PROLOGUE

9 1 1
                                    

[PROLOGUE]

"Shit. Nasaan na ba yung charger ko?"

Pagod kong pinagmasdan ang kaibigan kong kanina pa naghahanap sa charger ng cellphone niya. Natataranta na nga siya dahil baka tumawag na raw ang Attending Physician nilang magkakasamang nagreresidency dito sa ospital ng pamilya niya.

"Tumatanda na ba talaga ako? Bakit ang bilis ko ng makalimot?" pagddrama ni Bella habang padabog na tinitingnan isa-isa ang drawer ng mini lounge area nilang residents.

"Noon pa naman, Bella, makakalimutin ka na," walang ganang asar ko sa kanya sabay ngisi.

"Oo nga, kailan pa naging matalas isip mo sa sarili mong bagay?" sinabayan pa ako ni Seungkwan sa pang-aasar.

Parang bulkang sasabog na ang kaibigan naming future Doktora. Bella ferociously glared at us before continuing on her hunt for her charger. I sighed heavily before leaning my head on the wall behind the sofa I'm sitting on.

I'm happy hanging out with my two soulmates yet I feel so tired.

Seungkwan noticed my indifference, "ayos ka lang ba, bes?"

"Hmm..." hindi ako makasagot ng matino, "yeah?"

"Let me guess, tinambakan ka na naman ba sa trabaho?" ma-asintadong tanong niya, tumaas pa nga ang kilay niya.

"It's normal, Seungkwan—" naputol ako sa pagsasalita nang magsalita siya.

"Anong normal?" gigil na tanong niya. "Normal pa ba na bayaran at utusan ng Tatay mo ang Boss mo na pahirapan ka sa trabaho? At para saan iyon? Para mapilitan kang bumalik sa kanila?"

I become speechless. Literally.

Hindi ako bulag sa nangyayari sa trabaho ko ngayon. Everything's well under-controlled by my Dad, the big guy in the business and construction industry. Nakapagtapos ako sa kursong Bachelor of Science in Architecture at kahit gaano pa kataas ang marka ko, with latin honors pa nga, hindi ko mabilang ilang beses akong nagpalipat-lipat ng firm.

Either I got fired or I resign.

"Lilipat ka na naman ba?" tanong ni Seungkwan at ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala.

"Hindi ko alam." tanging sagot ko. "Lahat na ata ng architerture firm dito sa Maynila na pwede kong pasukan, nabayaran na ata lahat ni Dad."

"Then how about at Kyra's place? It's her family's firm, baka pwede ka nilang protektahan!" mungkahi niya.

"Dad's still the bigger one here. I don't want to burden Kyra," ani ko na mas lalong ikinagalit ni Seungkwan.

"Jusko naman kasi iyang Tatay mo. Hindi naman siya iiwan ng Mommy mo kung hindi siya masyadong naging mahigpit sayo," katwiran ni Seungkwan na agad kong hindi sinang-ayunan.

"Nakipaghiwalay si Mommy kay Daddy dahil inaabuso siya nito. Hindi dahil sa parang tinatakwil niya—" muli na naman akong pinutol ni Seungkwan sa pagsasalita.

"Edi isa sa dahilan!" he exclaimed very exaggerately. "Inaabuso siya at tinatrato kang parang basura! Your Mother has all the reasons to leave your evil bastard Father!"

Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan ang kaibigan sa paglalabas ng sama ng loob. Patuloy kong pinanuod si Bella na tuluyan na ngang nasiraan ng ulo dahil hindi pa rin niya ata nahahanap ang charger ng cellphone niya.

Ipapahiram ko nalang sana ang charger ko kahit alam kong kakailangin ko rin ito maya-maya dahil mababa na rin ang battery ng cellphone ko nang may kumatok na Nurse at may inabot na paper bag at kung anong wire kay Bella.

Hearts at Wars (KPOP FanFic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon