CHAPTER 3:FAMILY

23 1 0
                                    

"Hello Nay, kumusta po kayo ni tatay diyan?" Nakauwi na ako sa bahay pagkatapos ng trabaho, patulog na sana ng naisipan kong kumustahin ang magulang ko dahil hindi ko nga sila natawagan kagabi gawa nga na nalasing ako. 

" Ayos gadla kami ngadi nim tatay, he kamo nim Ante Susan kumusta man?" Pangungumusta niya din sa amin ni Ante Susan.

"Ayos la liwat kami didi" Sinabi kong ayos lang din kami ni Ante.

"Ngayan, nakapalit na kami hin duha nga pasi" Sabi niya nakabili na daw siya ng dalawang biik. Plano niya kasi na mag-alaga ng mga baboy.Ngayon, na hindi na nakakapagtrabaho si Tatay dahil may sakit, at mas naghirap kami ng noong nadiagnosed siya na may bato sa kaniyang apdo. Kinailangan niyang operahan dahil natatakot na din kamo noong nagsimula ng magkulay dilaw ang kaniyang mata at at pati balata. Sinabi ng Doctor na wala daw gamot na magpapatanggal o magpapatunaw ng bato, surgery lang daw ang paraan para matanggal dahil pinipilit ni Tatay na baka may iba pang paraan dahil ayaw niyang magpa-opera dahil malaki ang gastusin ,at noong time na yun ay walang wala talaga kami. kaya nanghingi kami ng tulong kay Ante, at napagdesisyunan kong lumuwas upang magtrabaho para makatulong kahit tutol si Tatay. 

Si Tatay ay dating mangingisda at magsasaka, hindi naman sobrang hirap ang buhay namin, dahil marami namang pagkakakitaan dito sa Probinsya, kung masipag ka lang hindi ka magugutom. Kahit papaano nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Hindi naman masyadong malaki ang bayarin namin sa eskwelahan dahil sa public ako nag-aaral at Scholar din ako ni Mayor. 

Yung Nanay ko naman ay paminsan minsan tumutulong sa paglalako ng mga nahuling isda ni Tatay, maglilibot yun sa barangay para mabili, minsan naman pinapalit sa bigas pag walang pera. Parehas ang mga magulang ko ay nakapagtapos ng pag-aaral pero mas pinili nila ang gantong klaseng buhay. Isa si Nanay sa natulungan ni Ante Susan, pero noong nagcollege si Nanay ay siya na  nagtustos sa pangangailangan niya sa eskwelahan, kahit ayaw ni Ante , mas gusto niya na magfocus sa pag-aaral si Nanay. Naaawa naman si Nanay dahil lima silang pinapaaral ni Ante, ang mga magulang naman nila ay matatanda na rin at hirap ng pag-aralin pa dahil kulang ang kinikita nila para sa anim nilang anak. Si Ante Susan ang panganay, first year college siya noon nung tumigil, si Nanay naman pangatlo sa magkakapatid habang ang Pamilya sa side ng Tatay ko ay hindi ko kilala at wala din naman silang kinukwento.   

" Maupay iton Nay, tagpira man an im kapalit?" (Maganda yan Nay, magkano mo nabili?) Sagot ko habang, palabas sa balkonahe ng bahay para doon tumambay saglit. Napatingala ako sa buwang hugis suklay at maraming mga bituin na mas nagpapaliwanag sa alapaap .

"Maupay ngani kay gin tagan ako discount, tag dos mil la kada usa" Tumango ako kahit hindi nakikita ni Nanay. Mahirap kasi makipagvideo call doon sa probinsya namin dahil mahirap ang data connection. Sa susunod magpapakabit na ako ng Wifi para makapagvideo call kami.

 Noong unang buwang sweldo ko ay pinadala ko agad yun kila Nanay para pambili ng mga kakailanganin nila sa Hospital. Matagumpay naman ang operasyon ni Tatay at kailangan talaga ng pahinga. Si Ante Susan ang nagbayad ng mga bill sa Hospital, ngayon na medyo may pera na ako, nagbibigay ako sa kanya para sana bayad kaso hindi niya tinatanggap iyon.  Noong paunti unti nakakaraos na kami ay pinaayos ko ang bahay namin doon dahil mga kahoy lang ang dingding at pati ang sahig. Bungalow ang gusto ni Nanay dahil mahihirapan daw sila kapag may second floor lalo na sa paglilinis at patanda na daw sila mahihirapan sa pag-akyat baba, hindi pa ako tapos sa pagpapagawa ng bahay namin kahit na palibot ng bahay ay konkreto na/ Tatlo ang pinagawang kwarto ni Nanay para daw sa akin at kay Ante o kaya ibang bibisita sa bahay. maayos na din ang aming bubong na dati ay tumutulo pa dahil sa nabubutas na pawid, laging may mga pusa kasi sa taas nagtatakbuhan, dahil siguro doon may mga nabubutas. May mga gamit pa sa bahay na kulang kaya nga kahit paunti unti binibili ko iyon.  

UNTITLEDWhere stories live. Discover now