CHAPTER 4:Meeting him again

12 0 0
                                    

"Good morning Arriah" Bati ng iilang katrabaho ko at binati ko rin sila pabalik. This time hindi na ako late, kaya pagkatapos maayos ang gamit sa locker room ay nakipag-usap muna ako saglit sa iilang ka-close ko. Hanggang sa mapansin kong pumasok na din si Nadine, babatiin ko sana ng mapansin kong nakasunod si Joselito sa kanya. Aaasarin ko sana ng naunahan na ako ng ilang katrabaho sa pang-aasar. 

Pagkalapit nila ay binati muna ako ni Jose at nagpaalam na aalis, tinanguan lang siya ni Nadine. Bago ko pa matanong ay iniwas niya lang ang tingin at dumeretso na sa locker , kaya sinundan ko. 

" Hmmn may naaamoy akong chismis." Maang maangan siyang tumingin sa akin, may multong ngiti sa kaniyang labi. Kinikilig yarn?

" Tigilan mo ako Arriah ha." Pagbabanta niya sa akin. 

"Ito naman parang hindi close!" Pabirong inirapan ko siya. At natawa ako kaya hindi niya na napigilan pa ang ngumiti. 

"Uy may pagngiti!" Napapailing siya sa pang-aasar ko, pinapagpatuloy niya naman ang pag-aayos ng gamit niya habang nakahalukipkip ako, at pinapanood lang siya sa ginagawa. 

 " Tara na!" Aya niya sa akin ng matapos siya sa pag-aayos. Hindi ko siya kinulit pa tungkol sa nakita ko kanina, natutuwa akong kahit papaano maayos na ang pakikitungo niya kay Jose. Hihintayon ko nalang na masabi niya sa akin 'yon. 

Nagsimula na kaming magtrabaho, mas maraming tao ngayon dahil Friday. Maraming mga studyante pag mga ganitong araw. Sa totoo lang,  nakapasok ako dito dahil kay Ante, kakilala niya ang may-ari ng Coffee Shop na 'to. Sakto noong time na hiring dito ay nirekomenda ako ni Ante. Minsan bumibista ang may-ari dito,pero ngayong buwan ay hindi masyado kasi ang pagkakaalam ko puro out of town sila ngayon. Maraming branch ang Coffee Shop na ito pati din sa ibang bansa meron na. Kung may pera nga ako magfranchise ako, maganda kasi dahil may brand na at kilala na din 'to sa loob at labas ng bansa. 

lunch break...

Pagkarating namin sa palaging kinakainan, nakita naming naghihintay si Joselito.

" Hi, Arriah! Hi Nadine!" Bati niya sa amin,binati ko din siya.Aayain ko na din sana kumain si Joselito ng biglang nagsalita si Nadine.

" Ahm, may pinag-usapan kami ni Jose a-ano" Hinihintay ko siyang tapusin ang sasabihin pero pulang pula na ang mukha at hindi makatingin ng maayos, kaya si Jose na ang nagpatuloy.

" Tinanong  ko kasi si Nadine kahapon, kung pwede kami magdate, pumayag naman siya pero ngayong lunch daw ang ang available niya para sa date.Puwede ka naman sumama sa amin" Paliwanag niya.Pinaningkitan ko na ngayon ng mata ang aking kaibigan na nag-iwas lang ng tingin. Nahihiya pa eh.

"Ganun ba? Hindi na ako sasama sainyo, kayo nalang!" Umiling pa ako para ipakitang ayos lang. Ayoko naman manggulo pa sa First date nila. 

"Talaga? kahit libre ko?" Pang-e-enganyo sa akin ni Nadine.

"May baon akong pagkain, sayang 'to. Sige na umalis na kayo, nagugutom na ako" Palusot ko. Tumango naman ang dalawa at  nagpaalam na sa akin si Jose, pero bago pa sila umalis ay bumulong  muna sa akin si Nadine.

"Dapat sumama ka, libre ko naman" 

"First date niyo yan eh, ayoko maging thirdwheel niyo" Bulong ko din at tinulak na siya. Hindi na siya nakaapela dahil hinihintay na siya ni Jose.

Nang nakaalis na sila ay nakiupo ako kila krystal isa mga ka close ko dito. 

" hindi mo ata kasama si Nadine" Tanong nila ng mapansin na mag-isa lang ako.

"May date" Sagot ko naman." 

" Si Jose ba?" Usisa nung isa.

"Oo" sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon