Chapter 26

203 11 1
                                    

Chapter 26

"Hoy, Tagay pa mga Pre!"

"Tagay!"

"Tagay!"

"Tagay tapos kain pulutan HAHAHA"

"Shuta naman! Hina naman netong si Pards uminum!" Wika ni Mark matapos tignan si Denver at lagukin ang nakalagay sa shot glass nito.

Lagpak na ang lalaki habang nakasubsob ang sarili sa ibabaw ng mesa. Si Loklok naman ayun mukhang sanay na sa inuming alak hindi pa din kasi natutumba. Panay pa din ang lagok ng alak. Si Noli lasing na pero nakakapagusap pa rin kami ng maayos. Kontrolado kasi niya ang pagiinum niya. Minsan nga ay nakikita kong pasimple niyang tinatapon ang laman ng shot glass tapos magkukunwaring nagpupunas ng paligid ng bibig.

Iyong dalawang babae naman sina Wilma at Almira nakikipagpaligsahan kina Zaza at Joan mga kapit-bahay ding namin. Mga manginginom!

Hindi ako masyadong uminum kasi baka maamoy ako nila Nanay at tatay at kagalitan ako. Siguro isa o dalawang tagay lang ang ginawa ko. Isa pa, Binawalan akong uminum ng magsasakang nobyo ko. Ang sweet hindi ba? Hehe.

Gin bilog na may halong pomelo juice ang inumin. Iyon ang kadalasang ginagawa ng mga mangiinum sa probinsiya. Pinaghahalo nila. Mas masarap daw kasi. Pero para sa akin kasing pait iyon ng ampalaya!

"Hoy Zaza! Tagay pa! Huwag puro pulutan!" Narinig kong sikmat ni Almira sa babaeng kaharap na abala sa pagnguya ng pinaputukag dinuguan na siyang niluto pa ng tiyuhin ni Denver na si tiyuhing Jacinto. Isa sa mga tanod ng barangay. Mabait at masipag ang lalaki. Isa din daw ito sa mga naging kaklase ni itay noong elementarya.

Ayon kay Denver nililigawan raw ng matandang lalaki ang tiyahin ni Mark na siyang dalaga pa. Minsan, Ang tsismoso ng lalaking ito. Pati panliligaw ng mga matatanda ay kailangan pang ipagsabi sa iba!

"Mahal, Okay kalang ba?" Tanong ni Noli ng tingalain ako.

Ngumiti ako ng tipid.

"Oo naman Mahal, Ikaw ba? Kaya pa? Dami kanang nainum ah," wika ko. Pulang-pula na ang mukha niya marahil marami na itong nainum.

Pumalibot ang dalawang braso niya sa bewang ko at naglalambing na sinandal ang ulo sa dibdib ko. Namula ang mukha ko pero hindi maitatago roon ang ngiting kumawala sa aking mga labi. Bigla akong kinilig! Ganito kasi yung mga napapanuod ko sa telenovela. Yung mga palabas tuwing hapon. Mga Rosalinda, Paloma, Altagrasya at iba pang nakakakilig na palabas.

"Parang nahihilo na ako Mahal," narinig kong anas ni Noli.

"Ikaw naman kasi, Ang lakas ng loob mong humarap kina Mark sa inuman pero hindi mo naman pala kaya, ayan tuloy nahihilo kana." Panenermon ko sa kaniya bagamang naglalambing ang tono.

Umangat ang isang kong kamay para haplusin ang pulang-pula niyang mukha.

Mas hinigpitan niya ang kapit sa bewang ko.

"Gusto mo pagtimpla kita ng kape?"

Tiningala niya ako.

"Pwede ba Mahal? Nahihilo na talaga ako tapos pakiramdam ko gusto ko ng sumuka."

Nangasim ang mukha ko sa huling sinabi niya.

"Iyan kasi! Inum ka uli sa sunod ah?" Pangaasar ko pa sa kaniya.

Ngumuso siya habang yakap-yakap pa din ako.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now