47. Dark as Ebony

60.3K 2.3K 256
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 47 -Dark as Ebony

(Lara)

Thug! Narinig kong halos mabiyak ang pintuang gawa sa matibay na kahoy nang suntukin ito ni Laurent.

Halos mapatalon ako sa pagkakaupo sa lamesa dahil doon. I'm

Magdadalawang araw nang nawawala si Silex at wala parin kaming balita mula sa council na nagpadala na ng mga mercenary keepers para saklolohan si Amber. Nasa loob kami ng isang bakanteng silid kung saan ginaganap ang potion class. Susuntok pa sana sa pintuan si Laurent nang biglang bumukas ito at kusang napaatras ang lalaki. Pumasok si Alvis na halos iwasan ni Laurent nang malapit na ito sa kanya. Madalas kong napapansin ang pangingilag ni Laurent kay Alvis simula nang makalabas ito sa healing room. Halos hindi na rin mag-usap ang dalawa at hindi magpansinan. Mas lumala ang ilangan nila nitong mga nagdaang araw.

Nang makalapit saakin si Alvis ay napatigil ito sa aking harapan. Hinaplos nito ang karga kong si ruru bago nagsalita. Mahina at halos pabulong. "Lara, the council is outside. Narinig kong kailangan ka nilang hulihin para pigilan ang black prophecy."

Hindi ako nakapagsalita. Napamaang ako sa narinig. What are they planning again?

"There is another person in this room....That's me." Narinig kong humakbang si Laurent palapit saamin. Humarap din ito saakin habang ako'y nagsimula nang manginig sa kinauupuan kong preceptor's table na nasa gitna ng silid. "Kanina ko pa nararamdaman ang presenya ng siyam sa mga taga magic council kasama ang limang pinakamalalakas na mercenary keepers ng Cairos. Mulhang inutusan sila ng mga Holoma para dakpin ka." Nagtama ang aming mga paningin. Nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata nito. Agad akong bumawi ng tingin.

"I should take her away from here." Boluntaryong sabi ni Alvis.

"No! She stays with me." Laurent raised a tone. Naramdaman ko ang paghawak nito sa kaliwa kong braso. Her grip felt like he won't let go.

"Anumang oras ngayon Laurent ay hinahanap na tayo ng mga council. I can keep her safe!" Alvis raised a tone as well.

I can feel the tension between the two. Nagsimula na rin akong kabahan.

"Please not now. A-anong gagawin natin?" I asked them both.

"Come with me Lara. Itatakas kita." Alvis held my right hand. Mahigpit din ang pagkakahawak nito.

"NO!" Halos pabulyaw na sabi ni Laurent. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "She's mine!"

"W-wait! Walang nagmamay-"

Biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang mga estrangherong mukha na tantiya namin ay mga mercenary keepers ng Cairos.

Natigilan kaming tatlo. The two men were holding my arms and it seemed that no one was ready to let go.

"Hulihin sila!" Sigaw ng isa.

Akmang papatamaan na kami ng malakas na kapangyarihan ng isang mercenary keeper nang maramdaman ko ang mumunting kuryente mula sa pagkakahawak ni Alvis. Halos hindi ko namalayang hindi kami natamaan ng mercenary keeper dahil tila isang napakabilis na pwersa ang humila saamin pataas. Gumawa iyon ng isang nakakagimbal na kidlat dahilan para masilaw ang mga tumutugis saamin.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon