"Oh, sorry to hear that."

"No worries. I'm fine, I just can't straighten my knees properly because it hurts when I do." Napangiwi ito sa kanyang sinabi na para bang naramdaman nito ang sakit niyon.

"You should take care of yourself, Miss Imari."

"I will. Thank you."

"Oh, Dr. Rafael is here," bulalas nito na ikinaangat ng kanyang paningin.

"Good morning, ladies!" nakangiting bati nito. Pansin ni Imari na nakaligo at bagong bihis na ito. Kanina kasi nang mag-facetime sila ay nasa ospital pa ito't suot ang scrub suit nito at katatapos lang ng operasyon. Nais sana siyang sunduin nito, ngunit tumanggi siya dahil alam niyang pagod pa ito sa ilang oras na pagtayo sa pag-oopera. "How are you feeling?" he asked then kissed her on the cheek and handed her a bouquet of roses. 

"Thank you. I'm fine. It just hurts a little bit." Napakabango rin nito. "You, how was your whole night?" Inayos niya ang ilang hibla ng buhok nito na napunta sa noo nito. Kita niyang napapikit ito sabay hawak sa kanyang kamay at dinala sa labi nito para halikan.

"Now I'm fine. My energy and strength returned after seeing you." Sa pagmulat nito, kita niya ang kakaibang emosyon roon habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Imari was used to Rafael's behavior, but what she was not used to were the words he uttered that silenced her. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa tuwing naririnig niya ang mg binibitawan nito. Batid niya sa kanyang sarili na gusto niya si Rafael, pero tila may kulang. Rafael has all the qualities a woman looks for, good looks, tall, well-toned body, rich and above all kind and helpful to those in need. She's not closing her door for him tho. Bukas pa rin siya sa posibilidad na baka hindi pa lang ngayon, na baka mas kinikilala pa lang ng puso niya ito dahil na rin sa nakaraan niya.

"Thank you, Rafael," buong puso niyang pasalamat.

"For what? For letting you come with me to the orphanage and being hurt like this?" Kita ni Imari ang paggalaw ng mga panga nito, na tila hindi nagustuhan ang nangyari sa kanya. Kahapon pa ito ganito. Ito rin ang unang tumakbo sa kinaroonan nila ng bata at tinulungan silang makatayo. Binuhat agad siya nito nang makita ang sugat sa kanyang mga tuhod at napamura. "I will treat your wound again and replace it with a new gauze, just wait for me here." Tumango siya saka ito nagmamadaling lumabas.

"Where's Rafael? I heard his voice just now," bungad sa kanya ni Valeria.

"He just came down for a while, maybe to get his things to treat my knees."

"I see. I'm going out after my class, Ims, I have to pick up my mother from the airport," paalam nito.

"Yeah, sure. Just send my regards to Aunt Valerie."

"Sure! I'll go to my class now. Bye!" Saktong pag-alis ni Valeria ay ang pagpasok uli ni Rafael.

He sat next to her and carefully took her legs and placed it on top of his leg. Even though it was embarrassing to see them in such a position, Imari still forced herself to calm down. Nakalantad kay Rafael ang kahabaan ng kanyang mga binti dahil sa suot niyang floral mini-dress. Palihim niyang tiningnan ito at kita ang pagkaseryuso sa mukha nito habang ginagamot ang kanyang mga sugat. Noong una niyang makilala ito, akala niya isa itong modelo dahil sa katawan at porma nito, hindi niya inakala na isa pala itong doctor.

"Don't look at me like that, mi amor, I might kiss you in no time." Napalunok siya't agad napaiwas ng tingin.

Natapos ang panggagamot ni Rafael sa kanya na hindi na niya ulit tiningnan ito't inabala ang sarili sa kanyang cellphone. Nagpaalam din ito at sinabing uuwi muna sa apartment nito para makapagpahinga kahit sandali bago pumunta ng kompanya.

Imari drives to the restaurant where she and her sister will meet. Kababalik lang nito ng Paris galing Madrid at inaya siya nitong kumain sila sa labas kesa raw magluto pa siya. Siya talaga ang magluluto para sa kanilang dalawa dahil wala namang alam itong lutuin kahit magprito ng itlog. Ang kumain lang ang hilig nito.

Nakangiting binati si Imari ng pagbuksan siya ng isang lalakeng staff at inalalayan makapasok dahil sa crutches niyang gamit. Nagpasalamat siya rito. Hindi pa man niya hinanap si Amari ay nakita na niya sa 'di kalayuan ito na nakatayo at may kausap na isang babae. Nakatalikod mula sa kanya ang kausap nito't base sa nakikita niyang mukha ng kapatid, mukhang may hindi pagkakaunawaan ang mga ito.

"Don't blame me for your brother's stupidity, Reagan," Imari heard her sister say to the person she was talking to as she approached.

Reagan? Kapatid ba ni Rouge ang kausap nito?

"Stupidity because of his love for you, Amari," pagdiin nito sabay hawak sa braso ng kanyang kapatid. Mukhang ito nga.

"Amari," sambit niya upang kunin ang pansin ng dalawa at para matigil din sa pagsagutan dahil sa mga customer na napapatingin na sa puwesto ng mga ito.

Hindi dapat pinag-uusapan sa pampublikong lugar ang mga personal na problema ng mga ito. Sabay napalingon ang dalawa sa kanya, na ikinasinghap at ikinalaki ng mga mata ni Reagan pagkakita sa kanya.

"Oh my God!" bulalas nito't napatakip ng bibig.

©L A D Y  L E N E

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon