Chapter 50

304 11 2
                                    

Chapter 50

Araw-araw. Gabi-gabi. Walang tigil ang pagpapakitang gilas ng Negro. Bawat utos ko ay sinusunod niya kahit may kasamang pagbubulyaw.

Sa umaga, tutulungan niya akong mag display ng paninda ko. Mga pang meryenda. Kahit may tindahan na kami ay naglalako parin ako ng nilagang mani at mais at nang mga kakanin ni Nanay. Sa harapan ng tindahan nakadisplay. May isang mesa kasi roon na ginawa pa ni tatay.

Pagdating naman ng hapon tutulong siya kay Nanay sa kusina kahit na ilang beses na itong pinagsasabihan ng matandang babae na 'wag ng makealam. Pero matigas nga talaga ang bungo ng lalaki. Gagawin pa din ang gusto!

Oo nga pala, Sabado ngayon. Walang pasok ang dalawa kong kapatid. Kasama ng tatay ang dalawang bata sa bukid.

Ang Inay naman ay nakipaglaba na muna sa kapit-bahay namin. Ako sana pero pinakiusapan ako ni Nanay na siya muna ang hahalili sa akin para magawa ko ang dapat gawin. Hindi na ako tumutol dahil alam ko naman hindi ding papapigil si Nanay.

"Mahal, tama na ba ito?"

Yamot na napatingin ako sa negro na kanina pa tanong ng tanong.

"Pwede ba may pangalan ako!"

Ngumiti ng malapad ang lalaki.

"Oo nga pala," Sambit nito at muling inulit ang sinabi kanina. "Myrna Mahal, Tama na ba ito?"

Masama ko siyang tinignan.

"Nanggagago ka ba?"

"Hindi ah!"

Inirapan ko lang ito sa halip na mabulyawan ko na naman at tinignan ang isang poste ng kahoy na ibinaon niya sa gilid. Nagpapatayo ako ng poste sa kaniya dahil naisip kong dagdagan ng linong itong tindahan. Napansin ko kasing naiinitan ang paninda ko sa umaga lalo na iyong mga kakanin.

"Malalim na ba 'yan?"

"Oo naman kasing lalim ng pag-ibig ko sa 'yo Myrna Mahal," nakangising sagot niya.

"Seryoso ako!"

"E seryoso din naman ako ah?"

"Iyang poste ang tinatanong ko hindi ang lalim ng pagibig mo!" Bulyaw ko sa Negro. Bwesit talaga!

Napakamot ito sa batok.

"Para pinagaganda lang naman ang araw mo eh, Nagagalit kana." May pagdadramang sabi pa ng lalaki.

Sumiring ako.

"Kung ikaw ang lagi kong nakikita aba! Sira na palagi ang araw ko!" Angil ko.

"Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba binigyan mo na ako ng Second chance?"

Pinagkrus ko ang dalawang braso at tinignan ang lalaki habang nakataas ang isa kong kilay. Saan nito nakuha ang ideyang binigyan ko na siya ng pangalawang pagkakataon? Lakas din talaga ng amats ng lalaking ito!

"Ang sabi ko pagiisipan ko palang. Wala akong sinabing binibigyan na kita ng pangalawang pagkakataon. Ano ka siniswerte?" Pagtataray ko rito.

"Hindi ba kaya ko ginagawa ang lahat ng ito ay dahil gusto mo na uli akong pabalikin sa buhay mo? So, Second chance na 'yon."

Pinanlakihan ko ito ng mata. Bakit ba parang asang-asa siya? Porket ba sinabi kong pagiisipan kong bigyan siya ng pagkakataon ay aasa na siya?

"Ang kapal naman ng moks mo talaga e 'noh? Never kitang pababalikin sa buhay ko!"

"Uy, Naka-English kana talaga ah," Kapagkuwan tudyo niya at hindi pinansin ang sinabi ko. "Sinong nagturo sa 'yo?"

"Pakelam mo!" Angil ko. "Edi sino pang nagturo sa akin? Edi si Ryu!"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now