Kabanata 3

4.8K 111 5
                                    

KANINA pa walang humpay sa pagtulo ang luha ni Imari simula ng kaladkarin siya ni Rouge pasakay ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng airport at binuhat paakyat sa eroplano na siyang sinakyan din nila noong umalis sila ng Mallorca. Hindi niya matanggap na siya ngayon ang nasa sitwasyon na kailanman ay hindi niya inaasahan. Nagagalit siya. Nagagalit sa lahat ng naglagay sa kanya sa sitwasyong 'to.

She was alone where she sat now, which made her thankful that Rouge wasn't by her side. She didn't know where he was after he put her down on the chair and he just turned his back on her. Kung puwede lang sana tumalon sa eroplanong sinasakyan nila ngayon nang hindi siya mamamatay ay ginawa na niya para lang makatakas rito. She was not used to his presence, especially when he was angry. She is not used to dealing with this kind of behavior.

Imari clenched her fists as she remembered what she and her father had talked about...

"Ikaw nga ba iyan, Imari?" pangungumpirma nito.

", papá," sagot niya sa salitang espanyol. Hindi marunong si Amari kaya alam nitong siya nga ang kausap nito ngayon.

"Why are you with your sister's husband, Imari?" mariin anito, pabulong. "What did you do to your sister? Where is she?" Hindi ba dapat kamustahin muna siya nito? At saka, anong alam niya kung nasaan si Amari kung hindi naman sila nito magkasama? Ni hindi nga tumatawag iyon sa kanya.

"I don't know, papá." Nilingon muna ni Imari ang pintuan upang siguraduhin na walang makakarinig sa kanya, bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin sa kanyang ama. "I was in a shop in Central Palma when I was mistaken for my sister's husband's wife. Rouge took me and just a few hours from now we will be leaving to go home to the Philippines," salaysay niya. Sana naman ay tulungan siya nito.

"What? You can't come here!" Inaasahan na niya iyon. Hindi alam ng mga taong nakakakilala sa pamilya nila na may kakambal si Amari, na may isang anak pa 'to.

"Then help me, papá. I don't want to get involved in whatever problem Amari and her husband have. Please," pakiusap niya.

Ilang sandali natahimik muli ito't tila may sinasabi na hindi niya marinig masyado.

"Fine--"

"Gracias, pa--" natigil siya sa sumunod na sinabi nito.

"Come with Rouge back here in the Philippines, Imari." Pakiramdam ni Imari pinagsakluban siya ng langit at lupa sa sinabi ng ama. Gusto niyang pumunta sa Pilipinas para makita ito, pero hindi sa ganitong paraan.

"But, papá, Rouge--"

"Do as I say, Imari. Just follow my order." Order? Ano ba ang tingin nito sa kanya, tauhan nito?

"N-No. I'm just stay here, papá. My life is quiet here. I'm fine here." Huwag naman ganito. Hindi na lang niya pangangarapin na pumunta ng Pilipinas.

"Do you want me to accept you? Would you like me to introduce you to everyone who knows our family? Do you want to take my last name? I can do all that, Imari, just go with Rouge and pretend to be his wife for the meantime," sunod-sunod nitong sabi.

Napahawak na lamang si Imari sa railing ng terrace habang binibitawan ng kanyang ama ang mga salitang 'yun. Ang makasama nga lang ng ilang oras ang lalake ay hindi na niya kaya, ano pa kaya ang magpanggap na asawa nito? Hindi niya kaya maging si Amari. Hindi niya kaya maging asawa ng isang lalake na hindi pa niya nakilala ng lubusan at walang alam na kahit ano rito.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now