Chapter 49

412 12 1
                                    

Chapter 49

Kailangan ba na magwakas itong pag-ibig
Bukas kaya'y wala kana sa king isip
Hindi mo ba naalala ang mga kahapon
Na dati ay anong saya't anong tamis

Mariing nag takip ako ng mga tainga dahil sa maiingay at panget na boses ng mga palakang nagkakantahan sa ilalim ng punong mangga namin!

Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa'ting mga mata ito'y kalabisan lamang
Patuloy lang masasaktan ang mga puso
O bakit kay sakit pa rin ng paglayo

"Your turn Noli Pare!" Malakas na sabi na iyon ni Loki sa Negro!

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin
Ika'y mahal pa rin

Kanta naman ng Negro! At feel na feel ha! Kaasar!

At ano daw? Mahal? E ba't hindi niya ako pinaglaban?

Nandito ako sa bombahan. Nagbabalat ng gabi. Nag request kasi si Tatay ng sinigang na gabi ng karneng baboy. Kinuha ko pa sa karayan ang gulay ng gabi. Sa gilid kasi ng karayan ay doon maraming tumubong gabi at doon kami madalas manguha nina Almira at Wilma. Kung hindi pang sinigang ay inilalaga lang namin bilang meryenda. Masarap naman lalo na kapag may mansanilya. Subukan niyo para naman malaman niyong nagsasabi ako ng totoo.

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Hayaan natin puso ang magpasya

Pagtutuloy ng Negro sa liriko ng kinakanta. Hmp! Feeling talaga niya ang galing-galing niyang kumanta!

Wala na bang puwang sayo ang aking puso
Wala na bang ganap ang dating pagsuyo
Mali ba ang maging tapat sa mga pangako
Sa atin ang lahat kaya'y isang laro

Kahit kailan ay wala na!

"May puwang parin siya sa 'yo pero pakipot muna ngayon, Pare!" Narinig kong sambit ni Mark na halatang nagpaparinig!

Ako? Pakipot?! Humanda ang lalaking ito mamaya sa akin! Kung ano-ano ang nasabi!

"Ganyan talaga ang mga babae. Kunwari galit-galit pero mahal ka parin 'yan Noli Pre!"

Susog naman ng gagong si Denver!

Mga bwesit talaga!

Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa 'ting mga mata ito'y kalabisan lamang
Patuloy lang masasaktan ang mga puso
O bakit kay sakit pa rin ng paglayo

Ha! Hindi naman ako ang nagpakalayo ah! Siya nga itong basta-basta nalang umalis ng walang paalam!

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin
Ika'y mahal pa rin

Hindi na kita mahal!

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Hayaan natin puso ang magpasya

Ang isip ko mismo ang magpapasya! Hindi ang puso ko!

Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin
Ika'y mahal pa rin

Bakit ba paulit-ulit?!

At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Puso ang magpapasya

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now