That voice, may round two pa pala sila.

May narinig akong suntok, medyo malutong ito kaya napangiwi ako dito sa pinagtataguan ko kahit na hindi ko naman sila tinitingnan.

“Tsaka, pipi ka ba? Two weeks ka ng nandito pero hanggang ngayon hindi pa kita naririnig na nagsalita. Nakakainis ka! Make some noise naman kapag binubugbog ka namin! Napaka boring mo naman.” Panunuya pa nito. 

This time ay tumingin na ako. Nasa likod lang din pala sila nitong malaking puno pero hindi naman medyo malayo kaya kitang-kita ko sila ngayon. 

“Pipi talaga siguro,” ani no'ng isang lalaki.

“Eto na lang, para hindi ka na namin mabugbog, sabihin mo na lang kung sino 'yong babaeng tumulong sa'yo. May utang pa 'yon sa'kin e.” Aniya. 

How can he be so sure na babae talaga ang sumapak sa kaniya?

“Pipi nga siya Atlas tapos…”

“Shut the f*ck up! Hindi ikaw ang tinatanong ko.”

“Kapag hindi ka pa sasagot papatayin na talaga kita dito. I don't care if you're a member of a Frost, mahina ka naman at walang binatbat sa ibang miyembro ng Frost! You're just a disgrace of your family.” Sigaw no'ng may pangalan na Atlas.

Does he even have a little pity? Or is he a heartless person? Ang sakit naman niyang magsalita, halatang natamaan ako sa sinabi niya. 

I was about to rescue that guy again ng may malamig na boses na naman akong narinig. 

“Atlas! You did touch a member of the Frost Clan?”

Nagtago na lang ako muli at nanood na lang sa eksenang nagaganap ngayon. 

“What are you doing here, Matt? Don't tell me…”

“Yes you're right. Now get off your hands on him, right now, Atlas.” Ani no'ng lalaki na sa tingin ko ay Matt ang pangalan. 

That must be the Matt na nagpakilala kaninang umaga lang. 

“Why would I? Wag ka makialam sa trabaho ko Matt. Umalis ka dito kung ayaw mong idamay kita.”

“I said get off your hands!” 

Every word that he said was full of authority. His deep voice was added to his superiority. Talagang matitinag kung sino man ang pagsasabihan niya, and I can see that Atlas was a bit scared. 

Hindi ko masyadong nakikita ang reaksyon ni Matt kasi madilim doon sa bahagi na kinatatayuan niya  pero alam kong natatakot sila kasi kaagad na binitawan ni Atlas 'yong lalaki at kaagad naman na pumagitna ang lalaki sa kanilang dalawa ni Atlas at Matt na para bang inaawat niya ang mga ito. 

“Hold yourself Matt, I'm okay.” 

I got ghost bump all over my body when I heard that voice. Hindi ako p'wedeng magkamali, siya ang lalaki na iyon. 

How come?

“Nakakapagsalita ka pala.” Ani Atlas na halata naman ang takot sa boses nito. 

“Don't you ever touch him again, Atlas. Do you understand?” Ani Matt sa malalim na boses.

“What? Are you friends with this loser? Matt? I am ten times better than him. He can't even fight so why be friends with him?” Puno ng panghihinayang ang boses ni Atlas. 

“I'm gonna say it once, he's way better than you, Atlas.” Huling wika ni Matt bago niya hinila 'yong lalaki at sabay silang umalis.

Maraming bandage sa katawan no'ng lalaki at nakakaawa naman talaga siyang tingnan. But how can he say he's okay with all of that scars?

The Rare OnesWhere stories live. Discover now