Chapter 1: Acceptance

81 14 1
                                    

Chapter 1

Nakalipas na ang maraming taon ng paghahanap ko sa childhood best friend ko. Nahihirapan na rin ako. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o sadyang kinalimutan niya na ako.

"Maghintay ka at babalik ako," pangako niya.

Ngunit ang pangakong iyon ay unti-unti nang napapako.

"Siguro nga ay kinalimutan na niya ako," ika ko sa aking sarili.

"Kung saan man patungo ang aking tadhana ay nawa'y gabayan ako ng Ginoong Maykapal," sambit ko.

"Cian, anak tama na sa muni-muni andito na tayo bumaba ka na diyan," pasigaw na sabi ng aking ina.

"Ma, bakit po ba kailangan pa nating lumipat?" Nagtatakang tanong ko sa aking ina.

"Anak, maiintindihan mo rin ang lahat sa tamang panahon pero sa ngayon tulungan nyo muna ako ng ate mong mag-ayos at magligpit sa pansamantala nating bahay" pautos na sabi ng aking ina.

"Opo, nay!" napilitang sabi ko at ng aking kapatid.

"Haystt, sa wakas natapos na din sa pagaayos." pagod na sabi ng aking ate.

"Nak, meron pa diyang box padala sa taas." utos niya sa amin.

"Ikaw na dyan sa box teh, sige na maawa ka sakin namumula na hands ko oh, look!" pabiro at paawang sabi ko.

"Ako nanaman?" sambit ng ate ko.

"Please! Please! Please! Ate Kanie ko na sobrang ganda sa lahat." nagmamakaawa kong bitiw sa mga salitang ito.

"Ate Kanie, please!"

Dinilatan niya ako ng mata niya at sinabing...

"Ugh, fine! Basta sa next na iuutos ni nanay ikaw na gumawa cause I need to take a beauty rest pa."

"Yes ateee, mwa!" pagngiti kong sabi.

"Finally, Omg! Makakapagpahinga na rin sa wakas."

'Ring-ring' 'Ring-ring' 'Ring-ring'

"Nak, Cian pakisagot nga muna kung sino yang tumatawag sa phone ko." pa-utos niyang sabi sa akin.

"Sige, po Ma!" nawala ang ngiti sa mukha ko nung sinabi ko ang mga salitang ito.

"Ano ba yan, imbes na tapos nako eh."pabulong kong sabi sa aking isipan.

Sinagot ko ang telepono at narinig ko ang boses ng aking tatay na nagmula pa sa ibang lugar para magtrabaho at iwan kami sa bahay namin, kaya eto napapadpad kami dito sa pansamantala naming tirahan sa may Beleza nang dahil kay tatay.

"Alam kong ikaw yan Cian, pagpasensiyahan mo na ang tatay ah." sambit niya.

"Sadyang mahirap lang talaga ang buhay ngayon anak, sana maunawaan mo."

"Pero hayaan mo kapag nakaluwag-luwag na ang tatay babalik na uli kayo sa bahay natin ah."

"Pa, alam ko naman po na sinangla nyo muna ang bahay natin pero, bakit di na lang po kami tumira kila lola? Diba taga rito rin po sila?" patanong kong sabi.

"Nak, alam mo naman na galit sa atin ang tiyuhin mo na nakatira doon sa mga lola mo, kaya huwag na kayong magpunta dun. Kaya pansamantala na lilipat na muna kayo ng ate mo diyan sa may "Akin National High School." Pagbutihin mo parin ang pag-aaral mo nak ah, proud na proud sayo si tatay." paintindi niyang paliwanag saakin.

"Opo, tay!" pa-oo kong sabi.

"Teka HA?! LILIPAT KAMI NG SCHOOL?"

"AYOKOOOOOOOOO!"

Ready To Skip That Thing Called Pag-ibig Where stories live. Discover now