Chapter 10: Courage

20 7 0
                                    

Chapter 10

"HUH?!" sigaw ko.

"Pinagsasabi mong tayo lang nila Eli sa sabado? Bakit ayaw mo sila isama?" tanong ko.

"Di naman sa ayaw ko sila isama, but tayo nila Eli yung magfifinalize ng mga things na kailangan." sabi ni Dane.

"Kaya niyo na yan ni Eli, ok? No need na isama ako, pagawin mo na lang ako ng ibang bagay." sabi ko sabay alis sa table nila at punta sa table nila Saira at Piya.

"Wait, if that's what you want, go." sigaw ni Dane sabay alis sa table ng group namin at dumiretso sa kung saan.

"Ugh, I know na may plano nanaman siya." sabi ko sa dalawang nagtataka.

"Natural, palagi naman yang ganyan kahit nga wala ka pa rito, right Piya?" sambit ni Saira.

"Pero, I think you need to come there. Di ka naman siguro mapapahamak, since andon si Eli?" advice ni Piya.

"I think so rin, kaso.." sambit ko.

"Kaso, what?" tanong nila.

"Kaso, ano, kase, eh.."

"Ano???" tanong nila.

"Wala, ayoko lang sumama." sabi ko.

"So, sa madaling salita, tinatamad ka lang? Omg ka, Cian! Scores niyo
nakasalalay diyarn." sabi ni Saira.

"I know, I know, pero iba lang talaga yung kutob ko kay Dane." sabi ko.

"Iba? Yung kutob mo? BWHAHSHHSHSHAHA!" tawa ni Piya.

"Did you know? Na si-" "Stop!" tinakpan at pinigilan ni Saira ang bibig ni Piya.

"Kumakain pa diba? Ang daldal natin today, Piya. Keep eating na lang, okay? Bye, tara na Cian. Iwan na natin yan." sabi ni Piya sabay hila sa kamay ko at tumakbo kami.

"OKAY, GANYAN NA KAYO!" sigaw ni Piya.

Lumipas ang oras at ngayon ay uwian na pero nagtatampo si Piya.

Saira tried her best para di na magtampo si Piya kaso kahit anong pilit niya di nagana.

Umuwi na kami, patungo sa ibang mga ways.

Pagod na rin si Saira suyuin si Piya.

Habang nasa daan ako papunta sa sasakyan kong jeep, kase pagod na mga paa ko; may sumusunod sa aking mga lalaki at mukhang may balak na masama. Binilisan ko yung lakad ko para di nila ko masundan.
Pero kahit pag dating ko sa jeep, naroon pa rin sila. Pagbaba ko sa jeep, sinusundan pa rin nila ako. Sinubukan kong iligaw sila kaso nasusundan pa rin nila ko. Not until, may isang lalaking lumapit at hinila ako patungo sa isang masikip na daan.

"Wag ka maingay, maririnig ka ng mga yun." sabi niya.

Nakapikit ako nung hinila niya ako at dinala sa masikip na daan na ito. Kaya pagbukas ko ng aking mga mata, ay tila may isang anghel na naroon, este DEMONYO!

"IKAW??" sigaw ko.

"Oo na, wag ka maingay. Mamaya kana magsalita nandiyan pa sila." sabi ni Dane.

After 2 mins ata or mga 3 mins, okay na nakalabas na kami sa eskinita.

Habang naglalakad ako, sinusundan ako ni Dane kaya tinanong ko siya kung bakit.

"Hoy! Kanina ka pa sunod nang sunod! Ano ba trip mo?" tanong ko.

"Ikaw." sabi niya.

"Ako??" pagtataka ko.

"Oo nga, ikaw." sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ready To Skip That Thing Called Pag-ibig Where stories live. Discover now