Chapter 7 : Soliel's Visitor

Zacznij od początku
                                    

"Tatahimik ka o sasalaksakin ko 'yang bunganga mo?" tanong ko rito na agad namang nagpatahimik sa kanya.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Ilang minuto rin kaming nagk-kwentuhan ni Meghan sa sofa at wala siyang bukang bibig kundi si Tita Alessia, nakakaimbyerna.

Gusto talaga atang masalaksak ang bunganga.

Lumabas na si Tita Alessia, nakasuot lang ito ng simpleng damit pero nung siya yung nagsuot sobrang eleganteng tingnan.

"Miss Moretti" tawag ni Meghan kay Tita Alessia, gusto raw niya kasing yayain itong magpicture ngunit nahihiya siya.

"Call me Alessia or baby for short" she even wink at Meghan at yung isa naman, kilig na kilig.

womanizer!

"Can we take a picture, Babe? Este Miss A-alessia" sambit ng kaibigan ko, ang harot din talaga. Kung ganito lang ang makikita ko, pupunta nalang ako sa kwarto ko at hahayaan ko na silang gawin gusto nila.

Akmang aalis na ako nang tawagin ako ng best friend ko. "Picturan mo naman kami bff, wala kang support" sambit ni Meghan at nagpout pa. Galit kong hinablot ang cellphone niya, ginawa pa 'kong photographer nila huwao!

Nakita kong ngiting-ngiti si Meghan habang si Tita Alessia naman ay seryoso lang, sobrang daming shots na nangyari ngunit makikita roong iisa lang ang reaction ni Tita Alessia. Hanggang matapos ang pagkuha ng litrato ay kitang-kita kong nakatitig sa akin si Tita at hindi sa camera.

"Bff kayo naman, daliii" tinulak niya ako sa tabi ni Tita Alessia at nagtama ang aming mga braso. Parang may kuryenteng lumandas sa katawan ko at alam kong naramdaman niya rin iyon.

"No thanks" hindi ko kailangan ng picture ni Tita Alessia dahil hindi naman ako mahilig sa ganoon.

Aalis na sana ako nang hawakan ni Tita Alessia ang bewang ko, para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya.

Hindi ko rin magawang mag-smile dahil sa ginawa niya, lalo akong nagulat nang pisilin nito ang bewang ko. Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa mga mata ko, ako na ang nag-iwas tingin dahil parang napapaso ako sa simpleng titig niya.

"Ang ganda bhie!!" sambit naman ng "supportive" friend ko.

"Pumunta ka nalang sa kwarto ko kapag tapos na kayo mag-usap." pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ako.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Wala pang sampung minuto ay sumunod din sa akin si Meghan sa kwarto. Dala nito ang mga gagamitin namin para sa advance reading.

"Babe, tinanggihan ko yung alok ni Miss Moretti" paunang sambit niya, sanay na ako sa tuwing tatawagin niya akong ganon.

"Si Miss Moretti yung "Babe" mo kanina tapos ngayon, ako naman?" kunwaring tampo ko, ganto kami palagi kaya alam na kung anong trip ng isa't isa.

"Syempre si Miss Moretti yun bhie pero ikaw pa rin babe ko, bff" sabay hug niya sa akin, hinampas ko siya kaya pareho kaming natatawa sa kalokohan namin.

Nagbasa at sinulat namin ang mga keywords para sa mga lessons upang may guide kami kung sakaling may pasok na. Ganito kami since first year college kami, palaging nag-aadvance reading dahil na rin competitive kami pagdating sa acads. Noong napagod ay nagpahanda ako kay Manang ng meryenda namin.

"Bff, tingnan mo yung dala ko" nilingon ko siya at nakita kong may kinukuha sa bag niya. Noong tuluyan niya iyong nilabas ay nakita ko ang dalawang barbie.

"What is that?" natatawa kong tanong, barbie kasi iyong normal na nilalaro ng mga bata.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya, minsan hindi ko rin maintindihan trip niya.

"Kiss" binigay niya sa akin ang isa, hawak niya ang isa. Kinuha ang cellphone upang i-video ang mga barbie dolls.

"Mwamwa!! Hmp mwuah" pinagkiskis ang barbie'ng hawak namin.

"Sagutin mo naman!" inis na sambit niya sa akin, kaya natawa ako.

"Mwua! Mwua!" sagot ko, parang voice over namin sa video.

"Hmm.. ang sarap" sambit niya kaya sabay kaming natawa.

Pareho kaming nahiga sa kama habang tumatawa. Nagulat kami ng may biglang sumipa sa pintuan ko at nakita kami sa ganoong lagay. Agad akong tumayo "May kailangan ka, Tita?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam pero natakot ako sa reaction niya at hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil sa tingin na pinupukol niya.

"Your mom called you multiple times and you didn't answer her. So, she asked me what are you doing" mapaklang sambit niya habang nakakunot ang noo niya.

"Advance reading lang, I'll call Mommy nalang. Thank you" sambit ko sa kanya, may sinabi pa siya bago umalis ngunit hindi ko na naintindihan kaya isinara ko na ang pinto.

Hindi na ulit lumabas si Tita Alessia sa kwarto niya, kami nalang ni Meghan ang kumain ng dinner. Nanood din kami ng netflix sa sala, nag-insist din si Meg na siya ang gagawa ng popcorn kaya hinayaan ko na. Wala raw kasing thrill kung sa kwarto ko lang kami manonood kaya napagpasiyahan na lumabas kami.

Hindi ko alam ngunit natawa ako ng narinig kong humihikbi si Meghan. Ang hilig sa heavy drama pero ang iyakin naman. Hinagod ko ang likod nito upang kumalma siya, she's too soft when it comes to heavy drama o sadyang artista lang ang bff ko.

Loving, Tita AlessiaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz