Kabanata 26

3.7K 104 4
                                    

NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Reagan sa kanila ni Amari habang nakaupo sila sa harapan nito. Hindi niya masisisi kung ganito na lamang ang naging reaksyon nito sa kanila.

"Am I dreaming?" she said unconsciously.

"Of course, you're not, duh!" sikmat ni Amari dito.

Reagan chuckled. "Yeah, of course. Sa pananalita mo pa lang, alam ko na kung sino sa inyo ang sino."

"Kuya mo lang naman talaga ang tanga, 'di ba?" Bumalik uli ang galit sa mukha nito sa sinabi ng kapatid.

"What did you say?!"

"Ate," pag-awat ni Imari sabay kapit sa damit ng kapatid. Alam na nga nito na galit na ang kaharap ay mas ginagalit pa talaga nito. "I'm sorry for my sister's behavior," baling niya sa kanilang kaharap.

"Huh, teach your twin sister a good manners!"

"You fuc--"

"R-Reagan," sambit ni Imari na nagpatigil kay Amari. "I am Imari Romano, Amari's twin sister," pagpapakilala niya. Hindi sila nito nabigyan ng pagkakataon na magkakilala noon dahil sa ang akala nito ay siya si Amari. Sana naman ay hindi siya nito ulit sabunutan, napakasakit nu'n. "A-And the last one you last saw in your brother's penthouse when he slapped you, that was me," kinakabahan niyang pag-amin.

Padabog na tumayo ito't dinuro sila. "You two played with my brother!" Hindi patanong 'yun kundi derektahan nitong paratang sa kanila.

Napailing agad si Imari. "We did not."

"Of course not!" usal ni Amari at napatayo na rin, pinantayan ang galit nito.

"Can we please go out first? Let's talk about this outside." Nakakahiya kung dito pa sila sa loob magsisigawan at mag-away.

"Follow me you two!" mariin nitong sabi at naunang lumabas ng resto.

"Follow me you two. Bitch!"  panggagaya ni Amari dito, pabulong. Siniko niya ito at inirapan lamang siya saka sumunod kay Reagan.

Nakahinga ng maluwag si Imari dahil kahit papaano ay pinakinggan siya ni Reagan at kusang lumabas. Nakita nila ito na nakatayo sa isang puting Bugatti Chiron at nilapitan.

"Now, answer my question. Which of you did my brother marry?"

"Me, but our marriage is void, right?"

"Huh! At ikaw ang mahal ng kapatid ko?" nanunuya nitong tanong.

Nakahalukipkip at nakangising inilapit ni Amari ang sarili rito. Matangkad ang kanyang kapatid kumpara dito, ngunit sa tingin niya mas matanda ito ng ilang taon sa kanila. "You should be thankful because it's not me," hinila siya ng kapatid saka inakbayan, "but this twin of mine that your brother loves."

"Ate," pagsiko niya dahil alam niyang iniinis na naman nito si Reagan habang nalilito at naguguluhang nakatingin uli sa kanila. Binitawan siya ng kapatid at hinarap ng maayos si Reagan.

"Is it too confusing, and complicated, Reagan? Ganyan kagulo ang utak ng kuya mo," pagak nitong sabi. "Sa sobrang gulo pati buhay namin nadamay!"

"Huwag na huwag mong isisi sa kuya ko ang nangyari sa buhay mo o sa inyo, Amari. Dahil una pa lang, magulo na ang meron kayo! Ikaw," nanlilisik siya nitong binalingan, "kung ikaw ang mahal, bakit itong kapatid mo ang pinakasalan? Bakit ikaw ang naroon nang panahon na iyon? Ganyan ba kayo magkapatid, huh? Kaya ninyong manloko at manggamit ng tao para lang sa mga gusto ninyo! Pinaglaruan ninyo ang kuya ko't pinagmukhang tanga sa harapan ninyo!"

"Don't yell at my sister, Reagan!" Hinawakan ni Amari ang balikat nito't ipinaharap rito.

"And why not? Kambal nga kayo, parehong malalandi at manggagamit!" Sinampal ito ni Amari na ikinagulat niya. Agad nahila ni Imari ang kapatid palayo kay Reagan. Muntikan pa siyang mapatid dahil sa sitwasyon niya na nakasaklay.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon