6. This moment

5.3K 76 0
                                    

"Ha..hi" mahiya hiyang bati ni sophia sa nakatabi niya sa tricycle.

"Hi" tumingin ito kay sophia at binati din na may kasamang pagngiti at agad din umiwas ng tingin.

Tahimik lang silang dalawa habang inaantay na makarating sa labasan. Buti nalang ay maingay ang andar ng tricycle kaya hindi ganoong nakakailang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Bayad ho, dalawa"

Sophia's POV

Oo nga pala hindi pa pala ako nakakapagbayad. Paano niyang nalaman na hindi pa ako nagbabayad? Manghuhula ba to? Aishhh nakakahiya. Dumukot ako ng barya sa dala kong pouch.

"Bayad ko nga pala sa binayad mo. Salamat" sabi ko habang inaabot ang pera sa kanya.

"Ok lang, treat ko na yon"

"Ah..sa..salamat uli" mautal utal kong sabi at feeling ko namumula na ko dahil sa hiya.

Tahimik lang kame pareho at ako hindi mapakali hindi ko alam kung bakit. Nakarating na kame ng labasan at kanya kanya na ng baba.

"Sasakay kadin ba ng jeep? Saan ba ang way mo" tanong niya sakin.

"Ah oo, tatawid pa ko eh" sagot ko.

"Pareho pala tayo. Tara?"

May kahabaan din ang tatawirin namin. Habang tumatawid ako bigla niyang hinatak ang braso ko at napadikit ako sa dibdib niya dahil sa biglaang paghatak sakin. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik na ako masagasaan o dahil sa paghatak niya sakin at ngayon nakadikit pa ako sa dibdib niya o pareho? Hindi ko alam, ang gulo ng gantong pakiramdam. Bakit ganto? Ngayon ko lang naramdaman ang gantong mabilis na pagkabog ng dibdib ko maliban don sa nangyare kay papa. Hindi ko maintindihan.

"Sa..salamat" mailang ilang na sabi ko at kumawala na sa pagkakadikit sa kanya.

Wala man lang siyang sinabi at bigla nalang niya hinawakan ang braso ko para maalalayan at maisabay sa pagtawid niya. Kaya ito nanaman ang dibdib kong kumakabog. Patingin tingin lang siya sa kanan at kaliwa ng daan na para bang hindi niya ako nakikita.

"Next time magiingat ka madame na mabibilis magpatakbo ngayon"

Sabi niya na nakatingin lang ng deretso sa daan habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Kasalukuyan kasing nakatawid na kame at nagaantay nalang ng masasakyan. Ano kaya iniisip niya?

"Pasensya ka na. Salamat uli" sabi ko nalang.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagaantay ng masasakyang jeep. Nakakainis puro kahihiyan naman oh.

"Para!"

Sabay na sabi namin sa dumaan na jeep at nagkatinginan pa kaming dalawa kaya napaiwas agad ako ng tingin. Pinauna na niya ko pinasakay, napakagentleman niya. Pagkapasok ko ay sumunod nadin siya pumasok at dahil puno na sa kabilang upuan dito siya sa inupuan ko umupo at nagkatabi nanaman kame. Nagsimula ng umandar ang jeep pero ilang sandali pa ay huminto ito, hindi dahil may bababa kundi merong sasakay, napatingin ako sa kinauupuan namin at nagtaka kung bakit pa magsasakay si manong driver dahil puno na at dalawa pa ang sasakay kaya ang nangyare umupo yung isa sa kabila at nagsisiksikan na sila at yung isa naman ay sa pwesto namin umupo kaya ang nangyare nagsisiksikan nadin kame. Bahagyang umurong ng upo si tristant at kalahati nalang ang nauupuan niya, hindi ko naiwasan na matuwa dahil ang gentleman niya. Totoo nga siguro yung sinabi ni uncle na mabait siya. Tinitignan ko yung mga kasama namin at karamihan sa kanila ay nakatingin sa kanya kaya nahawa din ako at tinignan nadin siya, hindi mo maipagkakailang hindi siya tignan dahil gwapo siya kaya nadin siguro siya pinagtitignan at bago pa lumakbay ng malayo itong nasa isip ko may naalala ako kaya agad agad ko ginawa.

My uncle's apartmentDär berättelser lever. Upptäck nu