5

5 0 0
                                    

Mabilisan lang ang pag bihis ko dahil ayaw ko nang mas mainis pa saakin si Tita. T-shirt at jeans, siguro naman okay na 'to? Sa pagkaka tanda ko ay serbadora ang magiging trabaho ko sa pinapasukan ni Tita.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga kamay, muling pina sadahan nang tingin ang sarili sa salamin at agad nang lumabas.

Naabutan ko si Tita na humihipak sakanyang sigarilyo habang naka pameywang na nag iintay sa hamba ng pintuan. Nag tama ang aming mga mata at kitang kita ko ang pag pasada ng mga mata niya saakin. Nag iwas ako ng tingin at bahagyang napa yuko.

"Wala ka na bang ibang damit? Shorts? Sleeveless? Balot na balot ka masyado eh!" Ani nito.

"Wala po tita eh. Ito lang po talaga ang mga damit na meron at dala ko." Sagot ko naman at bahagyang pinisil ang mga daliri.

Napa irap naman ito at iritang napa kamot sa noo.

"Osya sya! Wala naman na akong magagawa, halika na at mahuhuli pa tayo!" Asik nito saakin at nauna nang lumabas.

Agad agad din naman akong sumunod, ayaw nang masundan pa ang kanyang irita saakin. Kailangan maging maayos ako parati at masigurong naka sunod lang kay tita. Mamaya pa ay bigla nalang mag iba ang ihip ng hangin at mawalan ako bigla nang tirahan. Dyahe yun dahil yung kolehiying pinasukan ko ay hindi naman gaano kalayo sa bahay nila auntie. Plus, binigyan niya pa ako ng trabaho.

Kaya dapat lang na masiguro kong nasa good side niya ako parati.

Sumakay na kami sa isang tricycle, nasa likod ako sumakay habang nasa loob naman sumakay si tita.

"Oh alam mo na kung san kami dadalhin ha!" Ani tita sa driver na may ngisi sa labi. Bahagya namang natawa ang driver..

"Aba'y oo naman Ivy!" Ngisi nito at agad nang pinaandar ang tricycle.

Malamig na ang simoy ng hangin dahil na rin dis oras na ng gabi, sa pagkaka tanda ko ay nasa 10:30 kami umalis ng bahay. Oo nga pala, sa unang sahod ko, dapat masiguro kong maka bili ako ng jacket, kahit isang piraso lang lalo na't gabi ang pasok ko sa trabaho.

Hindi naman malayo ang beerhouse sa bahay nila tita kaya naman mga kinse minutos lang ay nakarating na rin kami.

Napa tingin ako sa beerhouse at nakitang may iilang customer na ang narito.

"Isla, halika na wag kang patanga tanga diyan!" Napabaling ako kay Tita at agad nang sumunod sakanya.

"Opo." Ani ko.

Pag pasok ay tumambad samin ang iilang mga tao doon na nangamusta at bumati kay Tita Ivy, lahat naman nang iyon ay binati rin pabalik ng Tita.

"Ivy, mukhang may kasama ka." Ani nung isa. Napalunok ako at bahagyang napa atras nang  maintindihan na ako ang tinutukoy nito.

"Oo, anak ng kapatid ko. Hindi yan pwede, serbadora lang yan dito." Sagot naman ni Tita, agad na naintindihan kung anong ibig niyang sabihin sa hindi ako pwede.

Bahagyang nanlamig ang aking kalamnan.

Hindi..

Kalma lang, Isla.

Hindi naman siguro hahayaan ni Tita na may mangyare saking masama diba? Everything's going to be okay. Safe ako, andito si Tita. Hindi niya ako papabayaan.

"Oh, isla.." nabalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Tita, may katabi na siyang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko, or medyo matanda sakin ng kaunti?

"Ito nga pala si Tri, siya ang mag tuturo sayo  nang mga dapat mong gawin dito sa beerhouse. Kung may tanong ka, siya ang lapitan mo. Wag ako ang abalahin mo, malinaw?"

"Opo, tita." Sagot ko at sinamahan ko pa ng tango.

"Good.." bumaling ito kay Tri, "Ikaw na bahala sakanya ha?"

Tri nodded.

Muli pa akong tinignan ni Tita at agad na ring umalis, dumiretso sa mga table at nag simulang maki mingle.

"Isla, diba?" Napabalik ang atensyon ko kay Tri.

Matangkad ito, naka salamin at may magandang buhok, maamo ang mukha, parang hindi siya mukhang server.

Napakura kurap ako at muling binalikan ang tanong niya.

"O-oo." Ani ko at napa higpit ang hawak sa aking suot na bag.

"Dimitri." Pakilala nito, "Tri nalang, pwede mong ilagay yang gamit mo sa likod ng counter. Ituturo ko na sayo ang mga dapat mong malaman habang wala pa gaanong tao."

Napa tango tango naman ako at agad na ring kumilos.

Kailangan ko lang masiguro na hindi ako papalpak at pakikinggan nang maigi ang mga ituturo ni Tri.

Rise and FallWhere stories live. Discover now