na linggo ay pasukan na, kailangan kong masiguro na dapat ay may sapat na energy ako para sa school, gawaing bahay at trabaho. 




Rise and FallWhere stories live. Discover now