But what he did next shocked me. He kissed me in front of my kuya.

IN FRONT OF KUYA!

It's just a peck kissed, not just once but twice. Nanlalaking mata ko siyang tiningnan.

"Why? You don't like it?" aniya.

Ngayon ay nararamdaman ko na sa likod ang matalim na titig ni Kuya.

"Run!" bulalas ko kay Roy.

"What?"

"I said run for your life-"

Tunog ng baril ang narinig ko, buti na lang nasangga ko ang bala sa kapangyarihan ko bago ko itinulak si Roy para patakbuhin.

"Kuya, stop it!"

"Gonna kill that bastard!"

"Who is he? F*ck it!"

Muli ay binaril siya ni Kuya ngunit nakailag naman. Nagsimula na ngang tumakbo si Roy habang ako naman ay nagsimula ng mag-alala.

Paano pag natamaan siya ni Kuya? Roy naman kasi nanghahalik ng walang pahintulot.

Bata pa ako kaya gano'n na lamang ang galit ni kuya at hindi pa sila formally na nagkakilala ni Roy.

Puno ng tunog ng baril ang bahay. Nakita ko rin na hindi na baril ang ginagamit nila kundi mga kapangyarihan na nila na maingat naman nilang ginagamit para walang bagay na mabasag sa loob.

"Uhm... butler Sue tulungan-"

Sa pagtingin ko kay butler Sue ay nakangiti pa ito at mukhang enjoy na enjoy pa sa nakikita niya. Samantalang ako, eto parang aatakihin na sa kaba.

"Don't worry. Titigil din 'yan sila kapag napagod." Aniya.

"Huh?"

Nagpapatayan tas don't worry sasabihin niya sa'kin. Akala naman niya ikinagaan 'yon ng loob ko.

Waaahhhh!

"Tumigil na kayo, please kuya." Aniko sa nag-aalala na boses.

Tumakbo naman si Roy at nagtago sa likod ko. Ginawa ko ang pagkakataon na iyon para depensahan siya.

"Kuya, tama na!"

"Your Kuya is scary. Hindi nagdadalawang-isip na barilin 'yung magiging asawa mo." Bulong ni Roy sa likod ko.

"Umalis ka diyan Olivia, sinasabi ko sa 'yo!" Galit na wika ni kuya na mabilis kong inilingan.

"What's happening here?"

Napalingon kami sa nagsalita.

"Enzo, what took you so long?" tanong nito kay kuya.

Tumigil na si kuya sa ginagawa nila kanina at umayos pa ito ng tayo bago ibinalik ang baril niya sa nilalagyan nito. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Roy sa likod ko.

"Let's go to my room."

Nagtama ang paningin namin sa kuya ni Luna. Bahagya niya akong nginitian kaya nag-bow ako sa kaniya ng bahagya at ginantihan din siya ng ngiti.

Nilingon ko si Roy tsaka ko siya pinaghahampas sa likod niya.

"Ikaw kasi nanghahalik ka ng walang pahintulot! Kita mo naman na kasama ko si Kuya. Paano pag natamaan ka sa baril niya kanina!" asik ko sa kaniya.

He just pouted, "Na miss lang naman kita e."

I rolled my eyes.

"Hi, Olivia!"

The Rare OnesWhere stories live. Discover now