Chapter 37

195 10 1
                                    

Chapter 37

"Umuwi kana sa inyo Myrna! Gabi na dapat hindi kana pagala-gala ng gabi!"

"Aling Norma parang awa niyo na po. Nakikiusap po ako. Hayaan niyo po akong makausap si Noli."

"Hindi pwede! Gabi na! Umuwi kana Myrna bago ko pa maisipang ipahabol ka sa mga aso namin! Hanla! Layas!"

"Aling Norma...Mahal ko po si Noli ang anak niyo. Ipaglalaban ko po siya."

"Hindi kita gusto sa anak ko Myrna! Hindi ang uri mo ang babae ang gugustuhin kong makapasok sa buhay ng anak ko! Nandiyan ang mga kababata niya na mas deserve sa kaniya. Mas gaganda ang buhay niya kapag isa sa kanila ang nakatuluyan niya kaysa sa isang dukhang walang makain kung hindi mangungutang!"

Panay ang tulo ng mga luha sa aking mga mata habang nakaluhod at nagmamakaawa sa harapan ng ina ng lalaking mahal ko. Pagkatapos ng hindi magandang pagsasagutan namin ni Noli kahapon ay napagpasyahan kong puntahan siya ngayon gabi at kausapin. Hindi ko na kasi kayang ganito kami.

"At hindi ako magsasawang ipaalala sa 'yong kahit kailan ay hindi ka magandang impluwensya kay Noli sa anak ko. At nakikiusap ako bilang ina ni Noli tigilan mo na ang kahibangan mo. Puppy love lang ang nararamdaman niyo sa isa't isa huwag mong seryosohin. Isipin mo ang magiging buhay niyo ni Noli. Unahin niyo ang mga bagay na mas karapat-dapat pagtuunan ng pansin. Huwag puro landi! Umuwi kana at tumulong ka sa inyong magulang!"

Wala na akong nagawa ng pagsarhan ako ng matandang babae ng pinto.

Napahagulgol ako.

"N-noli..." Pasinghot-singhot na usal ko sa pangalan niya.

Panay parin ang daloy ng mga luha ko. Tila para iyon tubig at walang katapusang pag-agos.

"Myrna! Anak!"

Luhaang napalingon ako sa pinanggalingang ng boses na iyon.

Mula sa labas ng bakuran nila Noli ay nakatayo si Tatay. Kahit kulay dilaw ang kulay ng ilaw na nagmumula pa sa streetlight ay kitang-kita ko ang pagaalala sa mukha ng aking ama.

Lakad-takbo ang ginawa ng matandang lalaki para lang makalapit sa kinaroroonan ko.

"Myrna anak anong ginagawa mo? Bakit ka nakaluhod dito? Bakit dito ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni tatay sa akin at saka ako hinawakan sa braso at tinulungan tumayo.

Nakayuko lang ako. Hindi ako makatingin kay tatay. Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong makita sa mga mata niya ang sakit sa tuwing nakikita niyang ay umiiyak isa sa mga anak niya.

"Hindi muna ako magtatanong kung bakit natagpuhan kita sa ganong senaryo basta sumama kana sa akin at umuwi na tayo." Anang Tatay.

Dahan-dahan akong tumango. Hindi paring nagaangat ng tingin sa matandang lalaki.

Iginiya na ako ni Tatay paalis ng bakuran nila Noli. Panay parin ang singhot ko. Hinayaang kong tumulo ang mga luha ko tutal nakayuko ako. Habang papalayo kami kina Noli lalong bumibigat ang dibdib ko sa isiping baka...baka...baka...hindi ko na makausap si Noli sa ibang pang susunod na araw.

"Ilabas mo lang 'yan nak. Hindi maganda sa dibdib ang madaming dinadala." Narinig kong anas ni Tatay.

Kinagat ko ang ibabang labi upang mapigilang ang pagalpas ng hikbi sa aking mga labi.

Huminto si Tatay sa paglalakad kaya napahinto ring ako ngunit hindi paring nagaangat ng tingin. Pinipigilan ang paghikbi.

"Nak..."

"A-ang s-sakit ng d-dibdib ko po Tay..."

"Alam ko...alam ko 'nak pero mas pinili ko paring manahimik kahit na gustong-gusto na kitang tanungin."

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now