SIMULA

27 2 0
                                    


Sa una palang dapat ay hindi ko na hinayaang mangyari ito. Pero paano ko nga ba mapipigilan pa? May paraan ba para pigilan ko pa itong nararamdaman ko sa kanya? Kasi kahit anong layo at iwas ko sa nararamdaman, tila parang apoy na kahit anong patay mo dito ay mas lalong nagliliyab, at kinakalaban ang tubig na nagbabadyang pumatay dito. May ibang paraan siguro ngunit paano ko magagawa iyon, kung ang pagpatay ng apoy na ito ay may maiiwang bakas, na kahit anong ayos ko dito, kahit matupok man ang nag-aalab na apoy ay hindi ko na maayos o maibabalik pa, at mananatiling peklat ito ng nakaraan ko. kahit anong pilit mong itago, babalik balik parin ang alaala. Ngunit sa bawat pagbalik nito ay laging panghihinayang ang mararamdaman ko at mga tanong na "Paano".

Natigil ako sa pag-iisip ko dahil sa katok na nanggagaling sa labas ng pintuan ko sa kwarto. At dali daling pinalis ang mga luha na tumulo sa aking pisngi. 

"Arriah! Ano na bilisan mo diyan, tapos kana ba sa pag-aayos?" Sigaw ni Ante sa labas ng pinto ng kwarto ko. Lumapit ako doon at binuksan konti .Sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ni Ante Susan.

"kanina pa ako tawag ng tawag sayo!" Pagrereklamo niya at itinulak ang pintuan kaya dere-deretsong pumasok sa kwarto ko, dahil sa hindi inaasahan ay medyo napaatras ako sa ginawa niya, buti at hindi ako natumba ng tuluyan. 

"Ante, tapos na po ako" Sagot ko naman habang abala siya sa pagsusuri sa mga gamit ko na nasa kama kung ayos na ba talaga iyon lahat. 

" Buti naman, kumpleto na ba lahat ng mga papeles mo?" Tanong niya at nilingon ako. Nakita kong tumitig siya sa mga mata ko kaya iniwas ko ito at lumapit sa kama kunwaring abala sa pag-aayos parin. Hindi parin nawawala ang mariin na titig niya sa akin.

"Opo, naayos ko na" sagot ko naman habang nag-aayos. Ngayon ay nakacross arms na siya paharap sa akin , naniningkit ang mga matang nakatingin.

"Umiyak ka ba?" Pagdududa niyang tanong. Mahahalata naman sa mga mata ko, mugto pa ito dahil kakaiyak ko lang ngayon.

" Ante" pigil ko sa kanyang pagtatanong dahil ayaw kong mas lalong maging emotional. At baka malaman niya ang dahilan totoong dahilan ng pag-iyak ko.

" Hayy kung pumapayag ka nalang sana sa offer ko, hindi kana sana mangingibang bansa para magtrabaho doon. kayang kaya kita pag-aralin Arriah hindi mo kailangan magtrabaho doon". Pangungumbinsi niya ulit sa akin. Ayoko naman na maging responsibilidad niya pa, hangga't kaya ko pang magtrabaho ay hindi ako hihingi ng tulong lalo na sa kaniya. Marami na siyang naitulong sa akin at kila Nanay, gusto ko nalang magliwaliw siya at hindi na ako problemahin pa.

" O siya sige, alam kong buo na ang desisyon mo kaya hahayaan kita. Basta kapag kailangan mo ng tulong o may problema ka andito lang si Ante ha". Pagsuko niya sa pangungumbinsi . Sa sobrang bait ni Ante sinakripisyo niya ang sariling kagustuhan para makatulong sa Pamilya niya, inako niya lahat para magkaroon sila ng magandang buhay, kaya isa siya sa inspirasyon ko. Buo na talaga ang desisyon ko na umalis dahil maganda ang offer doon. kasama ko naman si Nadine kahit papaano hindi ako lalamunin ng lungkot doon.

Basta kapag makaipon ako at kapag kaya ko na rin maipagsabay  ang pag-aaral sa kolehiyo,ipapagpatuloy ko. Isang taon nalang rin naman ang gugulin ko sa pag-aaral dahil tumigil ako noong nasa third year college na ako dahil nga sa nangyari sa Pamilya ko. 

"Salamat Ante" Hindi ko na napigilan ang nag-uumapaw na nararamdaman ko kaya niyakap ko siya.

"Aysus itong bata talaga oh! Mamimiss kita" Yakap yakap ko siya at hindi ko man makita ay alam kong naluluha na din siya.

Mas pinili ko ang offer sa ibang bansa bukod din sa mas mataas ang sweldo upang makalayo na rin at para na rin hindi ko siya nakikita lagi, para tuluyan ng mawala 'tong nararamdaman ko sa kanya.

"Basta ha! Ayusin mo lang doon, magsabi ka sa akin kung ano mga kailangan mo. Tawagan mo ako paminsan minsan, balitaan mo ako" Tumango nalang ako sa mga paalala niya sa akin. Hindi ko maipagkakaila na sobrang mamimiss ko din siya. Siya na ang naging pangalawang magulang ko dito, kaya sobrang sobra ang pasasalamat ko na binigyan ako ng Ante na mapagmahal , maalaga at sobrang bait kaya pagdating ng araw na kaya ko na ay babawi ako sa kanya sa lahat ng mga itinulong niya.

"Sige po Ante. Ibaba ko lang po lahat ng mga gamit ko" Sagot ko at tumango siya.

"Bilisan mo diyan at kakain muna tayo bago ka umalis" Tumango lang ako at bumaba na siya.

Nang mapag-isa ay unti unting binabalot ang utak ko ng pag-iisip sa kanya. Napalingon ako sa bintana makikita ang kanilang bahay. Alam kong wala siya ngayon tiyak na may trabaho iyon. Paano kung andito nga siya? Umaasa ka ba na pigilan niya. Napailing ako sa naiisip, pano niya naman ako pipigilan kung hindi naman niya ako gusto hindi ba? Eh ano naman kung pigilan niya ako, kahit gawin niya yun aalis parin ako dito.

Napagdesisyunan  kong bumaba nalang dahil kung mananatili ako dito mas lalo akong malulunod sa pag-iisip sa kanya.

"Tara kain na" yaya sa akin ni Ante ng makita niya ako pababa sa may hagdanan.

Tinulungan ko naman siya sa pag-aayos at pagkuha ng kubyertos. At nang maayos na ay nagsimula na kaming kumain.

"Kung wala lang ako trabaho ngayon sasama ako sa paghatid sayo, nakakainis kasi yung bagong boss namin" Para sa akin mas mabuti na din na hindi makasama si Ante kasi mas maulungkot ako habang makikita ko habang paunti unti na mawawala siya sa paningin ko, baka magdalawang isip pa ako na sumama.

"Ayos na po yun Ante, ayoko naman po talagang isama din kayo" Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Mas mahihirapan lang po akong umalis Ante" Pagpapaintindi ko sakanya, pero inirapan niya lang ulit ako. Nag-usap lang kami saglit ni Ante at pagkatapos ay pumanhik na ako sa kwarto at nagbihis na dahil dadating na ang kotse na nirentahan ni Ante na maghahatid sa akin sa airport.

At ng dumating na nga at pinaghahakot na ang aking gamit sa loob nito pati ang mga kapitbahay namin ay tumutulong sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang maya't maya na mapasulyap sa harap na bahay. Umaasa na kahit manlang sa huli makita ko siya. Nawawala lang ang atensyon ko doon kapag maraming mga paalala na sinasabi si Ante.

"Ingat ka Riah ah!" paalam sa akin ni kuya Roberto, kapitbahay namin na tumulong sa paghakot.

"Ingat, pasalubong pag-uwi ha!" pagbibiro ni kuya bentong. Natawa ang iilan sa mga kapitbahay namin at natawa nalang din ako. Habang pinagmamasdan ko sila na nagtatawanan sa mga biro nila ay kahit ilang years lang ako tumira dito ay nakasundo ko sila lahat, tiyak din na mamimiss ko ang kanilang kakulitan.

"Sige kuya" Pangako  ko sa kanya, kahit hindi pa sigurado kung babalik pa ako dito. Siguro ipapadala ko nalang. 

"Ikaw talaga bentong hindi pa nga nakakaalis, pasalubong agad" sita ni Ate Rafaela sa asawa, habang karga karga ang kanilang anak.

"Ingat Arriah" iilan sa mga kapitbahay namin

"Sana maging maayos ang biyahe mo ineng" si Nay Nora.

Nagpasalamat ako sa kanila lahat sa pagtulong, at kinausap si Ante bago nagyakapan at magpaalam. Pero bago pa ako makapasok sa loob ay narinig ko ang kanilang pag-aasaran at tuksuhan ng may lumabas sa harap na bahay. Tiningnan ko iyon at nakita ang lalaking minamahal ko ay may kasamang magandang babae na nakahawak sa balikat nito at nakikipagtawanan sa kanila.

"Ano iyan ha, naglilihim na kayo ha! kayo na ba?" Pang-aasar sa kanila ni kuya Bentong at nakita ko ang pamumula ng pisngi ng babaeng kasama niya, so sila na? Nang nakita kong lilingon siya banda dito sa amin ay dali dali akong sumakay sa loob. Pero habang papasok ako ay narinig ko ang sigaw ni kuya Bentong.

"Sila na nga!" Napapikit ako sa narinig at sa muling pagdilat ng aking mata ay unti unting nag-uunahang tumulo ang aking luha. Hanggang sa naramdaman kong umandar na ang sasakyan, habang papalayo kami ay parang sumisikip ang dibdib , nahihirapan na akong huminga kaya  kinailangan ko pang ibuka ang aking bibig upang makahinga. Iilang mga hikbi ang napakawalan ko at agad agad kong tinakluban ang bibig ng kamay upang matigil iyon. Ang mga luha na kanina ko pa pinapahid gamit ang ang likod ng aking kamay ay hindi maubos ubos, tuloy tuloy ang agos nito. Unti unting dumadaloy ang panghihina sa aking katawan, at alam ko sa pagkakataong ito na ang apoy na nag-aalab kanina ay unti unting natutupok.

UNTITLEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ