Nang nasa malapit na siya ay ganun na lamang ang pagkagulat ko. My jaw dropped for a second.

Bakit parang kamukha niya ang totoong ama ko? He's old yes, but the resemblance is so uncanny. Kung hindi ako nagkakamali ay magkamukha talaga sila sa totoong ama ko.

Noong hindi pa ako napunta sa mundong 'to ay hindi ko talaga tunay na ama ang nakasama ko sa huling hininga ko. That was my stepdad and this old man in front of me ay kamukhang-kamukha talaga ng totoo kong ama na nakita ko sa picture noon.

“Luna my dear,” lumapit siya sa 'kin and he gently hugs me.

Doon na rin ako natauhan sa naging reaksyon ko kanina. Yumakap ako pabalik sa kaniya without even thinking twice. Nakalimutan ko na mataray nga pala ako sa pamamahay na ito.

Nang maghiwalay kami ay nakita ko ang malapad niyang ngiti.

“Mauna na ako sa labas. Hintayin ka namin,” paalam ni kuya Blaze sa 'kin.

Hindi pa nga ako sumagot sa kanya ay umalis na siya kaya wala na akong nagawa pa kundi ang harapin ang sa tingin ko'y lolo ni Luna. Or should I say, my Lolo from now on?

“Does you feel okay right now?” malambing niyang tanong sa 'kin.

The way he talks is so soft. It's as if it will not harm you and you'll feel very safe around him. He's like the peace that everyone would ask for.

Tumango na lang ako bilang sagot.

“Your Lola again is giving you a hard time. I apologize for that, apo. But don't you worry, as long as I'm here, no one can harm you, okay?”

Tumango ako sa sinabi niya. I don't know why pero napangiti ako sa sinabi niya.

“Go now, bisita uli kayo dito pag magaling ka na, okay?”

“Opo,” sagot ko bago magsimulang maglakad paalis.

Paglabas ko pa ay sumalubong kaagad sa 'kin si Sally. Malapad ang ngiti niya ng humarap siya sa 'kin.

“It's good to see you smile again, Miss Abi.”

Hindi ko namalayan na nakangiti pa pala ako kaya nang marinig ko ang sinabi niya ay ibinalik ko na kaagad ang mukha sa normal nitong anyo.

“Shut up,” usal ko sa kanya.

Mahina naman siyang natawa tsaka humingi kaagad ng paumanhin sa 'kin. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse at hindi na lang ako nagreklamo pa.

Dahil mahaba-haba pa ang byahe namin sabi ni Sally ay naisipan ko na lang na umidlip. Ewan ko pero ang bilis ko na antukin ngayon. Siguro'y dahil sa mga nangyari sa 'kin at naging mahina ang katawan ko.

Hindi naman ako ganito. Sadyang mabilis lang talaga akong makaramdam ng pagod ngayon dahil sa ginawa ng aking ama kaninang umaga.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong huminto na ang sinasakyan naming kotse.

“Tara na po Miss Abi.”

Inalalayan ako ni Sally pagbaba ko ng kotse dahil naramdaman ko na naman uli ang panghihina ng tuhod ko.

Mahigpit akong humawak sa kaniya and thankfully hindi naman siya nagtanong sa 'kin. Mukhang alam pa nga niya ang dahilan eh.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bahagya akong nabigla sa taas ng gusali na pinasukan pala namin kanina. Hindi ko lang nakita kasi nga tulog ako.

Ang taas ng gate nila. Halatang napakahigpit ng security dahil sa dalawang gwardiya na matangkad pa sakin ang nagsara ng main gate.

Main gate pa lang malaki na, paano na lang kaya sa likod ng bahay na ito? Halata kasi na malawak ang likod nito kung titingnan mo dito mismo sa harapan ng bahay. Malaki rin ang bahay na nakatayo sa harapan namin ngayon at sa wari ko'y nasa 5th floor ang taas nito.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now