Kabanata 11

3.7K 263 86
                                    

A/N: Mother's Day pala. Happy Mother's Day to all mommies out there hehez:*

***

Natapos ang buong klase ngayong araw ng wala naman masyadong ginawa dahil first week pa lang naman kaya hindi gaanong nagtuturo ang mga instructor ngayon.

Hindi ko na muling nakita si professor Walton matapos ng aming pag-uusap kanina, ngunit nakita kong lumabas sa office niya kanina si Ara ng dumaan ako para kumuha ng libro dahil malapit ang library sa office nito.

Yes, alam ko na ang pangalan nito. Ara Carter, kilala siya sa buong unibersidad dahil isa pala itong varsity ng volleyball at usap usapan rin na matagal na niyang pinopormahan ang propesora, ngayon lang siya naging mas active sa pagpapakita ng nararamdaman sa propesora marahil ay dati bawal ang student and Professor relationship pero ngayon ay mas open na ang unibersidad sa mga ganitong relasyon dahil syempre ako ang nag-patupad for future purposes pero iba ang nakikinabang, tss.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at nakitang mag aalas-sais na pala ng gabi. Kanina pa tapos ang klase pero tumambay muna ako rito sa mini garden at natulog ng dalawang oras. Masarap kasi tumambay rito dahil presko at malilim.

Tumayo na ako at nag-inat bago kinuha ang mga gamit ko na nakalapag sa damuhan. Susunduin ko pa nga pala si Ygritte.

Bakit nga ba ako pumayag sa dinner na alok nito kanina?

Wala naman akong balak na imbitahan siya sa bahay lalo pa at doon din naninirahan ngayon si Coven, ayokong magkita ang dalawa. Hindi kilala ni Ygritte si Coven but that guy knows her.



Sumakay na ako saaking sasakyan at pinatakbo ito patungong hospital kung saan pag mamay-ari ni Ygritte.

Hindi na ako umakyat sa office niya at hinintay na lamang siya sa lobby. Ang sabi ng secretary niya ay may on going operation raw ito na kanina pa pala nag simula alas tres ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos.

Kita ko rin na pawang busy ang lahat ng mga tao sa hospital dahil may mga nurses na kaliwa't kanan na nagtatakbuhan at mukang nagmamadali habang dala dala ang mga importanteng kagamitan ng hospital.

May aksidente palang naganap hindi kalayuan sa hospital kaya maraming tao ngayon, dalawang bus raw at halos lahat ng sakay ay sugatan, may iba rin na mga nadamay sa salpukan kaya naman marami talagang mga pasyente ngayon at hindi na ako magtataka kung bakit alas nuebe na ng gabi ay wala pa rin si Ygritte.

Inaabala ko na lamang ang sarili sa pag lalaro ng mobile games habang hinihintay siya. Hindi ko ugaling maghintay ng ganito katagal, pero ayoko namang umalis nalang ng wala manlang paalam.

Medyo nagugutom na rin ako dahil anong oras na at hindi pa rin ako kumakain.

Umangat ang tingin ko ng makitang may nakatayo sa aking harapan.

"H-hey." Nahihiyang bati ni Ygritte.

Suot pa rin nito ang mahabang white coat niya, magulo ang naka-ponytail nyang buhok, may mga butil ng pawis sa noo, medyo hinihingal pa marahil sa pagtakbo papunta rito, muka rin syang pagod na pagod dahil namumungay na ang mga mata nito.

Mukang katatapos lang ng operation niya at pumunta siya agad rito kahit hindi pa siya nakakapag-ayos ng sarili may bakas pa nga ng dugo yung suot nyang coat ngayon. Pero maganda pa rin.

Sobrang ganda pa rin.

"S-sorry kung pinaghintay kita, hindi na kita nasabihan dahil nagka-emergency. " Kagat nito ang labi ng matapos mag-salita.

Nakatitig lamang ako sakanya habang nanatiling naka-upo sa upuan, nag-iwas ito ng tingin saakin.

" K-kung okay lang p-pwede bang ituloy pa rin natin ang dinner kahit late na? I already promised that I'll cook for you tonight. " Namumula ang pisnging wika nito, hindi pa rin makatingin saakin ng diretso kaya naman tumayo na ako at hinawakan ang balikat niya upang iharap saakin.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now