46. Spells Magic and Hatred

59.9K 2.3K 335
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.


The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.


***

Chapter 46- Spells, Magic and Hatred

(Silex)

Nagising ako. Pagmulat ng mga mata ko ay ang maluha-luhang si Amber ang bumungad saakin. Nakahawak ito sa magkabilang pisngi ko habang pinipilit ngumiti sa kabila ng sitwasyon. Agad akong nabahala nang maisip kong hubad ako. Pero nang bumalikwas ako at tinangkang bumangon ay naramdaman kong nabalot ako ng isang makapal na itim na manto. Nakahinga ako ng maluwag. Tinuloy ko ang pagbangon pero nagulat ako nang sinalubong ako ng mga bisig ni Amber at mahigpit na niyakap. Nakita ko din si Kaiser na nakamasid lang sa likuran ni Amber. Ngumiti ito ng pilit at tumango ng bahagya. Sinenyasan ako nitong yakapin ko din ang umiiyak na babae. Since when did I ask for permission to hug her? Ang pagkakaalam ko'y simula nang malaman ko ang hinaharap mula sa pusang si Jolly na bigla na lang sumulpot sa palasyo ng mga Holoma.

I hugged her back, as tight as I can. I missed her at alam kong nalalabi na lang ang mga araw na pwede ko siyang yakapin ng ganito kahigpit. I'm so sorry, I love you so much but I can't break the chain of fate. Tanging bulong ng isip ko, ng puso't isip ko. "You'll be fine... You'll be fine Amber." bulong ko sa kanya habang umiiyak ito sa balikat ko. Her tears started to fall down my shoulders.

Nang humiwalay ito.sa pagkakayakap ko ay mabilis naman ako nitong kinurot sa tagiliran. Paniguradong susumpungin na naman siya ng inis dahil sa mga pangyayari. "Antigas ng ulo mo! Kakagaling mo lang sa healing house, nandito ka na naman!" sigaw nito.

Napangiwi ako sa sobrang sakit. Anlalaki kasi ng mga kuko nito. "Arayyyy! Niligtas na nga kita eh!"

"Eh kung namatay ka? Ako pa ang magpapaliwanag sa mga babae mo kung pa'no ka namatay?!"

"Oh ligtas ka naman. Anong problema mo?" sagot ko saka bumulong, "As if may iba akong babae."

Naagaw ng isang malakas na boses ang atensyon namin.

"Herbas et occiderent!" Narinig kong sigaw ni Mistress Fhaun higit limampong metro mula sa kinaroroonan namin. Nagsitubuan ang mga halaman sa paligid ni Fhaun. Mga buhay na halaman na tinubuan ng mga halimaw na kulay pulang bulaklak na may matutulis na ngiping halos maglaway sa sobrang gutom. Higit sampo ang nakapaligid dito.

Tumawa naman ang reyna. Mahina pero dinig ko parin. I can hear her hearybeat as well. Hindi mabilis at parang kalmado lang kumpara sa tibok ng puso ni Mistress Fhaun -mabilis at nagririgodon.

Sa mga sitwasyong ito nagagamit ko ang lakas ng aking pang-amoy, paningin at pandinig. Kinakabahan ako para kay Mistress Fhaun.

"Sa tingin mo ba'y matatalo mo ako gamit ang mga rekado mo sa kusina? Hmmm Fhaun?" mayabang na sabi ng reyna habang nananatiling nakahalukipkip parin. "You can't kill me. At ang taong kaya akong patayin ay wala na. Ang iyong matalik na kaibigan na katulad mong mahina."

"Nilinlang mo ang dating reyna ng Cairos. Nilinlang mo si reyna Elmaea. Nilinlang mo ang sarili mong kapatid dahil sa pansarili mong interes!"

M-magkapatid ang dating reyna Elmaea at si Queen Amry? Damn! Anong ibig sabihin nito?

"Alam mong hindi mo kayang patayin si Elmaea para maisakatuparan ang itim na propesiya. Dahil mas malakas siya nang di hamak sayo! Mahina ka kumpara sa kapatid mo kaya hinintay mong isilang niya ang kambal na Hearthopia. Alam ko lahat ng kahayupang ginawa mo Amry. Hinintay mong manghina ang iyong kapatid sa kanyang panganganak para maikulong mo siya gamit ang iyong kakayahan. Ngayon, tama ang naging hinala ko. Hinitay mo ang tamang panahon para sa dalawang anak ni Elmaea at isasakatuparan mo ang nabigo mong pangarap -ang itim na propesiya."

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon