Simula

10.2K 346 3
                                    

Sa isang malawak na silid nakatayo ang isang napakagandang babae, habang nakaharap sa isang malaking screen kung saan makikita ang litrato ng apat na magkakaibang babae.

"They are living a good life huh." Wika nito bago sumilay ang isang ngisi sakanyang labi.

Umupo ito sa nagiisang upuan sa gitna ng silid bago nilipat ang slide, kung saan makikita ang isang babae na may mahabang blonde na buhok, asul na mga mata at may tipid na ngiti sa labi. Ang babaeng ito ay nakasuot ng uniporme ng isang propesor sa isang sikat na unibersidad.

"Czaris Natasha Walton." Tumatangong wika ng babaeng nakaupo, habang pinagmamasdan ang litrato ng isang propesora sa napakalaking screen.

Sunod naman ang pag lipat niya ng slide kung saan makikita ang babaeng nakasuot ng isang puting coat at may gloves sa mga kamay habang ipinupusod ang mahaba nitong buhok. Sa itsura nito muka itong galing sa isang napakahabang operasyon ngunit makikita pa rin kung gaano ito kaganda.

Isang ngisi ang lumabas sa labi ng babaeng nakaupo at binigkas ang pangalang kanyang nababasa sa taas ng litrato.

"Ygritte Meyer, a doctor."

Matapos pagmasdan ang litrato ng doktora, sunod naman ang litrato kung saan makikita ang babaeng naka suot ng isang formal na kasuotan sa loob ng isang korte. Makikita sa muka nito ang kaseryosohan sakanyang ginagawa, na kahit halos lahat ng tao sa loob ng court na iyon ay nakatingin sakanya, para sakanya balewala lamang ito.

"Tss, a lawyer. Alessia Armani, how should I start with you?" Tanong ng babaeng nakaupo sakanyang sarili habang pinakatitigan ang litrato ng babaeng lawyer, napapahilot pa ito sakanyang sintido at pawang napapaisip kung paano ang kanyang magiging unang hakbang para maging kaibigan ang babaeng lawyer. Isang ngisi na lamang ang sumilay sakanyang labi ng may mapag tanto.

"I guess that wouldn't be so hard then."  Wika nito habang may malaking ngisi sa kanyang labi bago nilipat sa pinakahuling slide kung saan agad naglaho ang kanyang mga ngisi at taimtim na lamang na pinagmasdan ang litrato ng isang  babaeng napakaseryoso sa litrato wala manlang mababakas na mga ngiti.

Katabi ng babaeng nasa litrato ang isang lalaking may katandaan na ngunit mababakas pa rin ang kakisigan sa tindig nito. Isang tingin pa lamang malalaman na agad na hindi sila basta bastang tao, na galing sila sa isang prominenteng pamilya.

"The President." Mahinang wika ng babaeng nakaupo.

"And her daughter. Chiara Rea Ty." Matapos banggitin ang pangalang ng nasabing anak ng presidente ay isang nakakabinging tawa ang maririnig sa apat na sulok ng silid.
Tawa lamang ito ng tawa hanggang sa may pumasok sa silid at lumapit dito dahilan upang ito'y mapahinto at tumingin sa bagong dating.

"Young lady, your flight is ready. We need to go now." Wika ng bagong dating habang nakayuko at hindi manlang nagabalang mag taas ng tingin sa babaeng nakatitig sakanya ngayon.

"Oh, it's time already?" Tanong ng babae at agad tumayo sa kanyang inuupuan. Maglalakad na sana ito ng biglang may malakas na nagbukas ng pintuan ng silid at pumasok dito ang isang lalaking nagmamadali at mababakas ang inis sakanyang muka.

"Aviannah! Why didn't you tell me that it's your flight now?! " Galit na tanong nito sa babae.

"You never ask. " Tipid lang na sagot nito.

" You still have a month. Don't you think it's too early? "

Tila nagpantig ang kanyang tainga sa kanyang narinig at humarap sa lalaki.

" No one has the right to question my decisions. Know your place Coven. " Malamig na wika nito dahilan para mapaatras ang lalaking nag ngangalang Coven.

" A-tleast use our private plane. It's dangerous Aviannah. " Nauutal na wika ni Coven, kasabay ng sinabi nito ay syang pagtingin nito sa malaking screen sa likod ng babaeng tinawag nitong Aviannah. Tila umusbong ang galit ng lalaking nag ngangalang Coven ng makita ang may katandaang lalaki sa litrato, napakuyom na lamang ito ng kanyang kamay bago humarap ulit sa babae.

" I guess, your decision is final. I'm sorry Aviannah, you can do whatever you want. You have the whole empire at your back. Just give the order and your people won't think twice to erase that fucking country. "

" Not the country but just a few people Coven. I'm not that heartless. A daughter for a daughter. " Nakangising wika ng babae kay Coven at nag umpisa ng maglakad, napangisi nalang rin ang lalaki dahil sa narinig dahil alam nito na sa oras may mangyayaring hindi magugustuhan ng babae ay kayang kaya nitong burahin ang bansang Pilipinas sa mapa at habang buhay ng makakalimutan.

"Oh and Coven?" Tawag ng babae sa lalaki at huminto sa kanyang paglalakad bago humarap sa  lalaking  nag ngangalang Coven.

"Avice. It's Avice Zen Forbes from now on." Walang emosyong wika nito kasabay ng pagluhod ni Coven upang magbigay galang sa babaeng nasa kanyang harapan.

"Yes, Avice Zen Forbes my Queen."

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now